LESSON 16

5.6K 151 2
                                    

CHAPTER 16

 

“WHATTT??!??!”

I exclaimed. Sinabi lang naman ni Miss Betty ang pinaka ayokong mangyare sa mga oras na ito.

“Joey will stay here until graduation. Yun ang sinabi ko. At bakit ba kelangan mong sumigaw?” iritableng sabi ni Miss Betty.

“Dahil sabi niyo 2 weeks lang. Hindi anim na buwan. Miss Betty naman, Hindi ko na kayang mabuhay kasama yang si Alexis. Wala na akong privacy.”

“Kung ayaw mo siyang makasama at gusto mo ng privacy, maghanap ka ng ibang malilipatan!” singhal sakin ni Miss Betty. Hindi pwede. Kung titignan tong unit na to, napakaganda nito para sa tatlong libo kasama na kuryente at tubig. Tss!

Napabuntong hininga na lang ako. “Sige po Miss Betty. Sabihin ko na lang po kay Alexis.”

Nagpaypay si Miss Betty at tinitigan ako. “Hindi kita masisisi kung maiinlove ka sa kanya, Charm.”

“Ano po?” naguguluhan kong tanong sa kanya.

“Every woman’s type of guy is Alexis. Matalino, gwapo, mabait at higit sa lahat mayaman. You’re so lucky to be living with him”

Ano daw? Lucky daw? Ayy. Siguro ikaw dahil may pagnanasa ka kay Alexis. “Sige po . Miss Betty.” Pag-iwas ko sa mahaba pang usapan. Tutal naman nasasanay na din naman ako sa mga kabastusan at kawalang hiyaan ni Alexis.

Tinitigan muna ako ni Miss Betty saka umalis na. Mabilis akong pumasok sa loob ng unit at sumandal sa pinto.

Tatlong araw na ang lumipas nung dumating kame galing sa Enchanted Kingdom pero hindi pa din kami nag uusap ni Alexis. Pagdating ko galing trabaho tulog na siya. Pag papasok ako tulog pa din siya. Pinagluluto ko pa din naman siya pero hindi na kami nagpapang abot sa almusal.

Sa tuwing makakasalubong ko naman siya sa corridor ay hindi man lang niya ako tinitignan. Bwesit. Bakit bigla siyang naging cold? Matapos niya akong pagtripan, ganun na lang?

How to live with Mr. Arrogant 101 [COMPLETED!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon