LESSON 34

5.4K 133 1
                                    

CHAPTER 34

 

Last day na namin sa probinsya. Ung dalawang linggo kong bakasyon ay naging apat na araw lang dahil sa tawag ng boss ko. Pinapapasok ako dahil nag AWOL ang isang kasamahan ko at nangangailangan ng tao. Kundi daw ako uuwi, matatanggal daw ako.

Wala pa naman akong ibang papasukan. Kaya din naman ako pumunta dito sa probinsya ay para magkaayos kami ng pamilya ko, lalo na si daddy. At since nangyare na  yun pati na din kay Alexis na gustong gusto ni daddy, siguro’y pwede na kaming umuwi.

Pero bago kami umalis ay napag-isipan namin na magikot muna sa manggahan na kelangang dumaan sa gubat. Manggahan nila Mang Kanor iyon na marami daw bunga at pwede daw kaming mag-uwi. Kahapon ay nagpunta na kami sa sementeryo para dalawin si Ka Imyo na asawa ni Nana Ester.

At ang lokang si Lea ay akala mo kung sinong lampa. Palagi na lang nadadapa at nagpapasalo kay Joey na walang malay. Walang malay na ang gusto niyang babae ay may gusto na din sa kanya. Konting push na lang, baka magtapat na si Lea kay Joey the great torpe.

“hindi makakasama saten si Kaloy. Nilalagnat daw siya sabi ng nanay niya. Pero binigyan niya ako ng mapa.” Sabi ni Lea na winagwag ang mapa.

“mas maganda na yung tayo tayo lang para mas enjoy.” Sabi ni Joey na natapos na sa pagtali ng sintas ng rubber shoes.”

“Tara!” sigaw ni Lea na nauna ng lumabas.

Wala sila daddy at mommy dahil bumili ng mga iuuwi namin sa Maynila. Si Chris naman ay may practice ng basketball.

Sinundan namin ni Alexis sila Joey at Lea na masayang nagkukwentuhan. Wala kaming imikang dalawa ni Alexis pero si Joey at Lea mukhang nag eenjoy sa isa’t isa.

Ngumiti na lang ako sa isiping ang mga kaibigan ko din ang magkakatuluyan. Kung kami kaya ni Alexis? Nilingon ko si Alexis na nakafocus sa daan. Ang gwapo kahit pawisan na. Napangiti ako. Bakit ko ba siya mahal? Bukod sa physical appearance niya, masama ang ugali niya. Hindi. Moody lang pala siya. Hindi siya marunong magluto na isa sa mga katangian na gusto ko sa isang lalaki, marunong magluto.

Napabuntong hininga ako. Nakakahingal din pala maglakad ng halos 30 minutes. Narinig kong aakyat pa kami ng mababang bundok at tatagos kami nun sa makipot na ilog. Tapos may hanging bridge pa na 12 ft ang haba. At isang palayan pa, nandun na kami sa manggahan. Pero adventure yun na pare-pareho siguro naming gusto kaya napapayag kaming lahat ni Lea.

Nung nalaman niya kasi kay Nana Ester sa sementeryo na may manggahan ang asawa nitong si Mang Kanor ay agad niya itong gustong puntahan at magseselfie daw siya. Agad namang pumayag si Joey na chinallenge si Alexis na hindi umurong sa challenge. At since lugar namin ito, kelangan ko silang samahan.

Paakyat na ang dinadaanan namin. Wala na ring sementadong daan at puro puno na na iba’t ibang klase ang nadadaanan namin. Mahirap din pa lang umakyat sa bundok. Pag nanonood ako ng mga documentaries sa pag akyat ng bundok, parang madali lang. Hindi pala. Ang kipot ng pwedeng daanan at mga baging at sanga lang ang pwede mong kapitan para hindi ka dumausdos pababa.

“Dito lang ba talaga ang daan, Lea?” tanong ko na medyo nahuhuli na sa kanilang tatlo.

How to live with Mr. Arrogant 101 [COMPLETED!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon