CHAPTER 23
Parang naging bata ulit ako habang kasama ko si Angeline magshopping. Masaya siyang kasama. Well, actually, isang oras ang binyahe namin para pumunta sa isang mall sa Bulacan. Bakit kelangang sa bulacan? Hindi ko na tinanong. Sinundo kasi kami ng limousine na pagkahaba haba at pwede kang mag party sa loob. Ung parang sinakyan ng anak ni Napoles sa picture.
Isang mall sa Bulacan, dun kami nagpunta. Sale kasi ng 75% up kaya siguro dito kami pumunta ni Angeline. Pero mayaman siya diba? Bakit kelangan niyang humabol sa sale?
Naghiwalay muna kami ni Angeline ng landas pero hindi naman kami malayo sa isat isat. May nakita kasi akong magandang dress at siya naman sa mga bikini. Allowed ba magsuot ng mga ganun ang isang 15 years old? I don’t know. But, I guess basta maganda ung kutis mo at seksi ka, pwede ka ng magsuot kahit na 7 years old ka lang.
“Ang ganda-“ naputol ang sasabihin ko at napatigil ako sa paglalakad, ng may isang babae ang palapit sa damit na dapat kong kukunin. Kinuha niya iyon at mukhang susukatin dahil niyakap na niya iyon.
Lumapit ako sa kinalagyan ng damit kanina pero wala na kahit isang katulad ng ganung style. Hayy. Ang ganda pa naman nun. Pero mukhang mamahalin din kasi. Baka kulang pa tong pera sa bulsa para makabili ng ganung damit.
Hinanap ko na lang si Angeline pero hindi ko na siya Makita. Para kasing pasko ngayon sa department store. Andaming tao. Sa kakahanap ko kay Angeline at sa patalikod at paikot ikot kong lakad ay nakabungo ako ng isang tao.
Mabilis akong lumingon “Sorry.. Sorry..” nakayuko kong sabi. Kainis naman. Sino ba naman kasing normal na tao ang maglalakad ng patalikod at paikot ikot diba?
‘Oh, it’s you.”
Napatingala ako sa matangkad at morenong lalaki na nakabungo ko ngayon ngayon lang. Andrew.
“Hey! It’s you.” Surprised kong sabi. Totoong nasurprise ako. Pangalawang beses na namin nagkakabungo. Hindi kaya destiny na ito? Yie! Kakilig.
“Kamusta ka na saka ung boyfriend mo ? Kasama mo ba siya?” nangingiting sabi ni Andrew na binalik sa pagkakahanger ang pantaloon na tinitignan kanina.
BINABASA MO ANG
How to live with Mr. Arrogant 101 [COMPLETED!]
Teen FictionGugustuhin mo bang tumira sa iisang bahay kasama ang isang gwapong arogante? A story that will teach you on HOW TO LIVE WITH MR ARROGANT!