CHAPTER 3
Charmaine's POV
"Nakahanap ka na ba ng mauutangan mo?" malungkot na sabi ni Lea kinabukasan.
Grabe. Hindi ako nakatulog kagabe sa kakabantay sa pwedeng gawin ng mokong. Hinati namen ang sala ng puting Kurtina. Pati nga paanan ko nilagyan ko ee. Parang balot na balot lang. Atleast may parang kwarto na ako. Kurtina nga lang ang pader. Ewan ko kung san nakakuha un ng higaan. Basta ang alam ko pakiramdam ko hindi ako safe sa sarili kong bahay.
"Hoy!" tinapik ako sa braso ni Lea. Napalingon ako sa kanya.
"Ano ba!?"
"Hindi ka nakikinig sakin eh! Ano bang nasa isip mo?"
"Wala. Ano bang sinasabi mo?"
Bumuntong hininga si Lea. "May pambayad ka na ba sa upa mo?"
Natahimik ako. Sinabi kong walang makakaalam na nakatira kami sa iisang bahay. Lalo pa kay Lea. Malamang inlove pa din to kay Alexis. Tinatago lang nito para hindi ko na siya pagalitan.
"Pumayag si Miss Betty na next month ko na bayaran." Nauutal kong sabi.
"Naku mabuti naman! Nagalala ako eh. Kung gusto mo kasi dun ka na lang sa bahay."
"Nakakahiya naman nu. Hindi na. Mas titira na lang ako sa bangketa kesa naman maging abala pa ako sa inyo."
"Asus. Tatlo lang kami sa bahay. Puro pa kami babae. Kelangan namin ng lalaki dun."
"So, anong tingin mo sakin, Lalaki?"
"Ikaw nagsabi niyan." Bumungisngis ng tawa si Lea bago buksan ang baon. Nasa Cafeteria kame kumakain dahil puno na sa field na may tambayan ng mga estudyante at pwedeng kumain dahil may mga lamesa at upuang gawa sa kahoy.
Nang buksan ko ang bag ko ay dalawa ang baunan ko. Oh no. Nasakin ang baunan ni Alexis. Baka kunin niya to sakin mamaya. Napalinga-linga ako sa paligid.
Wala pa naman si Alexis dito. Tinanung niya ako kaninang umaga kung san ako kumakain at sinabi ko na dito sa Cafeteria.
Naku. Baka pag nalaman ni Lea na nasakin ang baunan ni Alexis, baka malaman niya na nakikitira sakin ang binata. Noooo!!!
"Anong-" akmang magsasalita si Lea ng matigilan ito at napatingala sa likod ko. "Alex.."
"My lunch." Boses mula sa likod ko iyon.
Dahan dahan akong napalingon. Nakayuko sakin si Alexis na nakalahad pa ang kamay. FROZEN. Un ang nangyare sakin. Namutla talaga ako ng bonggang bongga!
Napatingin ako kay Lea na takang nakatingin sakin.
Maya-maya naramdaman ko na umupo sa tabi ko si Alexis at kinuha ang bag ko. Hinalungkat iyon sa loob.
"Hey!" sigaw ko.
Dahan dahan niyang itinaas ang baunan na nakabalot pa sa plastic. "Thanks." Sabi lang nito at tumayo na dala ang baunan saka lumabas na ng cafeteria.
Pareho kaming hindi nakapagsalita ni Lea sa nangyare. Tahimik kong kinuha ang baunan ko sa bag saka dahan dahang kumain.
"Hooooy!" sigaw ni Lea na kinalabit pa ako at umatungal na parang bata. "Ano yun ha? Bakit na sayo ung baunan ni Alexis??"
Nag-isip ako ng palusot. Hindi pwedeng malaman ni Lea na nakikitira sakin si Alexis. "Ahh.. Err.. Wala. Naka banggaan ko kasi siya kanina. Tapos nalaglag sa bag niya ung baunan niya."
"panu niya nalaman na nasayo ?"
"Hindi ko din alam. Tara kain na tayo." Binuksan ko na ang baunan ko "Sarap naman nito!" Nagluto ako ng Chicken Curry kanina dahil un ang request ng senyorito Alexis makapal ang mukhang walang kwentang tao.
BINABASA MO ANG
How to live with Mr. Arrogant 101 [COMPLETED!]
Teen FictionGugustuhin mo bang tumira sa iisang bahay kasama ang isang gwapong arogante? A story that will teach you on HOW TO LIVE WITH MR ARROGANT!