I woke up and felt something heavy on my stomach. I opened my eyes and looked down to see Jarvis' arm. Tatayo na sana ako pero agad kong naalala yung sinabi niya sakin kagabi, so I stayed. Tinitigan ko yung mukha niya, napaka amo ng mukha niya, hindi mo aakalaing madami siyang sakit at galit na tinatago sa dibdib niya. Inayos ko yung buhok niya na nakaharang sa mata niya. Ang tangos ng ilong niya, ang pula ng labi niya. Itong mukha na 'to ang gusto kong makita sa tuwing gigising ako at bago ako matulog.
"You're staring. It's creepy." Nagulat ako sa bigla niyang pagsalita. Nakapikit pa din siya at hindi pa din gumagalaw.
"Good morning, mahal ko." Sabi ko at kiniss siya sa cheeks. Ngayon ko lang siya tinawag ng gano'n, wala naman kasi kaming endearment eh. Napadilat yung isang mata niya, tiningnan niya ako at ngumiti.
"Good morning, my love." Sabi niya at kiniss ako sa lips. Napatakip agad ako sa bibig ko. Hindi pa kaya ako nagba-brush ng teeth! Nakakahiya! Hindi naman sa bad breath ako, hindi ako gano'n ha!
Narinig ko yung mahinang tawa niya, tiningnan ko lang siya. "How's your sleep?" Tanong niya. Huminga ako ng malalim at siniksik ko yung mukha ko sa chest niya.
"Well, it was good because you're here." Sabi ko. "Ikaw? Nakatulog ka ba ng maayos?" Nag aalala kasi ako eh, baka nanaginip na naman siya tapos ako ang sarap ng tulog ko.
"Yea. That was the best sleep I've had in years." Sabi niya ng nakangiti. Mukha naman siyang good mood.
"Hindi ka ba nanaginip?" Tanong ko sakanya. Sa totoo lang, dini-distract ko nalang yung sarili ko dahil yung kamay niya kanina pa hinahagod yung balikat ko. Nawawala ako sa sarili ko.
"No." Hindi ako nakasagot dahil nag iiba na talaga yung pakiramdam ko. Ganito ko na ba talaga siya kamahal kaya pati sa paghawak lang niya sobrang naaapektuhan yung katawan ko?
"Are you okay?" Tanong niya sakin. Hindi ko alam kung sinasadya niya ba yung paghawak sakin o hindi eh.
"Y-Yeah..."
Sabay kaming napahinto nung may narinig kaming kumakatok galing sa labas. Tiningnan ko siya ng may pagtataka, sino naman ang pupunta dito ng ganito kaaga?
"Who's that?" Umupo siya at huminga ng malalim.
"It"s your brother." What the hell?! Balak niya ba akong ibalik na sa bahay?
"Jarvis, I told you--"
"I know, I called him last night and I asked him if he could bring you some clothes." Nakahinga ako ng maluwag. Hindi ko alam isasagot. "Do you want to talk to him?" Tiningnan ko siya at nag isip muna. Sure ako na alam ni kuya yung totoo, alam kong matagal na niyang alam. Umiling ako kay Jarvis. Ayoko muna ngayon.
"Okay." Tumayo siya at pumunta sa closet niya. Kumuha siya ng t-shirt. Lumapit muna siya sakin bago lumabas.
"I'll be right back." He said and kissed my forehead. Tumango lang ako at naglakad na siya palabas.
Naisip ko na naman yo'n. Ito na naman ako, naiiyak na naman ako. Gusto ko talagang makausap sila daddy pero sobrang natatakot ako. Hindi ko din alam kung anong mukha ang ihaharap ko kay mommy at kuya. Hindi naman kasi ako tunay na anak ni mommy, hindi din ako tunay na kapatid ni kuya. Ano bang dapat kong itawag sakanila ngayon? Naguguluhan na 'ko.
Wala pang 10 minutes pumasok na ulit si Jarvis na may dalang bag. Nilapag niya yun sa ibabaw ng kama at lumapit sakin. Umupo siya sa harap ko at niyakap ako. Sa yakap lang niya nacocomfort na niya ko.
"What do you want to do today?" Tanong niya.
Ano nga bang gusto kong gawin? Parang gusto ko lang humiga dito maghapon kasama siya. Ayoko lumabas eh.
BINABASA MO ANG
Once in a Lifetime
Teen FictionA girl who has everything and a guy who lost everything. A girl who cares for everyone and a guy who doesn't care for anyone. A girl who will do everything to help him and a guy who's willing to sacrifice everything to protect her. Will be the risks...