Chapter 63

51 2 0
                                    

Papasok na kami sa school, ako naman ngayon ang driver nila. Ngayon pa talaga sila tinamad mag drive ha? Nakakadagdag sila sa stress ko.

"Nasa school na daw si Casey." Sabi ni Kelley. Hindi ko siya pinansin.

"Seryoso, Zay? Hanggang anong oras mo kami hindi papansinin?" Natatawang sabi niya, hindi pa din ako sumagot. Naiinis pa din ako dahil ako pinag drive nila.

"Seryoso ka ba talaga na hindi mo kami papansinin?" Tanong ni Naths, kung hindi lang ako napipikon sakanila ngayon sinuntok ko na silang tatlo.

"Hoy tumigil ka nga sa inaarte mo diyan!" Natatawang sabi ni Mitch sakin.

"Pag hindi kayo tumahimik, sisipain ko kayo palabas ng kotse ko." Pagbabanta ko.

"Minsan ka na nga lang mag drive eh. Lagi ka nagpapa angkas." Sabi ni Mitch.

"Kapal ng apog mo, kahit minsan hindi mo pa ako pinag drive! Kung may tao man na dapat kong ipag drive dito si Kelley lang yo'n." Nakita ko sa salamin na tumatawa sila. Napatingin naman ako kay Kelley na katabi ko, nagpipigil lang siya ng tawa.

"Ilabas mo na yan baka mautot ka pa bumaho pa kotse ko magkakautang ka pa sakin at baka masipa na talaga kita palabas." Sabi ko kay Kelley, bigla namang lumakas yung tawa nung dalawang nasa likod.

"Grabe Zay, ang dami mong sinabi pwede mo namang sabihin na itawa ko na, may utot ka pang nalalaman diyan, baboy ka." Sabi ni Kelley na tumatawa.

"Si Mitch yung baboy, tingnan mo katawan palang baboy na." Bigla siyang huminto sa pagtawa at sumimangot, sila Naths naman mas lalong lumakas yung tawa.

"Ang sama mo!" Sabi niya.

"Maganda lang." Para kaming baliw, nawala tuloy inis ko nang makita ko mukha niya na nakasimangot. Grabe priceless!

"Dito na tayo." Sabi ko.

"Nasa school na tayo?" Parang tangang tanong ni Mitch.

"Kung school tingin mo diyan, malamang nasa school na nga tayo." Sabi ko at lumabas na. Sila Kelley naman tuloy pa din sa pagtawa.

"Bakit ang daming tao?" Tanong na naman ni Mitch. Nag umpisa na kaming maglakad.

"Kasi hindi 'to sementeryo kaya marami talagang tao dito." Sarcastic kong sagot.

"What I mean is, ang daming tao kumpara sa normal na dami ng tao." Sabi niya habang tumitingin sa paligid.

"Ewan ko, baka fiesta." Sabi ko.

"Fiesta? Sa school?" Ang shunga talaga, napaka slow.

"Hindi, mag fiesta ka sa sementeryo. Try mo." Natawa na naman yung dalawang nasa tabi namin.

"Kanina ko pa nahahalata na binabara mo lahat ng sinasabi ko, may galit ka ba sakin?" Sabi niya.

"Wag mo kasi ako tanungin ng pang tangang tanong." Sabi ko sakanya.

"Zaylia!" Napatingin naman kaming apat sa sumigaw. Bigla akong napangiti ng makita ko si Casey, tatakbo na sana siya papunta samin kaso pinigilan siya ni Jace kaya naglakad na lang siya.

"Bakit nakasimangot ka na naman?" Tanong ko sakanya.

"Itong lalaki kasi na 'to eh, ang oa na ng pagiging over protective." Sabi niya at sinadya niya talaga na iparinig kay Jace.

"Bakit naman?" Tanong ni Kelley.

"Sa tuwing may gagawin ako pipigilan niya 'ko tapos sasabihin niya na 'bawal yung ganito' 'baka mapagod ka' 'wag kang makulit baka matagtag yung baby' 'wag kang kakain nito ganyan gano'n ay lecheflan! Nakakaburyo kasama!" Natawa naman kami, ganito ba kapag buntis? Well, normal naman na sakanya na masungit talaga siya pero nadoble ata.

Once in a LifetimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon