Chapter 52

63 2 3
                                    

"Class, magkakaroon tayo community service. Aware naman siguro kayo na maraming bata ang hindi nakakapag-aral dahil sa hirap ng buhay ngayon, bihira makakain ng tatlong beses sa isang araw kaya maswerte kayo at maganda ang buhay niyo. Gusto kong ibahagi niyo ang mga nalalaman niyo, tulungan natin sila. Umaasa ako na lahat kayo sasama." Sabi ng prof namin na kanina pa kami minimisahan. Puro sermon inaabot namin dito sa prof na 'to eh.

"Saan po ba yo'n?" Tanong ng kaklase kong babae.

"Hindi ko pa pwedeng sabihin." Sabi ni Ma'am.

"May dagdag bang grade?" Sabi nung babae habang nagli-lipstick.

"Of course. Yo'n naman ang gusto niyo eh." Sabi ni Ma'am. Sa mga additional grade nalang talaga umaasa yung mga ganyang babae na walang ibang kayang gawin kung hindi ang kulayan ang mukha.

"Wala na bang tanong?" Walang nagsalita kaya ang ibig sabihin nun, wala na. "Good. Sige na, pwede na kayong mag lunch." Sabi niya at lumabas na ng room.

Nag umpisa ng mag-usap yung mga babae. Sasama daw sila dahil sayang yung grade. Tsk. Palihim akong sumilip sa katabi ko, nilalaro niya pa din yun ballpen niya. Kanina pa ako hindi makakilos dahil nandito siya buti nalang katabi ko din si Kent.

"Sasama ka ba babe?" Natawa ako ng konti sa sinabi ni Mitch. Anong kakornihan yan? Babe pa? Uso pa talaga yun? Sabagay tawagan nga din ata ni Jarvis at Kryshia yun eh. Ito na naman ako, lahat nalang ng bagay naiisip ko siya.

"Hindi babe eh. Hindi naman kami sumasama sa mga gano'n." Sabi ni Kent. Nalungkot naman si Mitch. Mahilig kasi kami sumama sa mga trip eh. Mahilig din kasi kami sa bata.

"Sasama ka?" Tumaas yung balahibo ko sa biglang pagsasalita ni Jarvis. Pabulong lang yo'n kaya hindi ako sigurado kung nagsalita ba talaga siya. Tiningnan ko siya, nakatingin siya sa whiteboard. Baka imagination ko lang.

"I'm asking you." Ngayon sigurado na ako na nagsalita nga siya. Mukha namang hindi narinig ni Kent kaya bumulong nalang din ako.

"Sasama ako." Hindi naman siya sasama eh, mas okay na din yo'n baka makatulong sakin pag hindi ko siya makikita kahit isang araw lang. Hindi na siya nagsalita ulit.

Tumayo na 'ko para lumabas, gusto ko na talagang iwasan si Jarvis. Nakaka torture lang sa tuwing nakikita at nakakatabi ko siya. Gusto ko talaga siyang sapakin dahil parang wala lang sakanya yung ginawa niya sakin. Galit ako sakanya pero mas nagagalit ako sa sarili ko, sa kabila ng lahat ng ginawa niya sakin, sa panloloko niya sakin naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko siya magawang kalimutan. Kahit konti hindi nababawasan yung nararamdaman ko sakanya.

Habang naglalakad ako nakita ko si Chase at Kelley. Lumapit ako sakanilang dalawa para kausapin si Kelley.

"Pwede ba tayong mag-usap?" Tanong ko kay sakanya. Tumingin siya kay Chase bago tumingin ulit sakin.

"Hintayin nalang kita sa cafeteria." Sabi ni Chase sakanya. Ngumiti siya sakin bago umalis.

"Totoo ba?" Mahinahong tanong ko sakanya.

"Ang alin?" Halatang ayaw niya 'ko kausapin pero ayoko na talaga kasi palalain pa 'to eh.

"Na kaya ako iniwan ni Jarvis dahil hindi siya makakatagal sa ugali ko? Sinabi mo ba talaga yo'n?"

"Hindi ba totoo?" Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Tumalikod nalang ako ng walang sinasabi sakanya.

"O baka naman alam mo na niloloko ka lang niya at hinayaan mo lang? Gano'n mo ba talaga kagustong magkaboyfriend?" Napahinto ako sa paglalakad. Humarap ulit ako sakanya at lumapit.

Once in a LifetimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon