CHAPTER 4
Charmaine's POV
Grabe antok na antok ako. Gusto kong kurutin ung singit ko para magising ako.
Nangalumbaba ako. Ang galing nga eh. History ung subject ko ngayon. Hindi naman nakakaantok to nung high school ako. Pero dahil ung prof ko parang si budoy. Nakatingin lagi sa taas na parang may stiff neck at tumatalsik ang laway kapag nagsasalita at parang kausap pa ang sarili sa hina ng boses, parang gusto mo na lang matulog
Alam mo yung mapapa 'eeeiiwwww' ka na lang kapag naglalakad lakad siya sa hiwalay ng upuan tapos tatapat siya sayo.
Ang galing. Gusto mo na lang murahin siya.
"Miss Gonzales! Tell me, who is the father of Philosophy?"
Napapitlag ako. Writer naman, bakit ganito mo ginawa ang buhay ko. Hindi ba pwedeng Ang tanong na lang eh sinong kumain ng burger kanina? Hindi nga ako nakikinig sa kanya diba? Kakasabi ko lang eeh. At bakit philosophy? Diba History to?
"Sir? Eerr.." napatayo ako at medyo kamot ulo.
"Miss Gonzales, Hindi dahilan ang part time job mo para magkulang ka sa pagaaral. Wag mong hayaang maging warning ang status ng scholarship mo." Galit na sabi nito . Ayun oh, hindi siya nakatingala. Astig mo sir!
Nakayuko akong umupo ulit. Antok na talaga kasi ako. Hindi pa mawala sa isip ko ung mukha nung kumag na yun. Pag lumapit siya ulit sakin, bibigwasan ko siya!
Leche! Ginabi na ako ng uwi. Umuulan at may kasama pang kidlat at kulog. Kung minamalas ka nga naman, oo.
Antok na ako, pagod pa sa trabaho, sinabayan pa ng umulan at wala akong payong. Very good, Seventy Five!
Nasa waiting shed ako para sa mga jeep pero lahat puno na. alas nueve pa lang naman ha? Napakahirap naman sumakay. May mga ilan ding nag aantay ng sasakyan sa waiting shed na iyon ang kaso, Medyo madilim doon at isang poste lang ng ilaw ang nakabukas sa parteng iyon.
Maya-maya may tumigil na sasakyan sa harap ko. Isang itim na Honda City 1.5 VX.
Bumaba ang glass window ng passenger seat. Napayuko ako at sinilip ang driver. Harry Potter!
"Sumabay ka na sakin." Sabi lang nito sakin.
Napatingin ako sa paligid. Ayokong mag-assume na ako talaga iyon.
"Ikaw ung tinutukoy ko." Sabi lang nung driver na binansagan kong Harry Potter.
Tinuro ko ang sarili ko "Ako po?" tanong ko.
"Yeah. Sakay na." sabi lang niya sakin saka binuksan ang pinto ng passenger's seat.
"Pero sir hindi ko po kayo kilala." Magalang kong sabi.
"I'll introduce myself later. Dali na para hindi ka na mabasa."
Fuschia, kapag ito rapist at chinap chop ako nito, wag niyo ng basahin tong story na to. Wala ng bidang babae. Ang pinaka magandang bida na babae.
Atubili akong sumakay ng kotse niya. Nagmamadali kong sinara ang pinto at nag seatbelt. Mabilis niyang pinaharurot ang sasakyan.
"Sino nga po kayo?" tanong ko. Naka amerikana pa si Harry Potter. Grabe. Gwapings. At ang bango niya. Nakakulong pa sa kotse niya ung amoy.
"I'm Matthew Vergara. Nakilala kita kasi ikaw ung nag seserve sakin ng coffee dun sa fast food na pinagtatrabahuhan mo. Di mo lang siguro ako napansin dahil marami kang ginagawa pero hindi mo nakakalimutang lagyan ng message ung baso ng kape ko. That was so Thoughtful" nakangiting sabi nito na pasulyap sulyap sa akin.
BINABASA MO ANG
How to live with Mr. Arrogant 101 [COMPLETED!]
Teen FictionGugustuhin mo bang tumira sa iisang bahay kasama ang isang gwapong arogante? A story that will teach you on HOW TO LIVE WITH MR ARROGANT!