LESSON 20

5.7K 136 1
                                    

CHAPTER 20

 

“Oh, in love ka na nga!”  Lea exclaimed na napatutop pa sa bibig niya.

“Hindi nga sabi eh!” patuloy pa din ako sa pagdeny.

Kaninang umaga sinilip ko ung kwarto ni Alexis, wala pa siya doon at natutulog pa si Angeline. Pinagluto ko na lang ng almusal kasi kawawa. Nagiging maawain na ba ako? Ah basta!

“In denial pa talaga. Ma pride ka kasi. Sino ba namang hindi maiinlove kay Alexis? 3 months na kayong nakatira na magkasama. I’m surprised na ngayon ka lang nainlove sa kanya.”

“Sinabi ko na sayo. Hindi nga! H.. I .. N.. D..I.. Hindi!” inispell ko pa sa kanya yung salitang hindi. Para ma emphasize.

“Gusto mong malapit siya sayo, parang nag fofloating ka sa ulap pag hinahalikan ka niya. And take note, nagpapahalik ka sa kanya.”

“Eh kasi wala akong choice!”

“May choice ka! At ang choice mo ay hayaan siyang gawin yun! Kasi gusto mo.”

Tinitigan niya ako habang nakangiti siya. “Hoy, wag mo akong tignan ng ganyan.” Sabi ko ng mapansing hindi na ngiti ang ginagawa niya. Smirk!

“You know I have an idea. Umuwi tayo sa Zambales sa sembreak. With Joey and yung love of your life, Alexis.”

Nashock ako sa idea niya na yun. May plano akong umuwi pero ako lang dapat mag isa.

“Ano namang naisip mo at gusto mong sumama sa probinsya namin?” nagtatakang sabi ko na pinagpatuloy na ang binabasa kong libro. Break time na kasi eh. Nandito nanaman kami ngayon sa cafeteria.

“Naiinis kasi ako sayo. Sabi ka ng sabi na hindi ka maiinlove kay Alexis even if he’s the only man na kasama mo sa Earth.”

“hoy! Hindi ko sinabi yan. Ang sinabi ko lang hindi ako maiinlove sa kanya dahil arogante siya!”

“Exactly my point! Cause Alexis will never change kahit na mahalin mo pa siya o hindi. He will still be the arrogant playboy na kilala nateng lahat.”

True. Kahit sino pa man ang mahalin niya o magmahal sa kanya siya pa din si Alexis Buenaflor. Hindi siya magbabago para sa mga taong nakapaligid sa kanya.

“So, imposible pa din ba na mahalin mo si Alexis? Remember, For the next 7 months of your life, kasama mo siya sa iisang apartment.” Lea said na nawala na ang ngiti sa mga labi niya.

“I do want him near me. Naiinis ako sa mga babaeng nilalandi siya.”nakayuko kong sabi. Hindi ko akalaing sasabihin ko to pero ito kasi ung nararamdaman ko eh.

“You know what, wala namang nagbabawal sayo na gustuhin si Alexis. Bakit ba ayaw mo pang aminin?”

“Una galit ako sa kanya. Palagi niya akong inaasar. Tapos sasabihin ko na lang sa kanya na mahal ko na siya? Na paggising ko isang araw, gusto ko na siya? No Ley! May pride pa naman ako.”

Napabuntong hininga si Lea at sumandal sa sandalan ng monoblock.

“Pride pride. Hoy! Hindi na lang yan ang natitira sayo. Akala ko ba virgin ka pa?” natatawang sabi ni Lea.

Napasimangot ako. Ano bang gustong sabihin nitong si Lea? “Syempre! Anong tingin mo sakin? Pokpok?”

“That’s the point! Hindi na lang Pride ang natitira sayo! May dignity ka pa! May virginity ka pa. May talino ka pa.”

“Pero hindi naman yun eh. Hindi naman niya sinasabi na mahal niya din ako.” Although merun lang siyang nasabi na i’ll make you fall.. hard. Just like what you did. Pero hindi naman niya sinabi talagang mahal niya ako.

How to live with Mr. Arrogant 101 [COMPLETED!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon