Chapter 31: His Mother

117 33 3
                                    

"Ano ba kasing nangyari? Alam mo ang away hindi pinapatagal. Ngayon lang kayo nag away ah." Sabi ni Naths. Kung alam niyo lang, hindi ito ang unang beses na nag away kami. Pero ito yung tumagal ng isang araw.

Halos di ko na makain yung pagkain ko. Kanina pa ko walang gana. Ayoko nga sana pumasok kaso sinundo ako nila Casey. Pakiramdam ko kasi nanlalambot ako. Parang gusto lang ng katawan ko na humiga buong araw.

"Wag nalang natin pag usapan." Sagot ko sakanila habang tinutusok yung pasta na pagkain ko. Naiinis talaga ako!

"Zaylia, hindi pwedeng hindi natin pag usapan. Kanina ka pa ganyan. Murder na murder na yung pagkain sayo. Maawa ka naman diyan." Sabi ni Casey. Napatigil naman ako sa paglalaro ng pagkain. Ay bad pala yun.

Sa totoo lang, gumaan talaga yung pakiramdam ko kahapon sa sinabi ni manong driver. Kaso nga lang bumalik yung galit at inis ko dahil hindi niya manlang ako nagawang tawagan. Nakakainis diba?

"Come on Zay. Makikinig kami. Wag mo ibuhos sa pagkain yung galit mo." Sabi ni Mitch.

"Pano ba naman kasi hindi manlang ako nagawang itext! Nag away na nga kami tapos parang wala lang sakanya! Ano yun? Binabalewala niya ko? Nakakanis siya! Bahala siya sa buhay niya! Hindi ako makikipagbati sakanya! Bwisit siya!" Sa sobrang galit ko napasigaw na ko. Nakakainis naman kasi. "Oh ngayon alam niyo na?"

"Zay..." Tawag ni Kelley sakin. Lahat sila nakatitig sakin, hindi ko maipaliwanag mga reaction nila. Anong meron sa mga mukha nila?

"Ano?!" Sabi ko. Tingnan mo tong mga to, sinabi ko na lahat pero wala manlang silang sasabihin

"Eh kasi Zay..."

"Ano ba kasi yun?!" Ngumuso silang lahat parang tinuturo yung nasa likod ko. Bigla naman akong kinabahan. Parang alam ko na to ah. Dahan dahan akong tumimingin sa likuran ko.

"Hi Bella." Mas lalo akong nainis sakanya ngayong nakita ko siya. Parang wala lang sakanya yung nangyari kahapon ah.

"What are you doing here?" Sabi ko ng may galit.

"Last time checked, I still own this school." Wow. Great! Hindi na ko sumagot. Inirapan ko siya bago ako maglakad palayo sakanya kahit hindi ko alam kung saan ako pupunta. Basta ayoko siya makausap!

"Bella! Come on please, let's talk." Usap mo mukha mo!

"Wala tayong pag uusapan! Go away! Stop following me!" Wala na akong paki kung pagtinginan pa kami ng mga studyante dito.

"Stop walking, Bella! I'm freaking serious!" Huminto ako at humarap sakanya. Nakukulitan na ko sakanya, hindi ba niya maintindihan na ayoko siya makausap?

"Ano ba yun ha? Ayoko nga makausap ka! Wala tayong pag uusapan! Umalis ka na! Pabayaan mo muna ako!" Hindi siya agad nakapagsalita. Akala ko aalis na siyan pero hindi pa din.

"Come with me."

"Are you crazy? Bakit ako sasama sayo? Ayaw nga kita makausap eh. Please pabayaan mo muna ko!" Sabi ko at akmang tatalikod na pero nahawakan niya agad yung braso ko.

"If you're not going to come with me willingly..."

"Then what? What are you going to do?"

"I'm sorry, I don't want to do this but I have to."

"Ahhhhhhhh! Put me down! I hate you!! Put me down!" Argh!!! Nakakainis! Ginawa akong sako nito! Badtrip! Nilagay pa niya yung jacket niya sa likod ko para di ako makitaan dahil maikli ang palda ko.

"I swear to God, Jarvis! Pag hindi mo ko binaba--"

"Will you please stop shouting?" Wow ha! Bwisit ka talaga! Bwisit! Ang dami ng nakatingin samin bwisit talaga!

