Chapter 55

67 1 1
                                    

Three days na ang nakalipas simula nung nangyari yung sa bar. Ngayon na yung community service at ito ako ngayon, sobrang natataranta dahil baka maiwan ako ng bus. Hindi na naman kasi ako nakatulog kagabi dahil sa kakaisip sakanya. Hindi na siya ulit nagpakita sakin simula nung nangyari sa bar. Naisip ko na ayoko na, tama na. Kailangan kong mag focus sa pag-aaral ko hindi sakanya. Kaya ko naman diba? Humihinga pa din nga ako ngayon eh. Ibig sabihin no'n kaya ko pa. Makaka move-on din ako at sisimulan ko na yo'n ngayon tutal hindi ko naman siya makikita at mukhang wala na siyang balak magpakita. Napupuno na yung puso ko ng galit at sakit dahil sakanya. Kaya niya siguro sinabing mahal niya 'ko dahil gusto na naman niya ng laro. Ang tanga ko para maniwala pa sa sinasabi niya.

Casey Carter calling...

"God, Zaylia Steele! Nasaan ka na ba? Aalis na yung bus!" Sigaw sakin ni Casey pagkasagot na pagkasagot ko ng tawag niya.

"Nandito na oh! Bye na!" Binaba ko na at tumakbo ng mas mabilis. Ang bigat kaya ng bag ko.

At sa wakas, nakarating na ako! Paakyat na ako ng bus at naghanap ng upuan. Isa lang yung vacant seat na nakita ko. Teka, anong ginagawa niya dito? Akala ko ba hindi sila sasama? Nilagpasan ko yung lalaking makakatabi ko sana at lumapit kay Naths na katabi ni Trev.

"Palit tayo ng upuan." Sabi ko sakanya.

"Hindi pwede." Sabi niya at tinuro yung likod niya. Nakadikit do'n yung name niya. Tiningnan ko din sila Mitch at may pangalan din yung seats nila.

"Pag dating namin dito nakalagay na yan. I think in-arrange na nila Ma'am." Napabuntong hininga nalang ako. Pag sinuswerte ka nga naman oh. Siya pa talaga makakatabi ko. Dahil no choice na ako, padabog akong naglakad papunta sa seat ko at umupo. Hindi ko nalang siya tiningnan.

"Kumpleto na ba lahat?" Tanong ni Ma'am. Sumagot sila ng 'oo' ako naman nanahimik lang.

"Good. Aalis na tayo. Medyo mahaba yung byahe kaya pwede kayong matulog muna." Sabi niya.

Umandar na yung bus. Kinuha ko sa bag ko yung phone ko at nilagay sa tenga ko yung earphone. Kung alam ko lang na sasama siya, sana hindi na lang ako sumama. Ayoko na talaga siyang makita, totoo na 'to. Ayoko na pahirapan pa sarili ko. Kung magpapadala ako sa nararamdaman ko, ako lang din naman yung masasaktan hindi siya. Ayoko na maniwala sa mga kasinungalingan niya.

Never say never ng The Fray yung tugtog, napapikit ako. Siya na naman yung nasa isip ko. Napadilat naman ako agad nang kuhain ni Jarvis yung isang earphone sa tenga ko.

"Share." Sabi niya at nilagay sa tenga niya. Ang kapal talaga ng mukha nito.

"Ayoko." Hahatakin ko na sana kaso hinawakan niya yung kamay ko at napahinto ako. Kailan ba mawawala yung epekto niya sakin? Hinayaan ko nalang, wala din naman akong magagawa eh. Hindi din naman niya ibibigay, ayokong makipagtalo sakanya ngayon.

"Pwede bang magpalit tayo ng seat?" Gusto ko kasi sa tabi ng bintana para nakikita ko yung view. Hindi siya nagsalita pero tumayo naman siya. Tumayo na din ako at sakto namang pag preno nung driver. Napahawak ako agad sa braso niya at siya naman nakahawak sa waist ko.

Nagkatinginan kami pero umiwas din ako agad at umayos ng tayo. Umupo na ako ng hindi nagsasalita. Ang awkward! Tumingin ako sa bintana para hindi niya mapansin yung pamumula ng mukha ko. Nakaramdam ako ng pag vibrate sa upuan ko. Cellphone? Kanino naman 'to? Kinuha ko at tiningnan kung kanino.

From: Kryshia

"Where are you?"

Ah okay. Alam ko na. Inabot ko kay Jarvis yung phone niya at tiningnan niya 'ko ng nakakunot yung noo.

Once in a LifetimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon