Hindi na ko mapakali. Sobrang kinakabahan ako. Hindi naman ako nasabihan na ganito pala kadami tao dito. Grabe! Buong students ata sa school nandito sa venue ng pageant eh. Isama mo pa yung students ng ibang school. Eh 15 schools kaya. Grabe, crowded. Mas lalo akong kinakabahan eh.
"Are you okay, sweetheart?" Tanong ni mommy.
"Yeah, mom." Sagot ko sakanya kahit na ang totoo ay hindi ako okay. Nangangatog na nga tuhod ko sa kaba eh.
"Listen to me, no matter what happens, I'm proud of you and I'll always be proud of you, okay?" Tumango lang ako. Kanina pa ko hinga ng hinga ng malalim dito.
Nasa dressing room kasi kami eh. May kanya kanyang room ang mga contestant. Buti nalang may aircon dito kung hindi hulas na make up ko. Teka, asan na ba si Jarvis? Kakatayin ko talaga siya pag iniwan niya ko sa ere.
"Mommy, where's Jarvis?" Tanong ko kay mommy habang inaayos niya yung gown ko.
"Nandiyan lang sa labas yun. Wag ka masyadong mag alala." Mas lalo akong kinabahan. Baka may nangyari na dun eh.
"Excuse me po, mag prepare na po dahil malapit na magsimula." Sabi nung organizer.
Swim wear pala ang umpisa. Pakiramdam ko nakahubad ako eh. Hindi naman first time pero ang dami kasing tao eh. Nakakahiya.
"Mommy, asan ba kasi yung Jarvis na yun? Magsisimula na eh. Lagot talaga siya sakin--"
"Sinong lagot?" Nakahinga ako ng maluwag nung makita kong pumasok sa kwarto si Jarvis.
Wag na kayong magtaka kung bakit siya nagtagalog, sabi ko kasi sakanya kagabi hinding hindi ko siya kakausapin pag hindi siya nagtagalog. Ayaw pa nga niya maniwala eh, ayun hindi ko siya kinausap ng mahigit isang oras. Kaya ayan, napilitan siya magtagalog. Hahaha.
"Ikaw! Saan ka ba galing?!" Sigaw ko sakanya.
"I was just talking to your dad." Kalmado niyang sabi. Magsasalita pa sana ako kaso tinawag na ko.
"Wait, turn around." Sabi niya.
"What?"
"Just turn around." Edi ayun, tumalikod nga ako. Ano na namang trip nito?!
Naramdaman ko nalang na may nilagay siya sa neck ko. Napahawak naman ako agad at humarap sa salamin.
"This is beautiful." Necklace siya na may heart pendant. Mukhang mamahalin talaga siya. Sobrang ganda, wala akong masabi.
"My mom gave that to me before she died. She said I should give it to the woman I'm gonna marry, to the woman that I will love so dearly, and to the woman that I would spend the rest of my life with. And that woman is you." Hindi ko na napigilang umiyak. Nakaka touch kaya. Ibig sabihin gusto niya ko makasama habang buhay.
"J-Jarvis... I.... I..." Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Sa sobrang saya ko wala na kong masabi.
"I know, I know." Sabi niya. Niyakap ko siya ng sobrang higpit yung pakiramdam na ayoko na siyang pakawalan.
"Thank you so much." Sabi ko. Napakalas kami sa yakap nung tinawag na ulit ako dahil kailangam na daw pumila at mag uumpisa na yung ramp.
"You can do this. I'm here. If you feel nervous just look at me, okay?" I nodded and he kissed my forehead. "I love you, Bella." Sabi niya at niyakap ako.
"I love you too." Napaka supportive niya talaga. Yung ibang lalaki hindi pumapayag na sumali sa ganito girlfriend nila dahil baka may umagaw o madaming magkagusto. Tss. Hahaha. Swerte ko no?
BINABASA MO ANG
Once in a Lifetime
Fiksi RemajaA girl who has everything and a guy who lost everything. A girl who cares for everyone and a guy who doesn't care for anyone. A girl who will do everything to help him and a guy who's willing to sacrifice everything to protect her. Will be the risks...