CHAPTER 10
"So nagkakasakit din pala ang Charmaine The great wall of China Gonzales." Natatawang sabi ni Lea. Kinagatan ang hawak na chicken sandwich. Nasa cafeteria kami noon at magkaharap na kumakain.
Kinabukasan, magaling na ako. Of course pinagluto ko na si Alexis ng breakfast at lunch. Kawawa naman eh. At siya pa ang nag-alaga sakin.
"Maybe magaling ung nurse mo. Binibigay niya ba sayo ung gamot habang naka-apron lang siya at wala siyang ibang suot maliban doon?"
Kulang na lang ay sakalin ko si Lea dahil sa biro nito. Humagalpak nanaman siya kakatawa.
"Nung nagkasakit ba ako, nung ikaw nag-alaga sakin, madaldal ba ako habang nag kukumbulsyon?" pagiiba ko sa usapan.
Bahagyang nagisip si Lea. "Oh yea. Kapag may sakit ka, super honest ka sa sarili mo. You cried at sinabi mong namimiss mo na daddy mo at napapagod ka na." she pauses. "Awang awa nga ako sayo nun kaya hindi kita iniwan hanggang sa magising ka at kaya mo ng tumayo."
So, totoo nga. Nagsasalita na ako pag malala na ang lagnat ko. So? Eh hindi naman totoo na Mahal ko si Alexis.
"Wait. Nag confess ka ba kay Alexis habang kinukumbulsyon ka ?" nakangiting sabi ni Lea.
"No! of course not. Hindi ko kaya siya mahal!" sabi ko in a defensive way which I am aware of.
"Oh, you can't lie to me Miss Gonzales. Eversince the world began magkaibigan na tayo."
"I'm not lying Ley. Hindi ko nga gusto ung Alexis na un eh. He's not even my type."
"Oh really? Ano bang klase ng lalaki ang gusto mo."
"The complete opposite of Alexis Buenaflor!"
"Panget? Mahirap? Mataba? Mabaho? Maitim?"
"Kung ganun nga ang opposite ni Alexis? Yes! Dahil hindi niya makukuha ang pagiging arogante at bastos niya!"
Lea giggled.
"What's funny?" Iritable kong tanong.
"Oh well, Sabi ko'y panget, mahirap, mataba, mabaho at maitim. And you find those the opposite of Alexis. So, you find him attractive?"
Nanlaki ang mga mata ko sa gulat sa sinabi ni Lea. "Of course not! Sabi ko, KUNG GANUN NGA! Hindi ko sinabing ganun nga" do I sound defensive? Diniinan ko kada salita ng nakacapslock. Para damang dama niya.
"Well, totoo nga ang kasabihang the more you hate, the more you love." Siniko pa ako ni Lea.
"Manahimik ka nga jan. Yan ka nanaman sa malaki mong bunganga eh."
Sinuntok niya ako sa braso. "Oh, tignan mo kung sinong pikon."
Lea Pouted. Nginitian ko na lang si Lea. Hindi ko naman talaga mahal si Alexis. May mga times talaga na naiilang ako at nung una naming pagkikita, nag slow-mo nga ang paligid pero hindi atraksyon iyon.
"Kamusta naman ang scholarship mo?" tanong ni Lea.
"Oh well, warning na dahil mababa ang midterm ko sa Accounting 2. Badtrip lang kasi wala akong mahanap na tutor."
"Hay naku girl, wag mo akong asahang magtutor sa accounting dahil kahit ako, hindi marunong jan."
"Kasi pag nagenroll ako sa tutorial class, thirty three thousand ang magagastos ko sa anim na linggong tutor. Eh halos wala pa yun sa sinasahod ko sa isang taon."
BINABASA MO ANG
How to live with Mr. Arrogant 101 [COMPLETED!]
Teen FictionGugustuhin mo bang tumira sa iisang bahay kasama ang isang gwapong arogante? A story that will teach you on HOW TO LIVE WITH MR ARROGANT!