Tatlong araw na ang lumipas simula nung makauwi kami galing sa probinsya. Kung makaiyak nga si daddy habang pinipigilan ang sarili na pigilan ako eh wagas.
Si mommy naman ay open sa emosyon niya. Malungkot siya pero wala naman daw siyang magagawa. Reponsable naman na daw ako at alam niyang mapagkakatiwalaan ako.
Si Chris naman, ayun, hanggang sa makasakay kami sa kotse ni Alexis, puro basketball ang pinaguusapan nila.
Marami kaming baon galing probinsya. Binigyan din namin si Janine at si miss Betty ng mga prutas at gulay na pinabaon samin nila mommy.
Bumalik na ako sa realidad. Sa nakakapagod na buhay sa Maynila. Mas maganda na sana sa probinsya kung di lang talaga kelangang bumalik. Napabuntong hininga ako.
Isang taon na lang ang pagpapaguran kong tapusin. Mabibigyan ko na ng magandang kinabukasan ang pamilya ko.
Pero panu ko gagawin yun kung ang hirap hirap ng huminga. Gusto kong idilat ung mata ko pero ang bigat talaga sa pakiramdam. Parang may nakadagan sakin. Nasa Maynila na nga pala ako nu? Nasa apartment ko na ulit kasama ng arogante kong roommate na nasobrahan sa kalandian habang nasa probinsya kami.
Nakangiti kong minulat ang mga mata ko.
"Hi sweetheart. Dreaming about me?"
"Waaaaaah!" Halos maubusan ako ng hininga sa pagsigaw kong iyon. Itinulak ko paalis sa ibabaw ko si Alexis na hindi naman ako nahirapan. Mabilis akong umupo at niyakap abg sarili ng mapaupo siya sa sahig.
"Manyakis! Anong ginagawa mo at dinadaganan mo ako? At may pa dreaming dreaming about me ka pa jan?" Histerya ko pa din saka lalo kong hinigpitan ung hawak ko sa kumot.
"Nakangiti ka kasi, so I thought, napapanaginipan mo ako." Walang ka abog abog na sabi ni Alexis kasabay ng pagtayo.
"Eh ano ngang problema mo? Sino namang nagsabi sayo na pasukin ako dito sa kwarto?"
"Tinititigan lang kita. Kaso naakit ako sa mga labi mo kaya medyo napalapit ako sayo."
Natigilan ako saglit. Ni hindi siya makatingin sakin ng diretso at kamot ulo pa siya. Parang nag bablush na bata na nahihiya.
Pinigil ko ang sarili kong matawa sa reaksyon niyang iyon. Wala na ang inis ko pero napalitan iyon ng kilig. Ang kaso, hindi dapat kinukunsinte ang mga manyak na tulad niya.
"Nagpapalusot ka pa. Mukha mo! Manyakis ka. Maghanap ka nga ng papatol sayo." Inis kong sabi saka bumangon na.
"I already found her." Hinulaan ko lang. Naka smirk siya. Tumaas ang tingin ko at tama nga ako. He's smirking.
"Alam mo, naiinis na ako sayo. ang aga aga mong nambibwesit. Umalis ka na nga! Shu! Alis!!" Sigaw ko na binato ko pa ng unan.
"Kaya pala throw pillow tawag sa mga ganito. Tinatapon pala to sa taong kinaiinisan mo. Now I know." Natatawang sabi ni Alexis na nasalo ang square na unan na binato ko sa kanya.
"Annoying. Not funny." Inirapan ko siya saka nagpatuloy na sa pagtupi ng kumot at tinalikuran siya.
"I cooked. Eat." Sabi lang nito na huhulaan ko ulit. Nakangiti siyang hindi mawari kung bakit. Kaya nilingon ko siya ulit.
"Di ko kakainin-" natigil ang pagsasalita ko ng mahuli kong nakangiti nga siya. Kasama ng mga mata niya. Mga ngiti na minsan ko lang makita sa buong pagsasama namin. "Ang pagkaing may lason" tuloy ko sa sinasabi ko ng marealize na nahawa na ako sa ngiti niya.
"Oh well, you'll miss the pinakamasarap na food ever." Tuwang sabi ni Alexis na tumalikod na para lumabas ng kwarto ko.
"Walang ibang masarap magluto sa bahay na to kundi ako lang." Sigaw ko.
Nagpatuloy na ako sa pagtupi ng mga kumot at unan. Nang matapos ay tinakbo ang banyo dahil wiwing wiwi na ako. Matapos kong mag daydream sa banyo at maalala ang mga nangyare sa probinsya na araw araw ko ng ginagawa simula ng umuwi kami ay nagpunta na ako sa kusina.
Pero nang dumating ako sa kusina, wala doon si Alexis. Pero may note siyang iniwan.
Charm,
Eat. Di porket di ako masarap magluto eh wala ng ibang paraan para makakain ka ng masarap na pagkaing galing sakin. Galing to sa hotel. I ordered it. Eat up.Imbes na mainis ako eh natuwa pa ako sa thoughtfulness ni Mr. arrogant. Masarap siguro siyang maging boyfriend?
Tinanggal ko ang pinggan na nakatakip sa isa pang pinggan at doon tumambad sakin ang steak na inorder namin noon sa restaurant ng hotel nila Alexis.
Napangiti na lang ako. Mas masarap to kung kasabay siya.
Bago kami tuluyang umalis ng probinsya ay kahit papanu, nalaman naming gusto namin ang isa't isa. Kahit pahapyaw lang. Kaso, sa loob ng mga araw na andito kami sa Maynila, hindi niya ako madalas kausap. Sa tatlong araw na yun, hindi niya ako kinakausap. Sana lang, okay pa siya. Saka ung feeling niya sakin.
Matapos kumain ay dumiretso na ako sa kabinet. Mamimili muna ako ng mga pagkain namin. Alas tres pa naman ako papasok sa trabaho eh. Maaga pa. Pwede pa akong mag gala.
Papasok na sana ako ng banyo pero nag ring ang cellphone ko sa ibabaw ng TV. Tinignan ko ang screen para malaman kung sinong tumatawag. Paktay nanaman ako pag boss ko to.
Si Lea lang pala. Napasigh of relief ako ng mabasa ang pangalan ni Lea sa screen. Mabuti at hindi bad news ang maririnig ko. Nagmadali akong sagutin ang cellphone ko.
"Yes?" Tanong ko kay Lea.
"Halika. Manuod tayo ng sine." Natutuwang sabi ni Lea. Bakas sa boses nito ang excitement.
"Libre mo?" Pang aalaska ko.
"Basta, pumunta ka dito sa sinehan. Ngayon na. After mo mag ayos. Maghihintay kami."
Bago pa ako makasagot ay nawala na sa kabilang linya si Lea. Napaisip tuloy ako. Bakit?
BINABASA MO ANG
How to live with Mr. Arrogant 101 [COMPLETED!]
Teen FictionGugustuhin mo bang tumira sa iisang bahay kasama ang isang gwapong arogante? A story that will teach you on HOW TO LIVE WITH MR ARROGANT!