Dinala niya ako sa parking lot at pinasok ako ng pwersahan sa kotse niya. Badtrip talaga!

"This is kidnapping!" Sigaw ko sakanya nang makapasok siya sa driver seat. Pilit kong binubuksan yung pinto pero ayaw talaga bumukas.

"You left me with no choice." Sabi niya habang kinakabit yung seatbelt. Hindi na ko nagsalita. Sobrang galit na galit ako sakanya ngayon, ayoko siya makausap pero wala naman akong magagawa para makaalis dito.

"Bella please--"

"Look, I don't wanna talk to you at hindi ko alam kung anong hindi mo maintindihan dun. Wag ka na magsalita, wag na tayo mag usap hanggang sa makarating tayo sa kung saan mo man ako dadalhin."

Hindi na nga siya nagsalita hanggang sa makarating kami sa hindi ko alam na lugar. Binuksan niya yung pinto at nilahad yung kamay niya pero di ko kinuha. Alam kong napaka rude ko ngayon. Pero sobrang naiinis kasi ako sakanya.

Ngayon ko lang napansin na nasa cemetery pala kami.

In Loving Memory of

Janna Schmitt

1973-1996

If I should go tomorrow

It would never be goodbye,

For I have left my heart with you,

So don't you ever cry.

A lovely mother. Friend. Sister. Wife.

Hindi ako makapagsalita. Di ko alam kung anong sasabihin ko sakanya. Parang gusto ko siyang yakapin ngayon.

"My mother died in front of myself when I was eight. It happened two days before her birthday." Sabi niya habang nakatingin sa tomb ng mommy niya.

"W-What? I... I thought it was an accident." Sa blog na nabasa ko, car accident ang cause ng pagkamatay ng mama niya.

"It wasn't. She didn't die in a car crash, she was killed." Nakita ko sa mga mata niya ang galit at ramdam ko yung galit na yun sa boses niya. " It's my father's fault. It was all his fault, Bella. He didn't do anything, he just watched my mother died. That's why I hate him...so much. You can't blame me. Kung may magagawa lang ako that time to save her, ginawa ko na but I was just a kid."

Hindi pa din siya nakatingin sakin. Napansin ko na may luha na tumulo sa mata niya pero agad din niyang pinunasan. Lumapit ako sakanya at hinawakan yung mukha niya pero iniwas niya.

"I'll find him. I won't stop until I find him, and when I find him..." Tumingin siya sakin at tumaas naman ang balahibo ko sa tingin na yun. Sobrang nakakatakot. "I will kill him. Step by step." Sabay ng pagtulo ng luha niya. First time ko siyang makitang umiyak.

"J-Jarvis... You don't have to do that, please..."

"Do you understand me? Please tell me, you understand." Hinawakan ko yung mukha niya.

"I understand." Sabi ko at niyakap siya. Gusto ko mang sabihin na wag siya mag isip ng ganun pero puno siya ng galit ngayon at ang kailangan niya ay yung iintindi sakanya hindi yung kokontra sakanya.

"I'm sorry, I shouted at you yesterday. I know you were just trying to help. I'm really sorry. And please don't push me away again. You have no idea how much it hurts."

"It's alright. I'm sorry too. I didn't mean to push you away. I was just mad. I won't do that again."

We lay on the grass not saying anything, just looking up at the blue sky while my head is on his chest. Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib ngayong okay na kami.

Tama si Manong driver na may pinagdadaanan si Jarvis. Hindi ko alam kung paano ko mapapagaan yung loob niya ngayon. At yung mga plano niya, ayokong gawin niya yun dahil ayoko siyang maging masamang tao. Alam kong sobra siyang nasasaktan hanggang ngayon. Yung sakit na dinadala niya ngayon pakiramdam ko nararamdaman ko din. Nasasaktan din ako.

Naiintindihan ko kung saan nanggagaling yung galit niya. Mahirap at masakit naman talaga na mawalan ng ina lalo na at nakita mo ng dalawang mata mo kung paano siya patayin.

I will never leave him. I will do everything to help him. Because I love him.

Once in a LifetimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon