CHAPTER 32
Kinabukasan, nagpasama kami kay Kaloy sa sinasabing magandang karayan sa may San Rafael. Isang bayan na lagpas pa samin. Kasama pa namin ang apat kong pinsan, dalawang bakla at dalawang babae na parehong ka-close ko.
Nilakad lang namin kaya parang adventure. Yun nga lang, nilalandi ng mga bakla kong pinsan sila Alexis at Joey na hindi nakakaramdam dahil tawa lang sila ng tawa sa mga biro ng mga ito. Habang sila Lea, Kaloy at Intin, isa sa mga pinsan kong babae, ay naguusap tungkol pa din sa mga model model at mga runway runway. Katabi ko si Lanie na kinakamusta ako at ang Maynila.
“Sayang hindi ka nakaattend sa binyag ng anak ko.” Malungkot na sabi ni Lanie. “Gawin sana kitang ninang.”
“Ha? May anak ka na?” gulat kong sabi. Samantalang noon ay naliligo pa kami sa sapa ng nakapanty lang.
“Nanganak ako last year. Wala eh. Nainlove.” Nagkibit balikat pa ito. “Ikaw? Kamusta ang buhay buhay? Sino sa dalawang lalaking yan ang boyfriend mo?”
Nilingon ko sila Alexis at Joey. Pareho silang gwapo pero nagi-stand out talaga si Alexis para sakin. Siguro dahil inlove lang ako?
“Wala akong boyfriend nu. Kelangan focus muna sa pagaaral.” Pagsisinungaling ko. Half meant pa din naman. Hindi ko pa din naman boyfriend si Alexis pero inaassume ko na may mutual understanding na kami. Sana..
“Whushuu. Sa ganda mong yan, kahit na nagpaikli ka ng buhok, maganda ka pa din nu.” Sabi ni Lanie na siniko ako.
“Wala nga. Ano ka ba?”
“Oo na. Panu nga ba kasi magkakaboyfriend ang tulad mo. Eh baka girlfriend pa ang gusto mo.”
“Sira ka talaga.” Sabi ko na nangingiti.
Marami pa kaming napagkwentuhan ni Lanie. Minsan ay sumasali sila Lea samin, minsan naman kami ang sumasali sa kanila. Pero ang mga bakla, talagang focus kila Alexis at akala mo, tuko kung makakapit sa mga braso nila. Naku, kundi ko lang pinsan tong mga to, lalasunin ko na tong mga to.
“Nandito na tayo.” Nilingon ko si Intin na sumigaw saka nilingon ang ilog na nasa ilalim ng tulay. Ang ganda. Gumanda ito. Noon puro suso at linta ang ilalim nito pero ngayon, napakalinaw ng tubig.
“Nawash out ng baha ang mga linta kaya naging maayos na ang karayan. Maraming naliligong turista dito. Ayaw na nila sa dagat dahil malalaki ang alon.” Sabi ni Kaloy na nagpatiuna ng bumaba.
Kitang kita ang mga bato sa ilalim ng tubig. Nahirapan nga lang kaming bumaba dahil sementong padulas ang bababaan namin. Proteksyon daw iyon sa baha na kapag tumaas ang tubig sa ilog, hindi aabot sa mga kabahayan doon.
Sinet up na ng mga baklang sila Beewan at Beetu ang mga kaldero sa ilalim ng tulay para hindi maarawan. Nilatagan namin ng kumot iyon at doon nilagay ang mga pagkaing niluto ni mommy. Wala na si daddy kaninang umaga dahil daw anihan ng palay sa bukid kasama si Chris na tumuloy na sa eskwela matapos tumulong kay daddy.
BINABASA MO ANG
How to live with Mr. Arrogant 101 [COMPLETED!]
Teen FictionGugustuhin mo bang tumira sa iisang bahay kasama ang isang gwapong arogante? A story that will teach you on HOW TO LIVE WITH MR ARROGANT!