Chapter 12: Surprised

246 62 11
                                    

Monday na naman, papasok na naman. Paulit ulit nalang eh nakakasawa na pumasok sa school gusto ko na talaga maka graduate.

Nandito na kami ngayon sa school. We still have 15 minutes before the class.

"Mall naman tayo, nami-miss ko na mag shopping." sabi ni Casey na nakapalumbaba.

Tumingin sila saking apat. Sus, I knew it.

"Fine." sabi ko. Wala naman akong magagawa and gusto ko din naman.

"Yo'n!! After class? Call your mom Zay, sabihin mo pupunta tayo sa botique niyo." sabi ni Casey.

"No need, malalaman din naman niya tska busy sila ayoko na istorbohin pa, papayag din naman yo'n eh."

May botique kasi kami, madaming branches. Dito sa Philippines Bella's Fashion. Yeah, pinangalan sakin ni Mommy. Tss. Sabi ni mommy kaya daw Bella pinangalan niya sakin kasi ibig sabihin daw no'n Lovely.

"KYAAAAAAAAAH!!!"

I was surprised by suddenly shouting of students. I looked at the place where they are looking. Tsk. Sabi ko na nga ba eh, nandyan na sila. Ang ingay parang ngayon lang nila nakita.

"Psh." sabi ni Casey at umirap.

Nakaka curious na talaga ah. Pakiramdam ko talaga may something kay Casey at Jace. Hmm. Malalaman ko din yan.

"Hi girls." bati ni Kent ng makalapit na sila samin.

"Hello Kent." sagot ni Mitch na ngiting ngiti. Psh, mawarak sana labi mo! Joke lang.

Nagbatian lang kami ng good morning at umakyat na din sa room. Si Casey at Jace hindi nagpapansinan. Sabi ko na nga ba may nangyari talaga. Hindi kasi sila nag aaway, pahinga ata ngayon tenga ko.

"Who are you?"

I looked at Casey. Jace was holding her arm while Casey seems disgusted with Jace. Nak ng tokwa yan. Pabebe!

"Usap tayo." wow naman. Kalmado si Jace ah.

"Sorry but my mom told me not to talk to strangers." She said and removed Jace's hands.

"Casey naman--"

"Ow, you know my name? Yeah, only my name but not my story." She said and walked over.

Kaartehan din nitong babae 'to eh. Hindi pa diretsuhin kung bakit niya iniiwasan si Jace. Naghihintay kaya ako!!

Nagulat ako ng biglang may humatak sakin. Pagtingin ko si Jarvis pala. Tokwa naman oh! Nakiki tsismis pa 'ko do'n eh. Naghihintay nga 'ko ng mga kasagutan sa tanong ko tapos hahatakin niya 'ko. Asan ang hustisya?!!! Charaught lang. Hahaha.

"Uy teka lang... san mo ko dadalhin? May klase tayo Jarvis, hindi ito yung way sa room." sabi ko pero hindi naman siya sumagot.

Sabi ko nga diba? Dapat hindi na 'ko nagsalita, sayang lang laway ko. Hindi naman talaga sasagot 'to. Pero teka!! Hindi pwede. Hindi ako pwede mag ditch ng class. No!!! Never!!

Dinala na naman niya ako dito sa DKG's room daw. Ano naman gagawin namin dito? May klase kaya.

"Jarvis, balik na tayo. Bakit ba kasi tayo nandito? May klase pa tayo eh." sabi ko pero tiningnan niya lang ako.

"Sit." sabi niya. Ano?! Para naman akong aso sa ginagawa niya. Bahala siya diyan!

"Ayoko. Papasok ako. Kung tinatamad ka, pwes ako sinisipag ako kaya papasok ako at ikaw dito ka lang." sabi ko at tumalikod na papunta ng pinto.

Once in a LifetimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon