Chapter 54

50 1 0
                                    

"Bakit ka pumayag?" Tanong ni Trev habang naglalakad kami papunta sa kwarto.

"Laro lang naman eh. Saan ba dito?" Sabi ko. Binuksan namam niya yung pinto na nasa gilid niya. Pumasok ako at nakasunod lang siya.

"Hindi mo alam ibig sabihin no'n, tama?" Tanong niya. Umupo ako sa bed at siya naman nakatayo lang.

"Importante pa ba yo'n? Fifteen minutes lang naman eh. Uupo lang tayo dito after fifteen minutes babalik na tayo do'n. Bakit ba napaka big deal sainyo?"

"Dahil wala pa akong pinapalabas na babae dito ng walang nangyayari." Napalunok ako sa sinabi niya. Seryoso ba siya? Tumayo ako at naglakad papunta sa kabilang side ng bed. Hindi ko napansin na sumunod pala si Trev at pagharap ko bumangga ako sa dibdib niya. Napaurong agad ako.

"A-Anong ginagawa mo?" Umurong ako at siya naman lumalapit hanggang sa wala na akong maurungan.

"T-Trev..." sobrang lapit na niya sakin. Konti nalang magdidikit na yung labi namin.

"Natatakot ka ba sakin?" Bumibilis yung paghinga ko dahil sa kaba.

"P-Please..." bigla siyang tumawa. Nakahinga ako ng maluwag nang umalis na siya.

"Hindi ko naman gagawin sayo yo'n eh, kahit na gustuhin ko hindi ko kaya." Tumalikod siya sakin at umupo sa bed. Hindi ko alam gagawin ko, ang awkward na.

"Halika nga dito." Sabi niya at nakahawak yung kamay niya sa tabi niya na parang sinasabi na doon ako maupo. Lumapit naman ako pero syempre may space. Naiilang na tuloy ako sakanya.

"H'wag ka ngang ganyan. Joke lang naman yo'n eh. Magkukwento nalang ako." Sabi niya at nagsimulang mag kwento.

Kinuwento niya sakin yung mga pinag gagagawa ni Alexa sakanila noong bata pa sila. Sabay sabay pala silang nagkakilala sa play ground at si Alexa lang talaga yung nakakalaro nilang babae noon. Lagi daw silang pinagsusuot ni Alexa ng mga damit pangbabae at nilalagyan ng lipstick. Bata palang sila takot na sila sakanya. Tawa ako ng tawa lalo na sa part na pinapasok sila ni Alexa sa school ng naka uniform na pang babae. Grabe yo'n! Hahaha.

"Hindi ka pa tapos tumawa? Kasi fifteen minutes na." Sabi niya.

"Talaga? Hindi ko namalayan. Tara na." Tumayo na kaming dalawa at naglakad na pabalik sa labas.

"Oh nandiyan na pala sila eh. Lumagpas ng 2 minutes, nag enjoy ba kayo?" Tanong ni Kryshia na nakangiting pang demonyo. Alam ko ibig niyang sabihin. Pinapalabas niya na may nangyari samin ni Trev.

"Pwede ba?! Tumahimik ka nga." Sabi ni Alexa.

"Okay. Chill." Sabi niya at nag hands up.

Tinuloy nila ulit yung laro. Hindi na ako sumali. Tumapat kay Kryshia yung bote at si Jarvis yung nag ikot ng bote.

"Truth or dare?" Walang ganang sabi niya.

"Dare, of course." Confident niyang sagot.

"I dare you to kiss me." Nahinto yung paghinga ko. Literal na huminto. Tama ba yung pagkakarinig ko? Gusto kong iiwas yung mata ko pero hindi ko magawa. Napapikit ako ng makita kong nagdikit na yung mga labi nila. Ang sakit sakit na. Bakit niya ginagawa sakin 'to? Bakit paulit-ulit niya 'kong sinasaktan?

Hindi ko na kayang panoorin pa sila kaya tumayo na 'ko. Bago ko pa man maihakbang ang paa ko nagsalita si Kryshia. "Saan ka pupunta? Masakit ba?" Palihim kong pinunasan yung luha ko. Ito yung gusto niya, gusto niya akong makita na umiiyak dahil nasakanya si Jarvis.

Once in a LifetimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon