"Zaylia, gising na. Alas-otso na." Ano ba yan! I'm still sleepy. I opened one eye and looked over at the clock on my side table. It was eight o'clock in the morning and as far as I know the vacation isn't over yet.
"5 minutes nalang Nana." I said, eyes still closed. I'll go back to sleep again, inaantok pa talaga 'ko dahil pinuyat ako ng mga kaibigan ko.
"ZAYLIA BELLA STEELE!!!! BUMANGON KA NA DIYAN!!!" As soon as I heard that voice, I jumped out of my bed.
"KUYA!!!!" I run to him and hugged him. God knows how much I missed my brother.
"Zaylia, are you trying to kill me?" Umalis ako sa pagkakayakap sakanya at binigyan siya ng 'sorry-naman-look'.
"Haynako Zay, sige na. Maghilamos ka na para kang nakipag wrestling sa itsura mo. Hahaha." I rolled my eyes, he's really the sweetest brother on earth. And by the way, he is Zack Brent Steele a 20 years old handsome guy.
"Whatever!!" Tawa pa din siya ng tawa kaya pumasok na ko ng CR. Mautot sana siya!
Pagkatapos ko gawin ang morning rituals ko, habang pababa ako nakita ko si kuya sa Living Room, mukhang hinihintay ako. Si Nana naman ay nag-aayos ng breakfast.
"Bakit ang tagal mo? Kala ko natulog ka na sa CR. Gutom na 'ko." Sabi niya habang naglalakad papuntang Dining room na nakahawak pa sa tiyan niya.
"Sinabi ko bang hintayin mo 'ko?" Mataray kong sabi habang nakasunod sakanya.
"Sungit ng babygirl ko ah. Hindi mo ba ko na-miss?" Nakakainis kasi eh, ang aga mang-asar pero siyempre na-miss ko siya. Si kuya lang naman lagi kong kasama tska si Nana eh.
Sila Mommy kasi busy magpalago ng pera. Lagi silang wala dito, lagi silang nasa business trip. Kung hindi naman business trip nasa Company sila. Next time ko na ikwe'kwento lahat, tinatamad ako at gutom na 'ko.
"Na-miss. Ikaw kasi inasar mo 'ko kagad eh." sabi ko habang naglalagay ng rice sa plate ko.
"H'wag na mainis kay kuya. May pasalubong naman ako sayo eh." Bigla akong napatingin sa kanya na sobrang lapad ng ngiti. Mahilig kasi ako manghingi ng pasalubong eh.
"Talaga?! Thank you kuya!" Nag flying kiss ako sa kanya at umarte naman siya na sinalo ito. Kaharap ko kasi siya, hindi naman ako pwedeng tumayo para yakapin siya kasi magagalit si kuya. Ayaw niya kasi ng paalis alis pag nasa harap ng pagkain.
"Wait, kuya. Diba bukas pa uwi mo? Bakit ka nga pala nandito ngayon? Diba sabay kayo nila Mommy uuwi?" Dire-diretso kong tanong.
Pumunta kasi si kuya sa England, hindi ako pinasama nila Mommy. Bakit? Hindi ko din alam. Basta sabi nila uuwi daw sila dito kasabay ni kuya.
"Hindi makakauwi sila Mommy, busy daw sila eh. Ayoko do'n, ang boring. Walang maingay eh hindi ako sanay." Alam ko naman na ako yung sinasabi niyang maingay. Pero na disappoint na naman ako, kala ko pa naman uuwi sila.
"Ah, okay. Kuya tapos na 'ko. Asan pasalubong ko?" Ayoko na kasi magtanong pa tungkol kila Mommy, mas lalo lang sumasama loob ko.
Lumapit sakin si Kuya at niyakap ako. "Intindihin mo nalang sila Mommy. Isipin mo nalang na para satin din naman yo'n. Tara na, papakita ko na sayo pasalubong mo." Tumayo na kami at pumunta sa living room.
Pag bukas ni kuya ng box, nagningning yung mata ko sa dami ng chocolates! May mga damit at kung anu-ano pa. Madami kasing damit do'n na magaganda na wala dito sa Philippines eh, for sure hindi alam ni mommy na nag-uwi si kuya ng damit dito, ayaw niya kasi ng bumibili pa sa mall ng damit eh may shop naman daw kami.
BINABASA MO ANG
Once in a Lifetime
Novela JuvenilA girl who has everything and a guy who lost everything. A girl who cares for everyone and a guy who doesn't care for anyone. A girl who will do everything to help him and a guy who's willing to sacrifice everything to protect her. Will be the risks...