LESSON 26

5.5K 152 1
                                    

Chapter 26

 

Mabilis akong napabalikwas ng bangon. Nasa bahay na ako. Inikot ko ang paningin ko sa buong paligid. Tama. Nasa bahay na nga ako. Grabe. Panaginip lang bay un lahat? Parang totoo. Nilingon ko ang kwarto ni Alexis. Pero nakita kong nagaalala ang mga mata niya habang nakatingin sakin. Sayang naman kung hindi totoo ang mga iyon.

Tatayo na sana ako ng maramdaman ang sakit ng mukha ko. Hinaplos ko iyon at nakapa kong may benda ang kaliwang pisngi ko. Dahan dahan akong tumayo at naglakad papunta sa salamin sa banyo. At tama nga ako. Totoo ang lahat ng iyon. Totoo ang lahat ng nangyare.

Pero grabe naman. Kawawa naman ang maganda kong mukha. May dalawang pasa ako sa kaliwang mukha at isa sa kanan. May sugat siguro ako sa kaliwang kilay dahil iyon ang nakabenda. May ilang pasa din ako sa braso. Parang battered wife talaga. Pero tig isang sampal lang naman sa pisngi ko ang ginawa ni Matthew ha? San ko kaya nakuha tong mga pasang ito sa braso?

At sa kakatitig ko sa sarili ko sa salamin, may isang pasa pa ako sa leeg. Hinaplos ko iyon. Pero hindi naman masakit hindi tulad nung sa ibang pasa ko sa braso at sa mukha. At sa pagkaalala ko kung san nanggaling ang ‘pasa’ na iyon ay napapikit ako ng madiin.

Damn you, Matthew. Nag-iwan ka pa ng bakas ng kamanyakan mo! Kiss mark! Yun ang tawag sa pasa na iyon. Napakaikli ng buhok ko para maitago ko ang kiss mark na to. Pinilit kong hinila ang buhok ko dahil baka Makita ito ng sinuman at tanungin ako kung san galing ito.

“Bakit tumayo ka na?”

Napapitlag pa ako at napalingon sa nagsalita sa pinto ng banyo. Si Alexis. Nakatipon ang mga braso niya sa harap ng dibdib niya at nakasandal sa hamba ng pinto ng banyo.

“Hindi naman ako baldado para mahiga buong araw.” Sabi ko na pasimpleng sinuklay ang buhok ko gamit ang mga daliri ko.

He smiled bitterly at humarap sakin. “Rest.” Bulong niya.

Inirapan ko siya. “Hindi porket niligtas mo ako, susundin na kita.”

“Nung huling beses mo akong sinuway, napahamak ka. Now, rest. O gusto mo, buhatin pa kita pabalik sa kwarto mo.”

Nakipaglabanan muna ako ng titigan sa kanya at sa huli’y natalo ako dahil inambangan niya akong bubuhatin.

Napatakbo ako papunta sa kwarto. “Hindi porket niligtas mo ako, may karapatan ka ng sabihan ako kung anong dapat kong gawin!” sigaw ko ng maisara ko na ang kurtina ko.

“I didn’t save you. Ako ang may kasalanan kung bakit ka nya ginawan ng masama.”

Natigilan ako sa sinabing iyon ni Alexis. His voice changed. Parang may lungkot sa tono niyon.

He’s blaming himself again. Hindi niya kasalanan ang mga nangyare. Masama ang ugali ni Matthew kaya niya ginawa iyon. Greedy siya at selfish. Hindi kasalanan ni Alexis lahat ng iyon.

“Ginawa ko lang ang dapat kong gawin. Ayokong madawit ka sa gulong to.” He said. Ganun pa din ang boses niya. Hindi ko man siya Makita, naiimagine ko ang lungkot niya. Ung lungkot niya nung Makita niya ang ama niya sa hagdan, ung lungkot niya nung sinabi kong mawala na siya sa buhay ko.

How to live with Mr. Arrogant 101 [COMPLETED!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon