LESSON 5

7.8K 197 2
                                    

CHAPTER 5

Charmaine's POV  

Nagising akong mabigat ang pakiramdam. Alas dos na ako nakatulog kagabe. Isang mata lang ang dinilat ko at kinuha ang cellphone sa ilalim ng unan(yeah I know bad ilagay ang cellphone malapit sa ulo. Blah blah.) 6am..

Nag-unat muna ako bago tumayo. Bago ako makapasok sa kusina ay napatingin ako sa side ni Alexis. Gaya ko, kurtina na din ang pader niya. Iginigilid lang namin ang mga kurtina pag umaalis na kami at nililigpit din namin ang mga gamit. May mga lalaki din palang malinis sa bahay.

While cooking breakfast (Bacon, egg and fried rice) napaisip ako. Kelangan kong makaipon bago matapos magawa ang unit ni Alexis. Baka mamaya wala talaga akong ipangbayad sa upa at talagang umalis na ako dito.

Midterms pa naman. Hindi ako makakapasok madalas sa trabaho dahil mag aaral muna ako ng isang linggo. Para mapanatili ko din ang scholarship ko.

Napabuntong hininga ako. Siguro nga mas pipiliin ko ng matulog sa bangketa kesa umuwi sa Zambales.

"What's for breakfast?"

"Bacon, egg and fried rice" napatingin ako sa tagiliran ko na nakangiti. "ayy Fuschia!" Napamura ako at napahawak sa dibdib (napatalon pa halos). Hindi ko namalayan na lumapit na pala sakin ang mokong. Aba? Dumikit nanaman sakin.

"Talagang hindi ka madadala ano?" sabi ko sa kanya saka namewang.

Natawa lang ito saka pumunta na sa lamesa. "Nag eenjoy ka sa pagluluto kaya hindi mo ko napansin."

Nilagay ko ang luto ng bacon sa pinggan at nilingon siya. "Hoy Alexis, para sabihin ko sayo, talagang Masaya ako pag nagluluto. Pero dahil kasama ka na sa pinagluluto ko, nawalan na ako ng gana!" padabog kong nilagay ang plato sa lamesa.

"Totoo ba yan? Baka nga dahil sakin kaya masasarap mga luto mo." Kinamay niya ang isang bacon at diretsong sinubo.

Kinotungan ko siya ng malakas "Sige kamayin mo pa!"

Natatawang hinaplos ni Alexis ang ulong nasaktan. Inilalabas ko na ang mga utensils ng may mag doorbell.

"Kakabayad lang naten ng renta ha?" sabi ko saka tumigil ako sa pag huhugas.

"Ako ng magbubukas." Agaw ni Alexis sa paglabas ko ng kusina saka nagmamadaling lumabas ng kusina.

Hindi na ako umimik at binuksan ulit ang gripo para maghugas.

"ALEXISSS!" narinig kong tili ng isang babae at saka isang lagabog.

Pinatay ko ang gripo at napatakbo ako palabas ng kusina. "Alexis, ano nanamang-" natigil ang sasabihin ko sa ere ng makita kung ano ung 'lagabog' na iyon.

Jasmine's POV

Napatingala ako sa 4-storey building na iyon. It has 5 windows each floor at pakiramdam ko, lima ang units kada floor.

Napabuntong hininga ako at napangiti, "I found you Alexis.." I wickedly said to myself.

Hawak ang shoulder bag ko na nakasabit sa balikat ay nagmamadali akong umakyat sa second floor ng building. Right wing, middle unit. Un ang sabi sakin ng private investigator na hinire ko a week ago.

Ng nakatapat na ako sa pinto, Agad akong nagdoorbell. Narinig ko pang tumunog ang doorbell mula sa loob. May bintana din sa tabi ng pinto pero natatakpan iyon ng isang pink na kurtina.

PINK? Alexis hated pink. He's not that girly type. Nagpalit na ba siya ng perspective sa buhay?

Nakarinig ako ng yabag mula sa loob and then the door opened. We're both shocked to see each other.

How to live with Mr. Arrogant 101 [COMPLETED!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon