CHAPTER 31
Nagising ako na may humaplos sa pisngi ko. Napaungol ako at dahan-dahang minulat ang mga mata ko. Si Mommy pala. Nakaupo siya sa gilid ng kama ko at siya ang humahaplos sa pisngi ko.
“Mie.” Mahinang sabi ko habang umuupo.
“Namiss ko ang prinsesa namin.” Nangingiyak na sabi ni mommy habang nakatingin sa mukha ko. Sabi ng mga kamaganak namin, mas kamukha ko daw si daddy. Matapang daw kasi ang mga mata ko. Pero ang kulay ko at ang hugis ng mukha ay kay mommy ko nakuha. Namiss ko ang mga yakap ni mommy at ang pag-aalaga niya.
Sa loob ng tatlong taon, nagawa kong buhayin ang sarili ko na kahit kelan hindi ko naimagine na gagawin ko sa ganung edad. Namiss ko yung pag-aalaga ni mommy at ang mga luto niya.
“Sorry po kung pati sa inyo hindi ako nakapagpaalam ng maayos.” Sabi ko na mangiyak ngiyak.
“Alam mo bang halos mamatay kakahanap sa iyo ang papa mo. Akala namin nandun ka sa tita Lourdes mo sa Manila pero wala ka doon ng tanungin namin. Lumuwas pa ang daddy mo magisa at hindi nagpapaalam sakin. Pagbalik ay hinanap ka daw niya.”
Napalunok ako ng maisip ang paghihirap ni daddy para hanapin ako. Napakalaki ng sama ng loob na binigay ko sa kanya.
“Pero mga ilang buwan ang lumipas, naintindihan niya ang gusto mong ipaintindi sa kanya. Pinuntahan niya si Mang Kanor at sinabing hindi na itutuloy pa ang kasunduan. Nagalit si Kanor pero sa ngayon ay nakahanap na siya ng mapapangasawa. Si Aling Ester.”
Muntik na akong maubo sa sinabing iyon ni Mommy. “Ho? Si Aling Ester ho?”
“Oo. Ilang linggo lang ang lumipas, namatay si Ka Imyo sa sakit na TB. Ayun at nung nakaraang taon, nabalitaan na lang namin na kinasal na sila.”
Nalungkot ako sa balitang namatay na ang asawa ni Nana Ester. Hindi sila nagkaanak dahil may deperensya si Mang Imyo kaya ako ang tinuring na anak ni Nana Ester. Pero Masaya din dahil hindi na ipipilit pa ni daddy ang gusto niya.
“Masaya kami at umuwi na ang prinsesa ng bahay na ito.” Nakangiting sabi ni mommy sakin. “Halika na at ipinagluto ko kayo ng mga kaibigan mo ng almusal. Natutuwa ako at may kasama kang umuwi dito saten. At least, makikita niyo ang magandang karayan dun sa bayan.” Nakangiting sabi ni mommy na tumayo na akmang lalakad na sa pinto ng tawagin ko siya. Nilingon niya ako at agad akong tumakbo palapit sa kanya para yakapin siya.
BINABASA MO ANG
How to live with Mr. Arrogant 101 [COMPLETED!]
Teen FictionGugustuhin mo bang tumira sa iisang bahay kasama ang isang gwapong arogante? A story that will teach you on HOW TO LIVE WITH MR ARROGANT!