CHAPTER 22
Habang kumakain ay agad naman kaming naging close ni Angeline. Sa likod ng mataray niyang ugali ay palatawa ito at mahilig din magpatawa. Hindi ko alam kung bakit pero magaan ang loob ko sa kanya. Teka? Napapadalas na to ha? Pero okay lang. Babae naman ito. Hindi magagalit si Alexis.
So ngayon importante na ang opinion niya kung kanino ako pwedeng makipagclose? Samantalang inaway ko lang siya kanina. Ang gulo.
“So tell me, panu kayo nagkakilala ni Alexis?” tanong ko bago sumubo ng pagkain.
“Well, business partners ang parents namin. Madalas bumibisita ako sa kanila para mag laro kapag may business meeting sa labas ng Philippines parents namin.” Sagot niya pagkatapos ubusin ang pagkain sa bibig.
Mayaman talaga sila. Merun pang meeting sa ibang bansa. Ganun kalaki ang pag-aari nila Alexis. Hindi ko din maiwasang isiping gold digger lahat ng gustong mapalapit sa magkakapatid. Pero hindi ako ganun. Sa una nga, ayoko talaga kay Alexis eh. Pero recently, naamin ko na sa sarili kong mahal ko siya not knowing na ganun kalaki ang negosyo nila.
“Alam mo ba ang dahilan kung bakit gustong pauwiin ni Matthew si Alexis?” maya maya’y tanong ko. Sa totoo lang hindi ko din alam sa sarili ko kung bakit naging curious ako sa buhay ni Alexis. Sa mga kwento kasi ni Angeline, masayahing bata si Alexis. Hindi siya katulad ngayon na distant sa iba.
Tinitigan ako ni Angeline at napangiti. “Gusto mo ba si Alexis?”
Muntik na akong mabulunan sa sinabing iyon ni Angeline. “Tinatanong ko lang kung anong dahilan, gusto na kaagad?”
Natawa si Angeline sakin. “Defensive? Nagtatanong lang din naman ako. And I guess, oo ang sagot.”
“Panu mo naman nasabi, aber?”
“Kasi, ganyan ang mga reaksyon ng mga babaeng may gusto sa isang lalaki pag tinatanong sla ng mga kaibigan nila. Don’t worry hindi ako galit.”
“Hindi ka galit? I mean.. Hindi. Hindi ko gusto si Alexis.”
Natigilan si Angeline. And then smiled again. “Isang bagay ang tinuro sakin ng daddy ko na hindi alam ng ibang 15 years old. He taught me to see if the person is lying or not. Sa business, mahalaga ang tiwala.”
Napailing na lang ako. Ano bang pinagsasabi nitong si Angeline? Nakakaloka. Parang nababasa ng pawis buong katawan ko sa pang gigisa nito.
“Tell me, you like Alexis diba?” nangalumbaba si Angeline at parang manghang mangha sa isasagot ko.
Napalunok ako. Parang gusto kong himatayin. Makakapagtago ba ako ng feelings sa harap ni Angeline? Siguro noon na hindi ko pa alam ang sagot pero ngayon na pati isip ko, umamin na, mukhang mahirap mag sinungaling.
“Hindi kami engaged ni Alexis. Para sa kanya, pedophile na ang 15 to 19 marriage. Mga parents lang namin ang may gusto na ipakasal kami pero hindi na nila pinilit pa dahil naging girlfriend niya si ate Kathy and then that news came na break na sila at si kuya Matt na ang boyfriend ni ate Kathy.”
BINABASA MO ANG
How to live with Mr. Arrogant 101 [COMPLETED!]
Novela JuvenilGugustuhin mo bang tumira sa iisang bahay kasama ang isang gwapong arogante? A story that will teach you on HOW TO LIVE WITH MR ARROGANT!