Chapter 22

181 43 13
                                    

Bukas na ang party kaya half day lang ngayon sa school. Pati pala high school kasama sa party. Pauwi na kami, hindi ko dala kotse ko kasi ayaw ni Jarvis, hatid at sundo na daw niya ko. Biruin mo yun? Alam din pala ni Jarvis ang pagiging sweet.

Si Mitch at Kent nga pala, official na din. Nauna pa sila samin ni Jarvis pero hindi niya muna sinabi samin. Medyo nagalit nga si Casey eh. Ayaw niya talaga ng napag iiwanan ng balita. Si Kelley at Chase naman, official na din. Sinagot niya kahapon si Chase. Ang sweet nga eh, buong school naka witness. Pag pasok namin kahapon biglang may mga petals na nahulog. Akala ko nga para sakin eh. Hindi pala. Assuming kasi talaga ako.

Si Casey at Jace naman, getting to know each other daw. Psh. Pero ganun pa din sila, nag aaway pa din. Hindi na ata mawawala yun sakanila eh. Si Naths at Trev nalang wala. Magka developan kaya sila? Kaso parang malabo eh. Halatang wala silang gusto sa isa't isa. Pero si Naths laging may katext. Di na nga niya mabitawan phone niya eh. Naiintriga ako pero mukha wala pa siyang balak sabihin samin kaya naiintindihan ko. Si Casey lang naman magagalit eh. Hahaha.

"Magkita nalang tayo sa bahay niyo, Zay. Magpapalit lang kami ng damit." Sabi ni Mitch. Nagpagawa kasi kami ng dress na susuotin namin. Syempre design ni Mommy. Kukunin na namin ngayon.

"Okay." Nagkanya kanya na kaming sakay. Siyempre sila sa mga partner nila. Si Naths naman si Trevor na daw muna taga hatid at sundo niya habang wala pa siyang boyfriend. Baliw talaga.

Habang nasa biyahe kami, ang tahimik ni Jarvis. Ayoko ng ganito eh. Baka may problema, hindi niya lang sinasabi sakin.

Tinitigan ko siya pero nasa daan lang tingin niya. "Jarvis, may problema ba tayo?" Tumingin siya sakin saglit pero binalik din agad sa daan ang tingin.

"Huh?" Sabi niya. Eto nanaman. Pag gantong boses gamit niya nawawala inis ko eh. Yung soft lang.

"Kanina ka pa walang imik." Sabi ko. Hindi siya sumagot pero itinabi niya yung sasakyan.

"I'll just miss you." Ohh, my baby. Hahaha. Parang bata na naman to.

Pinalo ko siya sa braso. "Wag mo nga ulit ako papakabahin ng ganun. Wag ka kasi tatahimik bigla bigla." Tumawa lang siya at nag drive ulit. Sarap sa tenga pakinggan ng tawa niya. Nakakarelax.

Nakarating na kami sa bahay. Pinagbuksan niya ko, siyempre. Sweet nga eh. Pinaninidigan niya talaga.

"Jarvis, pwede mag wish?" Napakunot bigla noo niya. Please! Isa lang naman eh. "Sige na please. Please." Nag puppy eyes pa ko niyan.

"Okay. One wish. What is it?" Sagot niya ng nakakunot pa din ang noo. Psh. Basta, babalewalain ko nalang pagkunot ng noo niya.

"Pwede bang magtagalog ka? Kahit konti lang? Please?" Please pumayag ka. Please. Ang tagal naman sumagot oh!

"Susubukan ko." Sabi niya at ngumiti. Yes!!!

"Yehey! Thank you! I love you!" Niyakap ko talaga siya. Power hug!

"Mahal din kita." Napangiti naman ako. Ang cute niya pala magtagalog eh. Dapat magtagalog nalang siya lagi.

"Sige na. Mag iingat ka sa pag ddrive ha? See you tomorrow."

"No, see you later." Sabi niya. Lumapit siya sakin and he kissed my forehead.

Hinintay ko muna siya makaalis bago ko pumasok ng bahay. Sobrang lapad ng ngiti ko nang pumasok ako sa loob.

"Nakita ko yun." Napatingin ako kay kuya na nakaupo sa sofa. Umupo ako sa tabi niya ng hindi nawawala ang ngiti sa mukha ko.

"Akala ko wala ka dito, edi sana pinapasok ko siya para nakilala mo ng personal. Hilig mo manilip eh." Sabi ko sakanya.

Once in a LifetimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon