Chapter 35

81 22 0
                                    

Kelley's P.O.V.

Nandito na ako sa bahay at sobrang kinakabahan ako. May nakita akong van sa labas eh. Ayokong umasa pero sana...

"SURPRISE!!"

"M-Mommy... D-dad..."

"I missed you so much, Kels." Sabi ni mommy at niyakap ako. Sabi ko na nga ba eh.

Walang mapaglagyan ang saya ko ngayon. Naiiyak nalang ako sa sobrang saya. Nandito ang parents ko. Hindi ako makapaniwala.

"Anong iniiyak mo diyan?" Napatingin ako sa babaeng pababa na ngayon sa hagdan.

"Hi witchy sisteret!" Sabi niya sakin at niyakap ako.

"Bakit ka umuwi dito? Ayoko ng maarte sa bahay ko." Sabi ko sakanya. Yes, may kapatid ako. 15 years old na ubod ng arte.

"Fyi, bahay ko din 'to. Tska madami daw handsome sa school niyo?" Kita niyo naman. Puro kalandian alam niya.

"Eh ano ngayon?" Pagtataray ko sakanya. Close naman kami. Naiirita lang ako sa kalandian niya.

"Syempre I want to meet them. Ang boring mo talaga kausap." Ang landi talaga.

"Tama na muna yan. Tara na, kain muna tayo. Madami ka pang ikukwento samin." Sabi ni daddy.

Naglakad na kami papuntang kitchen nang biglang may tumawag sakin. At si Chase yun.

"Hello?"

"Hi, baby." What the hell?! Baby?!

"What?! Sinong baby ha?" Siraulo 'to ah. May babae ba siya? Hindi naman ako nito tinatawag na baby eh.

"You. Kelley Nicole Taylor, My baby. I love you!" Ay bwisit. Lasing na 'to.

"Are you drunk?"

"No... I'm not."

"Then, what?"

"Just... Tipsy. I love you baby ko." Loko loko talaga. Imbis na magalit ako kinikilig ako eh.

"Wag ka na uminom. I have to go. Nandito sila mommy."

"Okay baby. I love you baby, mwaaa."

"I love you too. Wag kang makulit! Puro ka baby, lagot ka sakin bukas!" Binabaan ko agad nung nakita ko si Cheska na nasa tabi ko na.

"Who was that?" Tanong niya. Nilagpasan ko lang siya. Ayoko talaga kasama 'to.

"Hey! Pag hindi mo sinabi sakin kung sino yun, isusumbong kita kila Daddy." Tinakot pa talaga ako ha.

"Mind your own business." Nagulat ako ng biglang kinuha niya sakin yung phone ko. "Give it back to me Francheska!" Tumakbo siya papuntang kitchen.

"You little bitch! I swear, pag nahuli kita mag goodbye ka na sa buhok mo!" Bigla siyang huminto at humawak sa buhok niya.

"Eto na nga eh. Hindi ka naman mabiro. Insecure ka talaga palibhasa pangit ka!" Sabi niya at inabot sakin yung phone.

"Kayong dalawa, ano na naman pinag aawayan niyo?" Tanong ni daddy.

"Si Kelley kasi may tinatago." Sabi niya. Akmang lalapit na sana ako sa halimaw kong kapatid pero agad siyang nagtago sa likod ni mommy.

"Cheska, she's your ate." Sabi ni mommy.

"I don't want to call her ate. Iw." Wala talagang galang.

Once in a LifetimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon