Sa sobrang curious ko kung bakit biglang nagyaya ang loka loka na manuod ng sine ay nagmadali na akong mag ayos.
Wala pa naman yung mga paborito kong movies. Hindi pa showing. Ahh, baka may libre siyang tickets at mag eexpire na ngayon. O di kaya, iaannounce na nila ni Joey na sila na kasi sabi niya, mag aantay kami eh.
Baka nga yun na. Napangiti ako sa isiping iyon. Kami kaya ni Alexis? May future pa kaya tong MU MU han namin?
Sana naman, merun. aba, pinaglalaruan lang niya feelings ko kung di niya ako liligawan nu?
Saka bakit nga pala bigla siyang umalis? Ipapakain niya sakin ung pagkaing nasa mesa tapos bigla siyang aalis. Ano to, joke?
Matapos kong magbihis at mag ayos ng konti sa mukha ay lumabas na ako ng bahay.
Bago ako bumaba, sinilip ko ang pinto ni Joey. Nakalock nga. Lalo akong npangiti. Baka nga si Lea at Joey na kaya manlilibre ng sine ang dalawa.
Nag ha hum pa ako habang naglalakad ako papunta sa sakayan ng bus papunta sa mall kung saan sinabi sakin ni Lea na pumunta ako.
Gusto ko din magkalove life bago man lang mag end of the world. Ilang buwan lang ung lumipas, dati galit na galit ako sa usapang love. Kahit nga sa word na crush eh. Pakiramdam ko kasi walang ganun. Sa utak lang yun ng tao. Pero pag naexperience mo yun, parang ang saya saya sa pakiramdam.
Nang marating ko ang sinehan, nasa labas na ng entrance ang tatlo. Dito pala pupunta ang mokong at aroganteng Alexis na to, hindi pa ako sinabay. Kaloka.
"Charm!" Sigaw ni Lea na kumaway sakin. Kumaway din ako at patakbong lumapit sa kanila.
"Ano bang merun at manlilibre ka ng sine?" Tanong ko ng makalapit ako sa kanila.
Nagtinginan si Lea at Joey na nakangiti sa isat isa. Sinulyapan ko si Alexis na parang aburido. Naiinget lang siguro to. Ligawan mo na kasi ako. Plittthhh!
"Naalala mo yung sinabi ko sayong magkakaboyfriend na ako after nitong school year?" Nakangiti pa ding sabi ni Lea na tumingin na sakin.
"Wag mong sabihing kayo na?" Nagpanggap akong nagulat dahil kawawa naman tong si Lea kung masisira ang surprise niya sakin.
"Hindi pa. Pumayag na akong magpaligaw sa kanya." Kinikilig na sabi ni Lea na parang tatalon sa sobrang tuwa.
"Magpapaligaw ka pa? For sure niyan after ng movie na to, kayo na." Natatawa kong sabi na nginitian pa si Joey.
"Yan din ang sabi ko sa kanya eh." Natatawang sabi ni Joey. Natawa na din ako. Hinampas ni Lea si Joey sa braso pero natawa na din ng akbayan siya ni Joey. Ang sweet.
"Ano? Manunuod ba tayo o hindi?" Masunget na tanong ni Alexis saka pumasok na sa loob.
"KJ." Bulong ko habang hinahabol ng tingin si Alexis.
"Kanina nakangiti pa siya. Ngaun aburido na. Anyare dun?" Takang tanong ni Lea.
"Naiinget lang yun. Di mo pa kasi sinasagot eh." Baling sakin ni Joey.
"Hindi naman nanliligaw yun nu." Sabi ko na lang saka naglakad na din papasok ng sinehan kasunod sila Lea.
"Bakit ba naman kasi ang dense niyo pareho?" Si Lea na sinabayan akong maglakad sa medyo madilim na pasukan ng sinehan.
"Dense? Ako? Baka siya!"
"Ay naku! Kung ako sayo, ikaw na ang sumunggab. Sayang yan. Pag nawala yan, maraming susunggab jan."
"Hoy! Wag mo nga akong itulad sayo. Sapakin kita eh."
Natawa lang si Lea saka parang nakita si Alexis na nagmamadaling lumapit dun. Umupo si Lea na may isang upuang bakante sa pagitan nila ni Alexis. Umupo naman si Joey sa kaliwang tabi ni Lea.
BINABASA MO ANG
How to live with Mr. Arrogant 101 [COMPLETED!]
أدب المراهقينGugustuhin mo bang tumira sa iisang bahay kasama ang isang gwapong arogante? A story that will teach you on HOW TO LIVE WITH MR ARROGANT!