Zaylia's P.O.V.
Naiwan akong tulala. Bakit ba kasi hindi ko nagawang sumagot? Oo natatakot ako sakanya nung una, tska pag tumitingin siya ng masama. Pero hindi naman ngayon, ilang beses na niya 'ko tinulungan sa mga clown na yo'n, ginamot niya pa sugat ko kaya bakit ako matatakot sakanya? Alam ko naman na hindi niya 'ko sasaktan kasi nga diba pinagtanggol niya 'ko?
Tumayo ako para habulin siya pero bigla kong nakasalubong si Trevor. "Okay ka lang? Kanina ka pa diyan, akala ko may nangyari na sayo." sabi ni Trevor pero hindi ako mapakali, gusto kong habulin si Jarvis.
Hinawakan ako ni Trevor sa dalawang balikat ko. "Zay, anong nangyari?" nag aalalang tanong ni Trevor.
"H-huh? Ah oo. Okay lang ako." I said and smiled.
"Sure ka Zay? Hindi ka mukhang okay. May nangyari ba?" sabi niya. Halata pa din na nag aalala siya.
Ngumiti ako. "Okay lang talaga ako. Promise." tinaas ko pa yung kanang kamay ko.
"Oh tara na. Tapos na kami manood eh." sabi niya at tumalikod na pero hinawakan ko yung kamay niya.
"Si J-jarvis ba? N-nandyan?" tanong ko sakanya.
Nakita ko naman sa reaksyon niya na nagtataka siya. Siguro dahil hinahanap ko si Jarvis. "Nagmamadaling lumabas kanina eh. Hindi nga namin alam kung anong nangyari do'n." sabi niya.
Binitawan ko yung kamay niya at ngumiti. "Ah gano'n ba, tara na balik na tayo do'n." sabi ko at naglakad na.
"May nangyari ba?" napahinto ako sa tanong ni Trevor. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.
Humarap ako sakanya. "Wala. Tinanong ko lang kung nasan siya, grabe ka naman mag isip. Hahaha. Tara na nga." hinila ko na siya papasok. Para hindi na siya makasagot pa.
Pagdating namin sa sala, nagtatawanan sila. Nag aaway na naman kasi si Jace at Casey. Umupo kami ni Trevor sa tabi ni Chase.
Nasan kaya si Jarvis? Nakokonsensya ako kahit hindi naman dapat. Wala naman akong ginawang masama diba? Nakakainis naman! Naiinis ako sa sarili ko! Bakit ba kasi ako nagkakaganto? Wala lang naman siya sakin diba? Hindi nga kami close eh, bihira lang kami mag usap. Oo tinutulungan niya 'ko pero baka wala lang naman sakanya yo'n diba? Baka ako lang nagbibigay ng malisya.
Nakakainis. Kahit kelan hindi pa 'ko nakaramdam ng ganitong pakiramdam. Lalo na sa lalaki. Ginugulo niya utak ko eh. Mas mahirap pa siya sa Math! Ang hirap niyang solusyunan. Haynako!!
"ZAYLIA BELLA STEELE!!!"
"Ay bakulaw!! Ano ba?! Bakit ba kayo sumisigaw?! Hindi ako bingi!" nakakainis. Sabay sabay nila akong sinigawan. Mga sira talaga tuktok nito.
"Hoy Zaylia! Kanina ka pa namin tinatawag pero halata namang hindi mo kami naririnig. Ngayon sabihin mo na hindi ka bingi." sabi ni Kelley.
Kanina pa nila ako tinatawag? Bakit hindi ko narinig? Pinagti-tripan ata ako ng mga 'to eh. Tiningnan ko silang lahat, lahat sila nakatingin sakin at naghihintay ng sasabihin ko.
Pumikit ako at huminga ako ng malalim. "Sorry, may iniisip lang ako." sabi ko.
"Anong iniisip mo?" tanong ni Chase.
"Ako ba?" pagbibirong sabi ni Jace.
"Wag mong sabihin na lalaki yan?" sabi ni Naths.
BINABASA MO ANG
Once in a Lifetime
Teen FictionA girl who has everything and a guy who lost everything. A girl who cares for everyone and a guy who doesn't care for anyone. A girl who will do everything to help him and a guy who's willing to sacrifice everything to protect her. Will be the risks...