LESSON 28

5.3K 140 1
                                    

CHAPTER 28

 

Ang sumunod na linggo ay naging dahilan para makalimutan ko ang lahat ng nangyare nung nakaraang linggo. Naging busy ako sa finals, sa work at sa term papers na kelangang ihabol sa mga professors ko na warfreak. Mabuti na lang at karamihan sa kanila ay kinonsider ako dahil na din sa mga pasa ko sa mukha. Kelangan ko tuloy magsuot ng scarf kahit ang init init dahil sa kissmark na nasa leeg ko. Badtrip kasing buhok to, bakit ba hindi ako nagpapahaba ng buhok?

Actually, mahaba ung buhok ko bago ako umalis ng probinsya, nung dumating ako dito sa maynila, dun ako nagpaikli ng buhok. Gusto ko lang kalimutan na once in my life tinangka akong ipakasal ni Daddy sa isang matandang may sex video. Kinilabutan nanaman ako sa isiping iyon.

Natapos na ang lahat ng dapat gawin, next week ay sembreak na. Plano kong umuwi sa probinsya hanggang sa last day ng sembreak para makapagpahinga. Siguro’y panahon na para umuwi. Siguro’y panahon na para harapin ang mga magulang ko. Isang taon na lang at gagraduate na ako sa kolehiyo at maipapkaita ko na sa kanila na kinaya ko kahit wala ang mga ari-arian ni Mang Kanor.

“Ang lalim ng iniisip mo ha?”

Napapitlag pa ako ng magsalita si Lea mula sa likod ko. Lumipat siya sa kaharap kong upuan at dun umupo at nilapag ang bagpack niya sa lamesang nasa gitna namin na gawa sa narra.

“Anong nangyare sayo? Anong nangyare sa mukha mo?” nag-aalalang tanong niya na lalapit sana para hawakan ang mukha ko pero natigil din sa ere ang kamay niya at binawi na lang ulit.

“Nalaglag ako sa hagdan sa apartment. Di ko akalaing may balat ng saging sa daan eh.” Well, minsan kelangan mo ding magsinungaling diba?

Napatango siya. Siguro’y naniwala na din siya. Kilala ako ni Lea. Hindi siya maniniwalang naging lampa ako dahil hindi ako ganun. Pero siguro’y nahalata niya na ayokong pagusapan ang mga ganung bagay.

“Anong gagawin mo sa sembreak?” tanong na lang niya na halatang binabago lang ang usapan.

“Uuwi akong Zambales.” Sabi ko lang na kinain na ang sandwich ko. Yun lang muna ang hinanda ko. Iniwan ko ang kay Alexis sa lamesa para hindi na niya ako kulitin pa dito. Hindi ko na siya naaabutan sa umaga. Sa buong Finals week ay minsan ko na lang siyang abutan sa umaga. Sa gabi kasi’y pag dumadating ako galing sa work ay wala na siya. Pag nagigising naman ako sa umaga, late na siya nagigising kaya hindi ko na siya inaabalang gisingin pa.

“Sama ako ha?” sabi ni Lea na inagaw sakin ang sandwich at kinagatan iyon .”Ikaw gumawa? Ang sarap ha?”

“Sino pa ba ? Si Alexis? Naku kahit itlog nasusunog nun,” sabi ko na lang. at uminom ako sa juice.

“So pwede akong sumama?” pangungulit pa din ni Lea.

“Hindi! Ako lang uuwi.”

Sumimangot si Lea at ginawa ang ‘nakakaawa’ look niya.

“Alam mo, kahit gawin mo yan hindi ka pa din pwedeng sumama.” Nangingiting sabi ko. I missed her. Siguro’y si Lea lang ang kelangan ko para maging Masaya. Saka yung mga yakap ni Alexis.. At si Alexis na din mismo.

How to live with Mr. Arrogant 101 [COMPLETED!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon