LESSON 11

6.1K 144 4
                                    

CHAPTER 11

“Welcome Sir Alex.” Magalang na bati ng receptionist samin na hindi pinansin ni Alexis. Tuloy lang siya sa isang malaking pinto na gawa sa narra at may magaganda at eleganteng carvings. Kilala siya ng receptionist?

Nginitian ko ang receptionist bago sumunod kay Alexis. Binuksan ng security guard ang pinto at tumambad sakin ang napakaganda at elegante ring restaurant.

“How many person in the table sir?” Tanong ng waiter na inabot samin ang menu pero hindi kinuha ni Alexis iyon.

“2, Please.” Cold na sabi ni Alexis.

“Ok sir. Please follow me.” Magalang na sabi ng waiter na naka neck tie na pula at puting long sleeves na polo at itim na slacks. Kakulay ng neck tie nito ang mga table sheets at ang pader.

May malaking chandelier sa pinaka gitna ng restaurant na isang malaking square. Dance floor siguro? Bawat lamesa ay may fresh na bulaklak sa gitna at lamp na may ilaw. May ilan ding mga kumakain karamihan ay couple.

Dinala kami ng waiter sa isang bilog na lamesa na may upuang magkaharap sa bawat dulo ng la mesa. Inusog palabas ng waiter ang upuan at nilahad ang kamay niya don saka tumingin sakin.

Umupo naman si Alexis sa kabilang upuan at nangalumbaba. Umupo ako sa upuan na hawak ng waiter at naramdaman kong bahagya niyang tinulak papasok iyon.

“What do you want?” sabi sakin ni Alexis na titig na titig sakin habang nangalumbaba.

Nailang naman ako sa ambiance na restaurant na ito. Lalo na sa titig ni Alexis. “Hindi ba masyadong mahal dito?” bulong ko kahit medyo malayo ang agwat namin sa isat isa. Nasa kaliwa ko ang waiter na sumenyas sa kung sino sa counter.

“Nope.” Sabi lang nito na inabot sakin ang menu na inabot sa kanya ng isang waiter pa.

Ibinuklat buklat ko ang menu. Oh gosh. 500.. 600.. 1000. Wala bang value meal? Ung 39ers? Kahit ala carte lang? At saka, ano ba to ? French ? Italian? Hindi ko magets mga nakasulat.

“HRM? Hindi alam ang mga yan?” natatawang sabi sakin ni Alexis.

How to live with Mr. Arrogant 101 [COMPLETED!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon