Chapter 12
Fuschia naman talagang Accounting to oh! Of all subjects bakit sa minor lang ako babagsak ha? Nakakahiya! Although hindi ko alam ang mga pagkaing hinain samin kagabe, alam ko naman kung san gawa ang mga yun nu! Ung pangalan lang ang di ko alam. Maitry nga iluto yun sa culinary class namin minsan.
Pero fuschia naman. Panu na to! Pakamot kamot ako ng ulo habang hawak ang ballpen.
“Hindi liabilities ang accounts receivable!”
Kyaaaa! Nagulat ako at napalingon kay Alexis na nasa likod ko pala at halos madikit na ang pisngi sa pisngi ko.
“Ano bang ginagawa mo ha!?” Napatayo ako at namewang.
“Tutoring you. Hindi ba ako ang tutor mo.”
“I said, hindi ko kailangan ng tutor.”
Kinuha niya ang accounting notebook ko. “Amina yan!” akma kong kukunin ng hawakan niya ang pulso ko. And again, kuryente, all over my gorgeous sexy body.
“I’ll help you.” Masuyong sabi ni Alexis na lumalapit ang mukha sa mukha ko. Tatangkain nanaman ba niya akong halikan? Should I run? Should I kick his butt hole? Should I.. Should I..
“Bobo!”
Halos 3 inches na lang ang layo niya sa mukha ko. At rinig na rinig ko at amoy na amoy ko ang hininga niyang bagong toothbrush. Tumatawa siyang binitiwan ako at pumunta sa sala. Nasa kusina kasi ako. Sa dining table. Kakangawit kasi kapag hindi nakalamesa.
Nanlaki ang mga mata ko sa pagkagulat. “You big tease! Ewan ko sayo! Amina nga yan!” sinundan ko siya sa sala habang sinisipat sipat ang notebook ko. “Sinong may sabi sayong sabihan ako ng bobo ha?!”
Tumigil siya sa paglalakad at hinaplos haplos ang baba habang pinagaaralan ang notes ko. “Mali to. Ito pa.. Mali. Ano ba to? Mali.. Mali..” tinuturo niya lahat ng mali pero hindi ko naman nakikita ang mga iyon.
BINABASA MO ANG
How to live with Mr. Arrogant 101 [COMPLETED!]
Teen FictionGugustuhin mo bang tumira sa iisang bahay kasama ang isang gwapong arogante? A story that will teach you on HOW TO LIVE WITH MR ARROGANT!