Chapter 15

214 61 4
                                    

"San kayo galing ni Jarvis kahapon?" Nag uusisa na naman sila.

Nandito kami ngayon sa school. Break time namin. Sana may klase nalang para hindi ako naririndi sa mga 'to.

"Kanina pa kayo tanong ng tanong." sabi ko at nagbasa ulit.

"At kahit isa wala ka pang sinasagot." Kelley said.

"Nasagot ko na." walang gana kong sagot.

"Oo nga, sabi mo 'wala nga' 'diyan lang' 'sa labas' 'kumain'. Seryoso Zay? Wala ka bang maayos na maisasagot?" sabi ni Casey.

Anong gusto nila? Ikwento ko talaga yung nangyari kahapon? Kung saan kami pumunta? Eh ayoko nga! Baka sabihin pa nila may gusto ako kay Jarvis kahit totoo naman pero basta ayoko pa malaman nila. Mas mabuting sakin muna, hindi din naman sila sanay na nag oopen up ako about sa love eh. Hindi ko pa kaya ginagawa yun.

Before, nung bata pa kami. May crush ako na childhood friend namin, kaso nasa New York siya ngayon eh. Pumunta siya dun mga 9 years old siya. Pero yung totoo, hindi ko talaga siya crush akala ko lang siguro yun. Kasi siya lang naman friend kong lalaki dati eh. Siya lang nakakasama namin bukod sa brother ko. Bestfriend lang pala yung tingin ko sakanya.

"Wala nga kasi." asar kong sabi sakanila. Ang kukulit kasi eh.

Magsasalita pa sana sila ng biglang nag bell. Thanks God!!

Nagpunta na kami sa kanya-kanya naming room. Ang boring. Alam ko na yung tinuturo ng prof eh. Gusto ko matulog, nahirapan ako matulog kagabi eh.

Ano kaya mangyayari sakin? Natatakot ako, baka ako lang may gusto sakanya eh. Baka hindi kami pareho ng nararamdaman. What if ganun lang talaga siya? Baka binibigyan ko lang ng meaning lahat ng ginagawa niya pero baka wala lang din naman sakanya yun. Natatakot ako.

Wala naman akong balak mag confess sakanya. There's no way in hell. Hindi pa naman ako obsessed sakanya para gawin ko yun. Kahit anong mangyari hindi ako ang unang magsasabi. Kahit di niya ko magustuhan hindi ko pa din gagawin yun. Diretso pa pag iisip ko. Di ko ipapahiya sarili ko no!

Nagulat ako ng biglang may maglagay ng papel sa desk ko. Napatingin ako sa katabi ko. Nakatingin siya sa prof, as if naman na nakikinig. Tsk.

Binuksan ko ang papel na nilagay niya. Yes, alam kong siya naglagay nun. Sure ako.

'Stop thinking of me. I can't sleep.'

Aba talaga! Kapal ng mukha! Sinong may sabing iniisip ko siya? Totoo naman. Pero kapal talaga niya! Ang aga aga inaasar na naman ako nito. Psh.

I'm not. Nakikinig kaya ako kay Sir.

Pagtapos ko isulat, hinintay ko muna na tumalikod si Sir at binigay ko sakanya yung paper.

Tinuon ko yung atensyon ko kay Sir kahit lutang ang utak ko. Maya-maya may paper na naman na naglagay sa desk ko. Ano to? Nauso ulit ang sulatan?!

'Really, Bella? You're so cute. You're blushing.'

Napahawak ako sa mukha ko bigla. Nakita ko naman na tumawa siya ng konti. Ginagawa niya talaga akong katatawanan? Nakakainis na siya!! Hindi na ko sumagot baka mabadtrip pa ko sakanya.

After the class, pumunta ako sa garden. Dun ko kasi hihintayin sila Naths. Si Casey dumaan pa sa locker room. Si Mitch naman kasama si Kent. May pupuntahan daw sila. I wonder kung nagde'date na sila. Bahala sila. Basta wag lang masasaktan si Mitch, okay naman sakin si Kent eh. Mabait naman siya so walang problema.

Kamusta na kaya sila Casey at Jace? Sana naayos na nila yun. Ang arte din kasi nito ni Casey, nagmamaganda rin talaga eh.

Wala nga palang pasok bukas. May meeting daw about sa S.U. Party. Kailangan talaga walang pasok? Pwede naman after class eh. Mga teacher talaga oh. Minsan ang tatamad din. Pero okay na din yun, for sure over night sila ngayon sa bahay. Wala na din akong balita sakanila eh. I mean sa love life nila. Si Kelley at Chase kaya?

Once in a LifetimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon