Lesson 25

5.1K 137 0
                                    

CHAPTER 25

 

Iniwas ko ang tingin ko kay Matthew. Hindi ko na alam kung anong nangyayare at mangyayare. Will he rape me? Kill me?

“He’ll be here soon.” Sabi niya. “Kung importante ka nga sa kanya.” Umalis siya sa ibabaw ko at kumuha ng isang stick ng sigarilyo at sinindihan iyon at naglakad lakad sa kwarto.

“Tinatakot lang kita. Pero yang bibig mo, hindi tumitigil sa kakadakdak.” He said habang inihip ang usok ng sigarilyo.

Dahan dahan akong umupo sapo ang tyan ko. Ang sakit. Ang sama na ng pakiramdam ko. Nahihilo pa din ako at nanghihina. Gusto ko ng umuwi.

“So naniniwala kang he’s better than me ha? Okay then. See it-“

“Hindi ko kasalanan kung ayaw umuwi ni Alexis.” I paused at nilunok ang kung anumang laman ng bibig ko. Pinunasan ko ang kung anumang nararamdaman ko sa leeg ko na ginawa ni Matthew gamit ang kumot. “It’s your fault. At desisyon niya yun. Kung di mo ninakaw ang girlfriend niya, eh di sana, okay pa kayo.”

Lumapit siya sakin matapos ilagay ang sigarilyo sa ashtray na nasa side table. Naka side view ako sa kanya hawak ang dibdib ko.

“Siya ang nagnakaw sakin.” Hinawakan niya ang baba ko at pinilit na ipihit para mapatingin ako sa kanya. Sa una’y nagmamatigas ako, pero parang nawawalan na ako ng lakas para lumaban. Pakiramdam ko, bugbog sarado talaga ako. Battered wife lang ang peg ko ngayon. “He ruined everything.” He said while looking directly in my eyes.

Bago ako makareact, the door slammed. Napatingin kaming pareho sa pinto. And then there he was. Alexis is here for me. Parang may background music na pang action ang nagplay sa utak ko habang papasok siya sa kwarto.

Hinihingal pa nga siya eh. Kung ganun tumakbo siya. Tumakbo siya para sakin? Effort para sakin? Saving me? Hindi ba importante yun? Napangiti ako sa isiping importante din ako sa kanya.

Napatingin ako kay Matthew. Nakatingin siya kay Alexis at gulat ang reaksyon tapos naging parang malungkot tapos ngumiti.

“What did you do to her?” galit na sabi ni Alexis. I looked at him again. Nagtatangis ang mga bagang niya. Hindi ko alam kung anong itsura nun pero ang alam ko, ganun kapag nagpipigil ng galit.

“She went here by herself.” Parang balewalang sabi ni Matthew at tumayo na. Gusto kong magsalita. Pero natatakot ako na baka magkamali ako ng sasabihin. Saka parang natutuwa ako sa kinalabasan ng lahat ng ito. Atleast kahit papanu, may pwede pa din palang mangyare sa love story na iniimagine ko.

Alexis looked at me. He smiled at me. A reassuring smile. Maybe he wants to make me feel comfortable and safe. And then he looked at Matthew. Nakakuyom ang mga kamao niyang tinakbo niya ang distansya nilang dalawa. The next thing I knew, Matthew was on the floor and Alexis is above him. Pinagsususuntok ni Alexis ang mukha ni Matthew.

“She won’t” suntok “do that” suntok “because” suntok “she knows” suntok “that she’s mine!” at isa pa ulit na malakas na suntok.

How to live with Mr. Arrogant 101 [COMPLETED!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon