LESSON 8

6.2K 153 2
                                    

Chapter 8

Charmaine's POV  

Alas Syete na. Wednesday. Alas otso pa ang pasok ko. Parang ang bigat bigat ng pakiramdam ko.

Shut Up.. And then his lips met mine...

Parang nabuhusan ako ng malamig na tubig. Agad akong bumangon at tumakbo sa kusina at nagmadaling magluto.

Damn you Alexis! Damn you for stealing my first kiss.

"Good Morning."

Natigil ako sa paghihiwa ng sibuyas at dahan dahang napalingon sa lalaking may ari ng morning voice na iyon.

"What's for breakfast?" lumakad siya palapit sakin .

Pero bago pa siya makalapit ay iwinagwag ko sa harap niya ang kutsilyo . "AHh!!! Subukan mong lumapit!! Lalasunin kita!! Bastos ka!" sigaw ko.

Natatawang itinaas ni Alexis ang dalawang braso "Ok. Ok. Mamaya masaksak mo ako, sige ka. Kakasuhan kita ng murder." Saka nagpunta sa upuan sa dining table.

"Kung makareact ka parang first kiss mo yun." Sabi pa nito bago tuluyang umupo.

Hindi ako nakapagsalita. Yes. It was my first kiss... Napayuko lang ako at laylay ang balikat na bumalik sa pag hihiwa.

"It was your first kiss?" biglang tanong ni Alexis.

Napalakas ang pagtadtad ko sa sibuyas. Halos lumabas ang usok sa mga butas ng ilong ko sa sobrang pagkapahiya.

He chuckled. Agad akong napalingon sa kanya. "So? Eh ano kung first kiss ko yun! Wala ka ng pakealam."

Natatawang tumayo si Alexis at dahan dahang naglakad papunta sakin. "I'm just proud. Na ako ang first kiss mo. Biro mo, you hated me dahil niloko ko ang best friend mo. Pero ako pa din ang first kiss mo."

"Hindi yun big deal Alexis. Kaya kung big deal sayo, problema mo na yun!" Hinawi ko siya patabi pero hindi siya natinag.

"Kaya pala ganyan ka. Kung hindi big deal, bakit nagkakaganyan ka?" Lumalapit na siya sakin. Ayan nanaman ung aura niya. Tss tss tss

"Lumayo ka sakin." Kalmadong sabi ko pero sa loob loob ko, natataranta na ako sa ginagawa ni Alexis.

"Should we try the kiss for the second time? Don't worry. Mas passionate na ito kesa nung una." Isang nakakalokong ngiti ang ginawa ni Alexis saka ipinatong ang mga kamay sa counter. Na-corner niya ako!

Napahawak din ako sa counter yumuko at pumikit. "Bastos ka talaga eh!" Malakas ko siyang tinapakan sa paa.

Ayun! Napayuko siya sapo ang paa kaya tumakbo ako papunta sa sala.

"ARAY!!!" sigaw niya.

"Ha!! Kala mo ha!?!!? Bleeeh!" mabilis akong tumakbo papunta sa CR at nilock iyon. Napasandal ako sa pinto ng CR. I felt that weird urge of wanting. Twice! At hindi ko alam ang tawag sa pakiramdam na to dahil ngayon ko lang to naramdaman. At ang pagiging close ni Alexis sakin ang dahilan.

Napatingin ako sa salamin. Pulang pula pa din ang mukha ko. Tinampal tampal ko ang mukha ko. Dalawang linggo na lang. Wala ka na sa buhay ko Alexis. Dun ka na ulit sa unit mo!

Matapos kong ayusin ang sarili ko ay lumabas na ako ng banyo ng maamoy ko na amoy sunog at may usok na nanggagaling mula sa kusina.

Agad akong napatakbo dun para makitang kalmadong naghuhugas ng plato si Alexis pero umaapoy na ang kawali.

"Oh my God Alexis!!" nasabi ko na lang saka kumuha ng tuwalya mula sa laundry basket na nasa tabi ng ref at binasa iyon ng tubig sa lababo at hinampas hampas sa kawali.

How to live with Mr. Arrogant 101 [COMPLETED!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon