Lesson 40

5.7K 133 5
                                    

"Ano bang gusto mo, Matt? Wala ka na ba talagang konsiderasyon sa tatay naten?" Bulyaw ni Jasmine na humarang sa ama.

"Bakit pinagtatanggol mo ang matandang yan, Jas? Hindi ba ginagago din niya ung mana mo?" Sigaw ni Matt na hindi inaalis samin ang pagkakaturo ng baril.

Halos lumabas na sa dibdib ko ang puso ko sa sobrang kaba. Utang na loob, author, tapusin mo na ung action na to. Kainis ka naman eh. Love story to diba?

"Matanda na si daddy, Matt. Kung anuman ang ginawa niya sa mana naten, nakabase yun sa kung panu naten ihandle ang pera." Sigaw ni Jasmine.

"Sa bastardong yan niya pinamana ang buong bahay na to, pati na din ang 50 percent ng pera sa kompanya. Maghahati tayo sa 50, Jasmine? Yun ba ang gusto mo?" Bulyaw ulit ni Matt.

"Kung yun lang ang maibibigay ni daddy. Makokontento na ako. Pinangsusugal mo ang kita ng isang hotel sa may tarlac, Matt kaya nalugi at nagsara ang branch doon."

"Manahimik ka! Wala akong pakealam sa sinasabi mo. Nakita ko ang official last will testament ni daddy na hawak mismo ng bastardong yan!"

"Wag mo siyang tawaging bastardo!" Hiyaw ng tatay nila.

"See?! Pinagtatanggol niya ang bastardong yan!" Histerya ni Matthew.

Gusto kong sumigaw para manahimik na sila. Para matapos na. Pero makakatulong ba yun? Mapapatigil ba si Matthew ng sigaw ko? Kahit mismo mga kapamilya niya ay di iyon magawa.

Nagulat na lang ako ng pasekretong inabot ni Alexis sakin ang cellphone niya.

"Text andrew an asterisk. He knows what that means." Bulong ni Alexis sakin habang pinapakiusapan ni Jasmine si Matthew.

Nagmadali akong magmessage kay Andrew. Hindi ko makita ung pangalan niya sa contacts. Asan na ba? Ayun. Sen-

"Pinagpaplanuhan niyo akong ipahuli sa pulis?"

Nagulat na lang ako ng hablutin sakin ni Matthew ang cellphone kahit nakaharang si Alexis. Akala ko ba ipagtatanggol ako ng taong to? Hindi ko nga alam kung nasend pa kay Andrew un eh.

"You're texting Andrew? No way, bitch." Tinapon ni Matthew ang cellphone ni Alexis sa kung saan saka ibinalik ang tutok ng baril kay Alexis.

"Hinding hindi mo makukuha ang mana mo. You don't deserve it. Ni hindi mo ginagamit ang apelyido ni daddy!" Sigaw ni Matthew.

Ayoko na talaga. Nawawalan na ako ng pag asa. Parang teleserye lang ang peg namin ngayon dito.

"Ako ang may sabing huwag gamitin ang apelyido ko dahil un ang huling hiling sakin ng nanay niya. It's not his fault son. Ni hindi niya na experience ang pagmamahal ko dahil hindi siya katulad niyo na malapit ang loob sakin. And you have the house and the farm in Ilocos." Pautal utal na sabi ni Mr. Felix sa anak sa pagsusubok na baguhin pa ang isip nito.

"No! Wala akong pakealam sa Ilocos or ano. Hindi dapat siya pinamanahan dahil bastardo siya!"

Tumayo si Alexis na kinatingala ko. Hinawakan ko ang kamay niya. Hinawakan din niya ang kamay ko as if dun siya humuhugot ng lakas.

"Simula ng mga bata pa tayo, binigay ko na lahat ng gusto mo. Dad's affection pati nga nanay ko eh, bago siya mamatay, hindi ko pinag damot sayo. Pati mga laruan at mga alaga kong hayop binigay ko sayo kahit lagi mo akong binubully. Even Kathy na alam kong mahal na mahal ako ay inagaw mo sakin. Hindi ka makontento sa kung anong merun ka, Matthew." Mahinahon na sabi ni Alexis.

