"Pat?" Sabi ko. Sobrang gulat na gulat ako ng makita siya. Bestfriend ni kuya si Pat nung elementary palang sila.
"Lia?" Gulat din niyang sabi sakin. Hindi ata siya makapaniwala na nandito ako sa harap niya.
"Kailan ka pa bumalik? At bakit nandito ka? Bakit kasama mo sila?" Magkakilala ba sila? Naguguluhan talaga ako.
Medyo matagal bago siya sumagot. Parang hindi niya alam ang isasagot niya sakin. Tumingin siya kay Jarvis at tumingin ulit sakin.
"Jarvis is my friend. Right, bro?" Tanong niya kay Jarvis. Hindi ko mabasa ang expression ni Jarvis. Parang may iba talaga pero tumango lang siya bilang sagot kay Pat.
"Really? That's good." Sabi ko. Masaya ako na nakita ko ulit siya. Masaya ako na kilala niya si Jarvis. Sasabihin ko din sakanya yung about samin ni Jarvis.
"Balik na tayo sa school." Sabi ni Jace.
Bumalik na kami sa school at umupo kami sa malapit sa garden. Ang fresh ng hangin dito. Nakapasok dito sa school si Pat kahit di siya dito nag aaral. Pinilit ko kasi si Jarvis eh. Sabi ko ngayon lang naman. Buti pumayag siya. Katabi ko silang dalawa ngayon. Si Jarvis sa kanan, si Pat naman sa kaliwa. Grabe ang laki na ng pinagbago niya. Mas lalo siyang gumwapo.
Tumahimik lahat ng students ng biglang may magsalita si Dean galing sa speaker.
"Good afternoon students! I have an announcement. This upcoming friday is the 25th anniversary of our beloved Schmitt University. We are going to have a party! So be ready, students!"
Nagsigawan na ang mga studyante pagkatapos magsalita ng Dean. Sila Casey naman ay tuwang tuwa at pinag uusapan na agad ang susuotin nila sa party. Tong mga katabi ko naman ay sobrang tahimik. Sabagay ano nga ba namang paki nila sa party? Eh lalaki naman sila, mga mukhang walang hilig sa party.
"Lia, pwede ba tayong mag usap?" Bigla akong napatingin kay Pat. Seryoso ang mukha niya.
"Oo naman." Sagot ko habang naghihintay ng sasabihin niya.
"Tayong dalawa lang, pwede?" Agad naman akong napatingin kay Jarvis. Tiningnan ko siya na parang tinatanong kung okay lang. Tumingin siya kay Pat tapos tumingin ulit sakin at nag nod. Parang nag aalangan siya kung papayag ba siya o hindi. Nakakaramdam ako ng kakaiba sa mga tingin ni Jarvis at Pat sa isa't isa. Pero baka wala lang yun. Ayoko mag isip ng kung anu-ano.
Pumunta kami ni Pat sa medyo malayo sakanila. Umupo kami sa bench. Hinintay ko siyang magsalita pero ang tagal, naiinip ako kaya ako na nagsalita.
"Kamusta ka na, Pat? Bigla ka nalang umalis, wala ka manlang pasabi." Sabi ko ng nakatingin sakanya.
"Okay lang ako. Sorry kung hindi ako nakapagpaalam sainyo, kailangan ko na kasi talagang umalis nun. Si mama kasi nagkasakit." Sabi niya. Kita ko naman sa mata niya na sincere siya sa sorry niya. Tska hindi naman ako galit. Alam ko naman na importante yung dahilan niya kaya siya umalis agad pero siyempre nalungkot kami nun.
"Akala nga namin may nangyari na sayo eh. Hinanap ka kaya namin, kung di ka pa tumawag nun hindi pa namin malalaman na okay ka." Sobrang nag alala kami sakanya nun. Kulang nalang pumunta kami sa pulis at ipa missing siya eh. Isang linggo din namin siya hinanap nun.
"Sorry talaga, Lia. Nandito naman na ako eh." Sabi niya at ngumiti.
"Bakit ka bumalik dito?" Tanong ko sakanya. Bigla namang lumungkot mukha niya at nag pout pa. Napangiti naman ako. Ganyan kasi siya dati pag nagpapa cute eh.
"Ayaw mo na ba ko makita? Bumalik ako para sayo. Namimiss na kita eh." Sabi niya nang naka pout pa din.
Kinurot ko yung pisngi niya. Umaray naman siya. HAHAHA. "Sira, that's not what I meant. I mean, okay na ba ang mama mo para iwan mo siya dun?"
BINABASA MO ANG
Once in a Lifetime
TeenfikceA girl who has everything and a guy who lost everything. A girl who cares for everyone and a guy who doesn't care for anyone. A girl who will do everything to help him and a guy who's willing to sacrifice everything to protect her. Will be the risks...