CHAPTER 13
"Times up!"
Dali dali naming pinasa ang mga papel papunta sa harapan. Nabalance ko. At alam kong tama ang lahat ng ginawa ko. Gusto kong tumalon sa tuwa.
"Oh ano? Kamusta exam?" nakangiting sabi ni Lea sakin bago kami lumabas ng room.
"Easy. Pakiramdam ko mapeperfect ko ung exam."
"Uhhh! Sheet! Ang hangin!"
Pinalo ko siya sa braso. "Tinutor-an ako ni Alexis buong gabi. Alas dos na ako nakatulog."
"Naks! Getting to know each other stage na sila!"
"Gagi. Syempre hindi nu! Ikaw ang may kasalanan! Sinabi mo sa kanya ang tungkol sa accounting ko!"
"Teka? Diba dapat magpasalamat ka sakin dahil kung hindi ko binanggit kay Alexis to, hindi ka niya matuturuan. Hindi ka makakapasa!"
Napaisip ako. "Sabagay, pero kahit na! Sana sa iba mo na lang binanggit ung tungkol dito sa accounting ko!"
"Ewan ko sayo Charm! Bakit ka ba galit na galit kay Alexis? Eh nakamove on na ako dun!"
"Eh dahil naiinis ako sa pagiging arogante niya! Pugante siya! Mandarambong! Bastos! Hudas! At higit sa lahat, manyak!"
"Bakit? Minolestya ka na ba niya? Don't you dare tell me na may nangyare na sa inyo? Naku Charm ha! Iwas-iwasa-"
Natigil ang sinasabi ni Lea ng kotongan ko siya ng pagkalutong lutong.
"Aray ko!" hinimas niya ang ulong natamaan. "Yan ang puhunan ko Charm, wag mong kinokotangan!"
"Puhunan? Wala ka ngang ganyan puhunan pa ? Tara na nga! Umuwi na tayo. Hindi ako papasok ngayon sa trabaho."
"Bakit naman?"
"Tinatamad ako. Parang inaantok ako na ewan."
"Wag mong sabihing magkakasakit ka nanaman? Hayaan mo. Anjan naman si Prince Alexis mo para alagaan ka. Ayiee!" Siniko niya ako
"Alam mo, kahit kelan yang bunganga mo, ang lapad. Parang kasya jan ang isang malaking truck ng basura."
"Ang sama ng ugali mo minsan, nu!"
"Palagi kamo!"
Ngumuso si Lea ako nama'y natatawang nagpauna sa kanyang lumabas ng room.
Dala ang mga groceries para sa ulam mamaya, umakyat ako ng second floor. Grabe. Minsan magpapasama ako kay Alexis para siya ang tagabitbit ng lahat ng ito.
Nang lumiko ako papunta sa unit ko ay napansin kong nakaupo at nakasandal sa may pinto si Joey.
"Oh? Bakit nanjan ka?" tanong ko habang sinususian ang pinto. Peste kasing Paper bag to. Bakit ba nauso to? Maganda na nga ung plastic e. Binaba ko muna ang apat na paper bag na dala ko saka sinusian ang pinto.
Tumayo si Joey at lumapit sakin. "Charm, pwede bang makibanyo. Nawawala kasi ung susi ng lock ko ee. Tinawagan ko pa si Tita mamaya pa daw siya makakadaan dito."
Nag-isip ako saglit. "Sige. Pasok ka muna. Dito ka na maghintay."
"Naku. Thank you! Ako na magbubuhat nitong mga groceries mo."
"Thanks."Since apat na paper bag iyon, tig dalawa lang kami. Para naman hindi nakakahiya sa kanya.
Nilapag namin sa lamesa ang mga paper bag saka tumakbo siya sa CR. Mabuti na lang hindi na ako nagiiwan ng 'banderitas' sa CR simula nung lumipat si Alexis. Nakakahiya naman kung Makita niya mga panty kong hello kitty.
BINABASA MO ANG
How to live with Mr. Arrogant 101 [COMPLETED!]
Teen FictionGugustuhin mo bang tumira sa iisang bahay kasama ang isang gwapong arogante? A story that will teach you on HOW TO LIVE WITH MR ARROGANT!