"Because i deserve it all! At hindi ako ang umakit kay Kathy, siya ang unang lumapit sakin. Malandi si Kathy kaya ka niya iniwan. At isa pa, wala ka kasing kwentang tao."

"sa pagiging selfish at gahaman mo sa kayamanan, sino ngayon ang walang kwentang tao?"

"Hayup ka, papatayin kita!" Sigaw ni Matthew na nanginginig na tinutok kay Alexis ang baril.

Alexis ran towards Matthew para makipagagawan sa baril. I almost fainted at the thought na posibleng mabaril ni Matthew si Alexis.

"Alexis! Matthew, tama na yan!" Halos sabay sabay naming sigaw na tatlo. Gusto kong tumayo pero nahihilo at nanghihina ako sa mga nangyayare.

Patuloy pa din sila sa pag aagawan ng baril na halos mauntog untog na sila sa pader at sa mga kasangkapan sa kwarto na iyon.

At isang putok ng baril ang umalingasaw sa paligid kaya napatakip ako ng tenga.

"Matthew!"

Napatingin kaming lahat sa pinto pati na din ang dalawa. It was a warning shot na ginawa ni Andrew na may kasamang limang lalaki sa likod na pare parehong nakaitim at nakatutok ang baril kila Alexis at Matthew.

Matthew froze. At ilang segundo ang lumipas, lumayo si Alexis kay Matthew at tinutok ang baril sa kapatid.

"You shouldn't play with this toys, Matt." Hingal na sabi ni Alexis na sumigdal kila Andrew na damputin na si Matthew at ilabas ng kwarto.

Pinwersa ng dalawang lalaki si Matthew na paluhurin habang nakatutok ang mga baril sa kanya. Matapos posasan ay pinatayo at lumabas ng ito ng kwarto.

"Oh, diba? Para lang daw may suspense sabi ng writer." Sabi ni Jasmine na iniharap sakin si Don Felix. (Iba iba na tawag ko hahahah! Sorry) putlang putla ang matanda sa takot na baka mapahamak ang mga anak.

"Salamat sa diyos at tapos na ito." Bumuntong hininga ang matanda na parang kanina pa tinitiis na wag huminga sa sobrang tense.

Lumapit sakin si Alexis at niyakap ako. "Im glad we're all okay." Bulong ni Alexis na hinalikan pa ang buhok ko. Kumapit lang ako sa braso niya at tahimik na nagpasalamat dahil natapos na ang action sa istoryang ito.

Christmas.. 2 weeks later..

First Christmas namin ni Alexis sa iisang bahay. Namili na ako ng pang handa dahil sa bahay daw mag cecelebrate ng pasko ang mga naging kaibigan namin sa istoryang ito.

Kasama kong nag grocery si Lea. Habang si Joey at Alexis ay pinabili namin ng xmas decorations.

"Sigurado ka ba? Pantay?" Sigaw ni Alexis kay Lea habang nakatungtong sa taas ng bangkito at naglalagay ng mga garlands at xmas balls na binili nila.

"Oo nga. Wala ka bang tiwala sakin?!" Bulyaw ni Lea na namewang pa.

Napailing na lang kami ni Joey. Si Joey ang tumulong sakin magluto dahil marunong din siya. Ung dalawa sa sala, marunong lang kumain.

"I'm glad everythings okay na with alexis' family." Nakangiting sabi ni Joey habang nag hihiwa ng gulay para sa pancit.

Nakulong lang naman kasi si Matthew. Mabuti na din un para peace on earth kami. Kahit na daw anak ni Don Felix si Matthew ay hindi daw niya kukonsintehin ang mga pagkakamali nito.

"Ako din. Sana tuloy tuloy na to." Sabi ko na lang saka nginitian si Joey.

"Wag kang mag alala, sa susunod na taon, mas marami pang magaganap na mas maganda."

"Sana nga.."

Alas diyes na ng dumating si Jasmine at Angeline na kasama si Andrew na hindi naka itim ngayon. May dala silang champagne at buong gabi kaming nagkwentuhan at nagsaya para birthday ni Jesus Christ. At sa celebration na din ng pagiging maayos ng lahat.

How to live with Mr. Arrogant 101 [COMPLETED!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon