LESSON 33

6.1K 147 0
                                    

CHAPTER 33

 

Napagdesisyunan namin ni daddy na magluto ng almusal. Ginagawa namin ito noon bago ko umalis sa probinsya. Sa kanya ako natutong magluto. Si daddy ang teacher ko sa lahat ng dapat kong matutunan sa buhay.


Nagtatawanan kami habang kinekwento ko ang mga kamalian ko nung unang mga araw ko sa Maynila. Wala akong alam sa lugar na iyon nung una. Muntik na akong mapahamak dahil doon. Mabuti na lang at may isang anghel sa katauhan ni Miss Betty (Yuck, pwe) ang nagligtas sakin. Natawa naman ako ng maalala noon ang napakabuting pagmumukha ni Miss Betty.


Naabutan kami ni mommy na nagkakape sa lamesa.


“Oh?” gulat na sabi niya habang pupungas pungas pa ang mata. “Akala ko magnanakaw ung narinig kong kalabog ng mga kaldero. Yun pala nagpapasikatan pa kayong mag-ama.” Nakatawang sabi ni mommy.


“Good Morning po mommy. Ayaw po kasing magpatalo ni daddy kahit na kupas na kupas na siya.” Natatawang sabi ko.


Naglakad si mommy sa direksyon namin at pumunta sa likod ni daddy. Sila na talaga ang perfect couple para sakin. Hanggang ngayon sweet-sweetan pa din ang peg. Parang mga teenagers lang.


“Hindi yan totoo. Ako pa din ang pinaka magaling magluto dito.” Sabi ni daddy na proud proud pang nagchin up.


Nginitian ko si daddy saka uminom sa mug ng kape.


“Natutuwa ako at okay na kayong mag-ama.” Parang maiiyak na sabi ni mommy


Nginitian ko si mommy. Hinaplos naman ni daddy ang kamay ni mommy na nakapatong sa balikat niya.


“Wala akong lakas ng loob nung unang araw na nandito ka, Charm. Pero gustong gusto ko ng yakapin ka.” Malungkot na sabi ni daddy and he smiled bitterly.


“Wag niyo na pong alalahanin yun. Ang mahalaga, magkakasama po tayo at okay na po tayo ngayon.”


Alam kong Masaya na ngayon ang pamilya ko sa paguwi kong ito. At ganun din naman ako. Ang sarap sa pakiramdam lang na okay na ako sa kanila at sila sakin. Mabuti na lang at naisipan kong umuwi. At kung hindi dahil kila Alexis, wala akong lakas ng loob para harapin ang pamilya ko.


Marami talaga akong dapat ipagpasalamat sa tatlong iyon. Dahil sa kanila, lumakas ang loob kong kausapin ang pamilya ko at umuwi dito. Sana lang, makapagpasalamat ako ng maayos sa kanila.


“Siya nga pala, Charmaine, ikaw ba’y may boyfriend na?” tanong ni daddy sakin na titig na titig sa mukha ko. “Wag mong sabihing isa sa mga lalaking kasama mo dito ay boyfriend mo.”


Napatingin ako kay mommy na nakangiti lang. Kinabahan naman ako lalo. Sasabihin ko bang ka-MU ko si Alexis? At kasama ko siya sa iisang bahay? Hindi pwede. Baka hindi na ako pabalikin ni daddy sa Maynila.


“Wala dad. Focus po ako sa studies ko.” Nakayuko kong sabi. Hindi ako makapagsisinungaling kay daddy. Alam niya kung nagsisinungaling ang tao o hindi. Nakakahiya kung malaman ni daddy na may kasama akong isang lalaki sa iisang bahay at kahit sabihin kong walang nangyayareng kababalaghan samin, iisipin niyang merun dahil medyo old school si daddy eh.


“Eh kung magtinginan kayo nung gwapong mukhang koreanong singket na lalaking kaibigan mo eh naglalagkitan. At iba ang ngiti mo kapag kausap mo siya.”


Daddy naman, masyadong showbiz. May alam pang ibang ngiti ibang ngiti. “Dad, Alexis ho ang pangalan niya, magkakaibigan lang po kami. Ex nga po ni Lea yun eh.” Sabi ko na lang na iniwasang magtunog defensive.


How to live with Mr. Arrogant 101 [COMPLETED!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon