Natapos na kaming kumain at naglalakad na kami papunta sa kotse ng magkahawak yung kamay. Sobrang higpit ng hawak niya ss kamay ko, siguro iniisip niya na tatanggalin ko dahil naiilang ako sa mga nakatingin. Nakakailang naman kasi talaga pag lahat nakatingin sainyo pero wala naman akong balak tanggalin yung kamay ko sa kamay niya, hindi pa naman ako tanga para gawin yo'n.
"Bili muna tayo ng pagkain nila daddy." Sabi ko sakanya nang makapasok siya sa kotse.
"Nando'n na." Sagot niya habang nilalagay niya yung seatbelt ko.
"Anong nando'n na?" Takang tanong ko.
"Kinakain na nila ngayon." Sagot niya habang nilalagay yung seatbelt niya.
"Um-order ka na? Bakit hindi mo nalang sinabay satin? Pupunta din naman tayo do'n eh." Sabi ko. Tumingin siya sakin at ngumisi.
"Hindi tayo do'n pupunta." Sabi niya at pinaadar na yung kotse. Napakunot na naman yung noo ko.
"Saan tayo pupunta?" Takang tanong ko habang nakatingin sakanya.
"Secret." Sagot niya ng hindi nakatingin sakin. Hindi ako matatahimik pag hindi niya sinabi sakin.
"Saan nga?" Pangungulit ko.
"Secret nga." Lakas talaga ng tama nito. Nang aasar na naman.
"Saan nga kasi? Ang kulit mo!"
"Ikaw makulit diyan eh, sa secret nga kasi." Sabi niya na parang nakukulitan na sakin. Seryoso ba siya? Aasarin na naman niya 'ko?
"Nang aasar ka na naman ba?" Inis na tanong ko.
"Zaylia Bella, hindi ako nang aasar." Sabi niya ng seryoso. Ngayon ko lang narinig sakanya na sabihin yung first name ko. Tinitigan ko siya, hinihintay ko na tumawa siya pero hindi niya ginawa. Nakatuon lang ang mata niya sa daan.
"Last na tanong ko nalang talaga 'to, bahala ka pag hindi mo sinagot! Saan tayo pupunta?" Mahinang sabi ko pero may kasamang inis na tono. Napabuntong hininga siya.
"Hindi ako naniniwala na last na yan." Seryoso talaga, naiinis na 'ko. Tinotopak na naman ba siya? Balik na naman ba siya sa dati na masyadong mabilis mag init ang ulo?
"Bakit ang init ng ulo mo? Nagtatanong lang naman ako ha!" Sigaw ko sakanya. Diretso pa din ang tingin niya sa daan.
"Ang kulit mo kasi." Seryosong sabi niya. Medyo na hurt ako do'n. Hindi, na hurt talaga ako do'n. Alam kong lagi siyang nakukulitan sakin pero ngayon niya lang sinabi talaga sakin yan. Hindi na 'ko sumagot. Tumingin nalang ako sa labas. Pakiramdam ko gusto ko na namang umiyak pero sobra na kung iiyak pa 'ko ulit. Kanina pa 'ko umiiyak, I mean kagabi pa pala. Naiinis ako sa sarili ko, napaka iyakin ko. Feeling ko nga dahil sa pagiging iyakin ko baka iwan niya 'ko eh.
"Bella." Sabi niya. Hindi ako sumagot, kala ko ba nakukulitan na siya sakin?
"Come on, Bella, stop acting like a baby." Pansin kong medyo naiinis na din siya. Baby pala ha? Eh kung sinabi naman niya sakin kung saan kami pupunta, hindi ko naman siya kukulitin eh. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya. Ganyan siya pag naiinis, lagi siyang nagbubuntong hinga.
"Fine." Yun ang huling sinabi niya. Hindi pa din ako sumagot.
Kasalanan ko ba? Eh ako nga dapat magalit eh, nagtatanong lang ako tapos sasabihin niya na ang kulit ko? Oa na kung oa pero na hurt talaga ako. Siguro dapat ko siyang gutumin lagi para sweet siya. Nalagyan lang ng pagkain yung tiyan niya balik na ulit siya sa dati.
BINABASA MO ANG
Once in a Lifetime
Novela JuvenilA girl who has everything and a guy who lost everything. A girl who cares for everyone and a guy who doesn't care for anyone. A girl who will do everything to help him and a guy who's willing to sacrifice everything to protect her. Will be the risks...