Chapter 65

42 2 0
                                    

Nanginginig akong pumasok sa loob ng kwarto ni Casey. Nando'n na silang lahat at sabay-sabay silang napatingin sakin. Nang mapatingin ako kay Casey, nagtama ang mata namin at nag umpisa na namang tumulo ang luha ko.

"Zay..." Mahinang sabi niya, nanghihina pa siguro siya. Inangat niya yung kamay niya na parang sinasabi na lumapit ako. Dahan-dahan naman akong naglakad palapit sakanya.

"I'm so sorry... I'm sorry..." Mahigpit kong hinawakan yung kamay niya at yumuko.

"Zay.. Ano ka ba? Wala kang dapat ipag-sorry. Wala kang kasalanan." Sabi niya at pinilit ako na iaangat yung ulo ko.

"It's my fault. Ginawa niya 'to dahil sakin, dahil hindi ako nakinig sakanya.." Sabi ko habang patuloy pa din sa pag-iyak.

"Alam kong sisisihin mo ang sarili mo kaya ikaw agad ang gusto kong makita nang magising ako.. Zay, wala kang kasalanan. Please, makinig ka sakin."

"It's done.. Wala na siyang masasaktan pa ulit." Sabi ko at pinunasan yung luha ko. Pinipilit kong pigilan yung luha ko.

"What do you mean its done? Don't tell me.." Yumuko lang ako, alam niya na yo'n.

"No! What the hell?!" Lahat kami nagulat sa pagsigaw niya. Agad naman lumapit si Jace at pinigilan siya.

"Casey, kumalma ka lang, makakasama sayo yan eh." Sabi sakanya ni Jace. Hindi niya pinansin ito at hindi niya din inalis yung tingin niya sakin.

"You didn't, right? Tell me you didn't broke up with him?!" Mahina yung boses niya pero halatang galit siya. Pinipilit niyang kumalma pero alam kong galit talaga siya sakin ngayon.

"Tell me, Zay.." Nag angat ako ng ulo at tumingin ng diretso sakanya.

"I did.."

"You broke up with him because of me?" Nakakaramdam na ako ng pagkairita. Naiinis na 'ko pero ayoko naman ipakita sakanila yo'n.

"It's not just about you.. It's about everyone that I loved. I can't risk your lives just for my own happiness. I'm sorry." Tumakbo na ako palabas ng kwarto. Huminto ako sa may stairs at napaupo ako sa sobrang panlalambot.

"Zay.." Nag angat ako ng ulo at nakita ko si Naths at Kelley na nakatayo sa harap ko.

"Hindi mo dapat ginawa yo'n." Sabi ni Kelley.

"Please.. Wag niyo na iparamdam sakin na mali yung desisyon ko.. Yo'n lang ang natitirang paraan para wala ng masaktan pa." Kung alam lang nila kung gaano kahirap para sakin na gawin yo'n. Satingin ba nila gusto ko mangyari 'to? Kung may ibang choice lang ako hindi naman aabot sa ganito eh.

"Hindi namin sinasabing mali ka pero baka nabibigla ka lang sa nangyari." Sabi niya.

"Ginawa ko 'to dahil ayokong may masaktan pa ulit. Hindi ko kayang magbulag-bulagan at sabihin na okay lang. Sa ngayon maswerte pa na walang nangyari sa baby ni Casey pero paano kung meron? Mapapatawad niya ba 'ko? Kaya kong isakripisyo ang kaligayahan ko para sainyo, hindi ko kayang hintayin pa na may masaktan ulit na isa sainyo. Sinasampal na 'ko ng katotohanan na hindi talaga kami pwede." Pagod na pagod na 'ko umiyak.

"Tama na yung pag-iisip samin, sarili mo naman isipin mo Zay. Buong buhay mo lagi mo nalang iniisip yung iba kesa sa sarili mo."

"At anong mangyayari? Naiintindihan niyo ba yung sinasabi ko? Kung tutuusin napakadaling maging selfish pero kasi.. kilala niyo 'ko. Hindi ako gano'n, kung ako lang eh, kung ako lang yung mapapahamak kaya ko. Pero hindi ko kaya na kayo yung mapahamak dahil sakin. Please... I need you to understand me, alam kong pagsisisihan ko 'to sa huli pero sana suportahan niyo na lang ako. Hindi niyo alam kung gaano kahirap sakin na hiwalayan siya."

Once in a LifetimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon