3

8.2K 164 1
                                    


"Lintek, brod! Ayoko na dito!" Hangos na lumapit kay Ayu ang pawisang si Joaquim. "Kinikilabutan na ako!"

Dali-daling isinuksok ni Ayu sa bulsa ng pantalon ang litrato. Baka makita pa ni Joaquim na nakasira siya ng picture. Malilintikan siya kay Mr. Patag. Baka ibagsak pa siya nito sa klase.

Hindi siya puwedeng bumagsak. Huling taon na nila iyon sa high school. Inip na inip na siya. Gusto na niyang mag-college para sa Maynila na mag-aral.

"Bakit? Ano'ng nahanap mo sa loob?" pabale-walang tanong niya kay Joaquim. Pasimple rin niyang isinara ang photo album na nasa kandungan.

Pero napansin iyon ni Joaquim. "'Oy, ano 'to? Old photos?"

Ipinasa niya rito ang album. "Oo. Pero dalian mo ang pagtingin, ha? Baka makita tayo ni Sir. Lagot tayo."

Noon dumating si Luchi na may hawak na kahon na kasinlaki ng kahon ng sapatos. "Album ba 'yan, Doquesne?" tawag nito kay Joaquim.

"Ano ka ba? 'Wag kang maingay," saway ni Ayu kay Luchi. Napatingin siya sa dala nito. "Ano'ng laman niyan?"

Ngumiti si Luchi. "Love letters."

Tumayo siya, kinuha ang kahon mula rito at binuksan. Punong-puno iyon ng mga papel. "Love letters 'to lahat? May admirer ka?"

"Hindi para sa 'kin 'yan. Nahanap ko lang do'n sa 'baba." Inagaw uli ni Luchi ang kahon. "Pero sa 'kin na lang 'to."

"Hoy, lagot ka kay Sir," babala ni Ayu.

"Bakit? Magsusumbong ka? Sige. Isusumbong ko rin kayo. Pinapakialaman n'yo 'yan." Nakanguso ang babae sa pinagkakaabalahan ni Joaquim—ang photo album.

"Bahala na nga kayo." Iniwan ni Ayu ang dalawa. Tuloy-tuloy siya sa hagdan at bumaba.

Pero nasa kalagitnaan pa lang siya ng hagdan nang matigilan. May pumupuno kasing tunog sa katahimikan ng paligid. Tumingala siya sa second floor. Humahangos pababa sina Luchi at Joaquim. Napatakbo na rin si Ayu kahit hindi niya alam kung bakit nagmamadali ang dalawa.

Basta ang alam niya, bigla siyang kinabahan sa tunog na naririnig.

"Ano ba 'yon?" tanong niya kay Joaquim nang magkasama-sama na silang lahat sa sala.

"'Tang ina, brod. 'Yong grandfather clock, tumunog! Eh, sira 'yon, hindi ba?"

Napatingala si Ayu sa second floor. Pababa na si Mr. Patag. Saan ba ito galing? Bakit hindi nila ito nakita sa second floor?

Biglang sumiksik si Luchi sa likuran nila ni Joaquim. "Itago n'yo 'ko. Baka makita ang hawak ko." Kipkip pa rin ng babae ang kahon ng love letters.

"Bitawan mo nga 'yan," utos ni Ayu.

"Ayoko nga. Sa 'kin na 'to, eh."

"Aanhin mo ba 'yan?" tanong naman ni Joaquim.

"Babasahin. Bakit ba?" pagtataray ni Luchi.

Hindi na lang sila umimik. Nagle-lecture na uli si Mr. Patag tungkol sa history ng bahay nang biglang magtaas ng kamay si Joaquim.

"Sir, anong taon ba itinayo ang bahay na 'to?"

"Early eighteen eighties. Bakit?"

"Ang tagal na pala, 'no. 'Buti hindi gumuho sa dami ng lindol at bagyong dumaan sa 'Pinas."

"Alam n'yo ba na matatag ang structure ng pagkakagawa ng mga bahay noong unang panahon? Isa pa, maayos na namamantini ng pamilya namin ang pundasyon nitong bahay kaya hanggang ngayon ay matibay pa rin."

The Girl In A Vintage Dress COMPLETED (Published by PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon