Chapter 10: Girls Night out

246 69 13
                                    

Third Person P.O.V.

Napaparami na ang inom ng mga girls. Sila Casey at Naths sumasayaw na. Naiwan naman sa table sila Zay, Kelley at Mitch. Medyo nahihilo na sila pero tuloy pa din sa pag inom.

"Tarah shundan natin shila! Shayaw tayoh!" sabi ni Mitch.

"Lasheng ka na eh! Pero shige! Zay? Hindi ka shashama?" sabi naman ni Kelley.

Umiling iling si Zay. "No, dito lang ako. Sige na, pumunta na kayo do'n!" medyo hilo pa lang si Zay. Mas marami kasing nainom yung apat na babae kesa sakanya. Siya kasi inuunti unti niya lang dahil first time niya.

Ang boys naman ay narito din. Hindi pa nila nakikita ang girls. Dito sila palaging pumupunta pag Friday night. Kilalang kilala na sila dito. Walang nagtatangkang labanan sila dahil alam naman nila na hindi sila mananalo dito.

Trevor's P.O.V.

"Bantayan niyo maigi ang kilos nila. Hindi natin alam kung kelan sila kikilos pero kailangan natin maghanda." sabi ko. Si Jarvis kasi ayaw niya magsalita tungkol do'n. Wala naman daw kwenta.

"Oo, kami na ni Chase bahala do'n. Ikaw Jace, alamin mo kung sino ang mga--hoy! Nakikinig ka ba?" tanong ni Kent. Hindi kasi siya nakatingin samin. Nakatingin siya sa likod ko.

"Sila Casey ba yo'n?" napatingin kami sa lugar kung saan siya nakatingin. Sila nga.

"Anong ginagawa nila dito?" tanong ni Kent.

"Yang mga yan! Hindi nag iisip lalo na si Casey." naiiritang sabi ni Jace. Halata naman na may gusto siya kay Casey eh. Ayaw pa aminin.

"Puntahan na natin sila, baka may mangyari pa sakanila. Tingnan niyo mga suot nila. Nakakatukso!" sabi ni Chase.

Hinanap ng mata ko si Zay pero hindi siya kasama nila Casey. Baka hindi siya sumama? Lumapit na kami at etong si Kent mabilis na hinatak si Mitch habang may kasayaw to.

"What the--Kent? What are you doing here?" gulat na tanong ni Mitch. Nanglalaki yung mata niya, mukhang nawala ata pagkalasing nito ah.

Nilapitan ko na si Nathalie at inakay. Si Chase naman hinila ni Chase. Si Jace naman at kinaladkad si Casey, nag aaway pa din.

Mitchell's P.O.V

Nagulat ako at parang nawala yung hilo ko. Nakatingin siya sakin, nakakatakot. Ngayon ko lang siya nakitang ganto. Hindi naman kasi niya ko sinusungitan. Sobrang sweet niya sakin pero ngayon parang ibang Kent yung kaharap ko.

"Yan din sana itatanong ko sayo." sabi niya ng walang emosyon.

Hindi ko alam isasagot ko. Anong sasabihin ko? "Nagkayayaan--"

"Nagkayayaan? Mitch baliw ka ba? Nababaliw na ba kayo? Bakit sa dinami dami ng pwedeng puntahan, bakit dito pa?"

"Eh eto pinakamalapit eh." sabi ko at tumungo ako. Hindi ko kayang tingnan siya sa mata, natatakot ako.

"HINDI YUN YUNG IBIG KONG SABIHIN! HINDI KA BA NAG IISIP?"

Nagulat ako sa pagsigaw niya sakin, tumingin ako sakanya ng hindi makapaniwala. Nagpintig yung tenga ko sa pagsigaw niya sakin. Ano bang problema niya? Daig niya pa magulang ko ah!

"Ano bang paki mo? Kung makasigaw ka, dinaig mo pa magulang ko! Bakit? Sino ka ba? ANO ba kita?!" galit na galit ko siyang sinigawan. Talagang diniinan ko yung 'Ano' nakakapikon eh!

Once in a LifetimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon