"Mommy! Sasalubungin ko lang po sa labas si Jarvis!" Sigaw ko habang tumatakbo pababa ng hagdan.
"Alright, sweetheart!" Sigaw niya. Nasa kusina kasi siya. Si daddy naman nasa office niya dito sa bahay. Si kuya naman sinundo si Naths.
Nasa labas na ko at hinihintay siya. Sabi niya kanina on the way na siya, 30 minutes ago niya pa tinext yun hanggang ngayon wala pa din siya, eh malapit lang bahay niya dito. Halata bang excited ako? Hahaha. Eh kasi naman eh, first time ko kayang magpapakilala ng boyfriend sa parents ko. Eh ngayon lang din naman kasi ako nagka boyfriend.
After 5 minutes natanaw ko na yung sasakyan niya. Inayos ko yung itsura ko. Simpleng dress lang suot ko, si mommy kasi ang kulit eh. Siya namili ng damit ko, kailangan daw maganda ako pag nandito na si Jarvis. Eh kahit nga wala akong damit maganda pa din ako. Mas lalo lang maiinlove sakin si Jarvis. Hahaha. Syempre joke lang pero totoo yun! Hahaha.
Pagkababa niya ng kotse niya, sinalubong ko siya ng napakaganda kong ngiti. Naka pants and v-neck white shirt lang siya pero ang gwapo gwapo niya. I guess, ganito talaga pag inlove ka.
"Hey." Sabi niya at inabot sakin yung boquet of flowers. Kaya pala siya natagalan kasi bumili pa siya nito. At may dala pa siyang cake.
"Hi, thank you. Tara na sa loob?" Pagyaya ko sakanya. Hinawakan ko na yung kamay niya at maglalakad na sana ako nung bigla niya ako hilahin.
"How do I look?" Napangiti ako sa tanong na yun. Kinakabahan talaga siya. Malamig din yung kamay niya.
"You look..." Tinitigan ko muna siya bago ituloy yung sasabihin ko. "Very handsome. Come on, are you nervous?"
"Me? I'm not." Pilit niyang hindi ipakita sakin yung kaba niya pero alam kong kinakabahan siya.
"Then, let's go inside."
"Are you sure...they will like me?" Binitawan ko yung kamay niya at hinawakan siya sa pisngi.
"They will love you. Don't worry, they don't bite." Nginitian ko siya. Nag nod siya at nag umpisa na kaming maglakad papasok ng bahay.
"Mommy! Daddy! He's here!" Sigaw ko. Sa laki ng bahay kailangan talaga lagi kang sisigaw.
Lumabas si mommy sa kitchen at si daddy naman pababa na ng hagdan. Humigpit yung hawak ni Jarvis sa kamay ko. Nilapag ko yung bulaklak sa sofa at kinuha ko yung cake sakanya. Baka mabitawan niya pa eh sayang. Hahaha.
"You must be, Jarvis?" Tanong ni daddy.
"Y-Yes, Sir." Tiningnan ko si Jarvis. Binigyan ko siya ng 'everything's-fine-look'.
"Oh my God! You're so handsome!" Sabi ni mommy at yumakap sakanya.
"Mommy!" Nakakahiya naman kasi kay Jarvis.
"Sorry, nabigla lang. Hindi mo naman sinasabi sakin na ganito pala kagwapo ang boyfriend mo."
"Mommy naman eh."
"Alright, ano yang hawak mo? Nag abala ka pa, Jarvis." Sabi ni mommy at kinuha yung cake sakin. Ang daldal talaga, si daddt napapailing nalang habang tumatawa.
"It's okay, Ma'am." Sagot ni Jarvis.
"Napaka formal mo naman. Just call me tita or mommy. Mamili ka nalang." Sabi niya at tumawa.
"Mommy!" Tumawa siya at pumunta sa kusina.
Sakto naman dating ni Kuya at Naths. Bakas sa mukha ni Naths yung kaba. Ngitian ko siya na parang sinasabi na magiging okay ang lahat.
BINABASA MO ANG
Once in a Lifetime
ספרות נוערA girl who has everything and a guy who lost everything. A girl who cares for everyone and a guy who doesn't care for anyone. A girl who will do everything to help him and a guy who's willing to sacrifice everything to protect her. Will be the risks...