"You'll marry Mang Kanor , Charm! Whether you like it or not."
"Dad he's 46. Im only 16. Hindi niyo na ba ako mahal?"
Napatayo na si Charmaine sa sobrang sama ng loob. Kakauwi lang niya galing sa practice ng graduation nila ng high school. Bukas ay graduation na nila at tuwang tuwa siya na nakatapos siya ng High school. Pero malungkot dahil mahihiwalay na siya sa malalapit na kaibigan.
"Tope, hindi nga ba't napakabata pa ni Charm para ipakasal kay Pareng Kanor." malumanay na sabi ng mommy niya. napangiti si Charm sa sinabing iyon ng mommy niya. Kahit papano'y may kakampi pala siya.
"Cassandra, napagkasundo na naten ito kay pareng Kanor. nakakahiya naman." binaling ng daddy niya ang tingin sa asawa na tumingin naman kay Charmaine na punong puno ng pag aalala ang mukha.
"Dad, sa kanya nahiya kayo. Saking anak niyo hindi. Ano bang mapapala ko o ng pamilya naten kung makasal ako jan."
"Mayaman ang angkan nila Kanor, Charm. Hekta hektaryang lupa ang pag aari nila dito sa Zambales."
"Eh dad, panu naman po ung mga pangarap ko? ung pangarap kong maging chef at makatapos ng kolehiyo?"
"Hindi mo na yun kelangan anak. Mabubuhay ka ni Kanor kahit na wala kang natapos. Kaso sinabi niyang pagtapusin ka daw ng high school dahil sayang daw ang talino mo."
"Yun nga dad eh. Sayang ung talino ko para ipakasal niyo sa matandang hukluban."
"Charmaine!"
Napapitlag si Charmaine ng sinigaw ng daddy niya ang pangalan niya.
"That's my final decision, Charmaine. At ineexpect kong hindi ka susuway sa mga utos ko."
Yumuko si Charmaine at napalunok. Ayaw niyang madisappoint sa kanya ang daddy niya and at the same time hindi siya magpapakasal sa lalaking ni hindi niya kilala at mas matanda pa sa sarili niyang nanay.
Itinaas ni Charmaine ang mukha para patigilin ang mga luha.
"I hope magbago pa ung isip niyo dad. Kasi ayoko pong madisappoint kayo sakin. But I'll stick with my decision. I will never marry a man na mas matanda pa sa inyo. No one will make me dad, kahit po kayo."
"Charmaine. This is for your future. Para sigurado na tayo."
"I can take care of myself dad. Hindi naten kelangan ng mayamang matanda para gumaan ang buhay ko. Kaya ko po ang sarili ko."
"I told you Charm. Walang makakapagpabago ng isip ko. Final na." tumayo na ang daddy niya. Lumapit naman ang mommy niya sa asawa. "Para rin ito sayo." Yun lang ang huling sinabi ng daddy niya bago tumalikod paalis ng sala nila. nakasunod naman ang mommy niya na tinapunan siya ng nagaalalang tingin bago umalis.
Tumakbo paakyat si Charmaine habang pumapatak ang mga luha sa pisnge. Nakapagdesisyon na siya. Although sasama ang loob ng daddy niya sa gagawin niya, hindi naman niya iyob makikita. Dahil pupunta siya ng Maynila. At hindi siya mag iiwan ng kahit na anong bakas na nandun siya.
Matapos makapag empake at makapagsulat ng note para sa ina ay pinlano niya ang paglabas mamayang madaling araw. She hopes that kahit mommy lang niya at si Chris, ang nakakabatang kapatid niya, maintindihan siya.
Alas diyes na ng gabi ng katokin siya ng ina sa kwarto.
Tinago niya ang isang bagpack at isang malaking maleta na may mga damit, gamit at ipon niya sa CR ng kwarto niya. Humiga siya sa kama at nagtalukbong.
"Charm iha, hindi ka nag dinner. So hinatidan kita ng pagkain dito sa kwarto mo." sabi lang ng mommy niya at nakarinig siya ng aluminum tray na lumapag sa kahoy niyang side table.
Nakatalikod siya sa pinto. Gusto niyang palabasin na tulog na siya para hindi na niya makausap pa ang ina. Baka mapigilan lang siyang umalis nito. Sa pagkakaalala na iiwan niya ang mommy niya ay nalungkot siya at parang gusto niyang maiyak.
Close sila ng mommy niya. Lahat ng ginagawa niya shineshare niya sa ina. Ngunit ngayon kelangan niyang itago iyon para na din sa sarili niya. Sa ngayon, sarili din niya ang iniisip niya.
"I understand kung ayaw mo kaming makausap iha. But I promise you, everything will be alright." matagal lang na nakatayo ang mommy niya saka narinig niyang bumuntong hininga ito at naglakad na palabas ng kwarto. Pero bago ito lumabas ay sinulyapan niya ang anak at pinatay ang ilaw saka sinara ang pinto.
Napadilat si Charm. I'll miss you mom. I'm sorry.
Desidido na siya. Aalis siya ng Zambales papuntang Maynila para matupad ang mga pangarap niya at umiwas sa kasalang labag sa loob niya.
-
I'd like to here comments from you guys. Gusto kong maging okay mga susunod kong writings so, comment below for any suggestions, comments and open din ang violent reactions. Keep reading<3
BINABASA MO ANG
How to live with Mr. Arrogant 101 [COMPLETED!]
Teen FictionGugustuhin mo bang tumira sa iisang bahay kasama ang isang gwapong arogante? A story that will teach you on HOW TO LIVE WITH MR ARROGANT!