16

4.2K 115 5
                                    


"AYU, anak! Na-miss kita!" Sinugod si Ayu ng yakap ng kanyang inang si Darla. Sa ginawa nito ay tumabingi ang salamin niya sa mata.

"'Ma?" sabi niya nang makabawi sa pagkabigla at saka inayos ang eyeglasses. "'Pa?"

"Kumusta ka rito?" tanong naman ng kanyang ama na si Ricky.

"Bakit kayo nandito?" sa halip na sumagot ay tanong din niya.

Bigla siyang tinawag ni Julia nang malakas mula sa loob ng banyo.

"Ayu! Tapos na ako. Maaari bang pakipasok na lang ang balde ng tubig? Ako na ang magbubuhos."

Doon napako ang paningin nilang tatlo.

"Sino 'yon?" usisa ng papa niya.

"May kasama kang babae rito?" sabi naman ng mama niya.

"Let me explain." Nakataas pa ang dalawang kamay niya tanda ng pagsuko.

"Ayu? Nandiyan ka ba?" muling tawag ni Julia.

"Oo. Heto na." Binuhat ni Ayu ang balde ng tubig at nagmamadaling tinungo ang banyo. Iniwan niya ang balde sa labas ng pinto. "Iwan ko na lang dito sa labas, ha." At patakbo niyang binalikan ang mga magulang.

"Magpapaliwanag talaga ako, promise," Inakbayan niya ang dalawa at iginiya papunta sa sala. "Pero 'wag muna kayong magpapakita kasi mahiyain si Julia."

"Julia?" tanong ng bagong pasok sa front door, si Dara. Kasunod ang isang lalaking moreno at matangkad—si Paco, ang fiancé ng kakambal.

"'Yong babaeng pinagsisilbihan ng kakambal mo," sagot ng kanilang ina.

"Mama, hindi ganoon 'yon, okay?" kontra ni Ayu.

"Sinong babae?" muling tanong ni Dara.

"Nasa banyo pa," sabi naman ng kanilang papa.

"Guys, puwede sa labas muna kayo? Kakausapin ko lang si Julia. Please," pakiusap ni Ayu. Sa uri ng mentality mayroon ang kanyang pamilya at sa ligalig ng mama niya, baka biglang gustuhin ni Julia na bumalik sa taong 1896!

"Ayaw mo bang makilala namin siya, ha, Ayu?" Humalukipkip si Darla. "Dito lang kami."

Walang nagawa si Ayu kundi iwan ang pamilya para i-check kung hindi ba nasama ni Julia na mai-flush ang sarili. Wala na kasi siyang naririnig na kaluskos mula sa loob ng banyo.

"Julia? Ayos ka na?" tawag niya.

Bumukas ang pinto ng banyo. Kandasilip mula sa sala ang kanyang mama at si Dara. Pilit niyang tinatakpan si Julia habang hinihila ito papasok sa kusina.

"Maayos na ang pakiramdam ko. Maraming salamat."

"'Di na ba sumasakit ang tiyan mo?"

Nakangiting umiling si Julia. "Hindi na."

"Hello—" Nasa bukana na ng kusina si Dara. Napako ang tingin nito kay Julia, parang namamalikmata pa. "S-sino siya?"

"Mamaya na, Dara. Sa sala ka muna. Samahan mo do'n ang fiancé mo at sina Mama," pagtataboy niya sa kakambal.

"Umalis si Papa kasama ni Paco. Pinabili ni Mama ng mga lulutuin para sa dinner natin." Tuluyan nang pumasok si Dara sa loob at napako ang tingin kay Julia. "Parang familiar ka."

"S-sino siya?" tanong naman ni Julia.

"Kapatid ko," sagot ni Ayu.

"Hah! Alam ko na kung saan ko siya nakita," biglang bulalas ni Dara. "Sa notebook mo, Ayu. 'Yong mga drawing sa likod ng notebooks mo!"

"Dara, please," pakiusap niya.

"Siya 'yon! The girl in a vintage dress." Ayaw paawat ni Dara.

Hindi na lang umimik si Ayu. Tama naman si Dara. Iyon ang ipinangalan niya kay Julia sa loob ng sampung taon.

The girl in a vintage dress.

ne;verX�Y)��3

The Girl In A Vintage Dress COMPLETED (Published by PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon