LESSON 6

7.5K 173 10
                                    

CHAPTER 6

Alexis' POV

Naalimpungatan ako ng maramdaman kong mainit na. mabuti nga at hindi nasama sa sunog ung electric fan ko. At mabuti na din may kisame tong unit ni Charm.

Pinatay ko na ang electric fan at bumangon. Alam kong nasa kabila si Jasmine. Dun siya natutulog sa pwesto ni Charm.

Nakaramdam ako ng gutom kaya nagpunta ako sa kusina para tignan kung anong niluto ni Charm. Nandun pa din ung Bacon at itlog at sinangag na dapat aalmusalin namin kanina. Malamang alas dose na. At may pasok pa ko ng 2pm.

Kinain ko na ung nakahain na dapat pagkain namin kaninang umaga. Nasa klase na siguro si Charm ngayon.

Kung di dahil sa kanya ay baka patay na ako ngayon. Baka nasuffocate na o di kaya nasunog kasama nung mga gamit ko sa unit.

Napangiti ako ng maalala ang mukha niya ng sugurin niya ako sa corridor. Nanlalaki ang mga mata pati butas ng ilong niya. I smiled at the thought of her face. She was so mad at me kasi trinaydor ko ang best friend niyang si Lea.

But I don't care about girls. Seriously. Lahat sila sakit lang ng ulo. They are sweet and then become so clingy and possessive. Ayoko naman ng ganun.

Matapos kumain ay bumalik ako sa higaan para magpalipas ng oras.

"Alexis.. Uwi na tayo.."

Napalingon ako sa 'kwarto' ni Charm kung saan nandun si Jasmine. Bahagya kong hinawi ang kurtina sapat para Makita ang mukha niyang mahimbing sa pagtulog.

"Daddy.. Alexis won't come with me.."

Napabuntong hininga ako. Sabi ko na nga ba. This isn't about dad blocking all her accounts. Alam kong mas mapera pa sa pinaka mapera si Ate Jas. Car Buy and sell and negosyo nito na hindi sinuportahan ni papa kaya nagkusa siya.

Binitawan ko na ang kurtina at bumalik na sa pagkakahiga.

"Hindi ko anak ang bastardong iyan!" the old man exclaimed to my mother.

Sabi nila maghintay lang ako dito sa labas.Pero rinig na rinig ko na inaaway nung lalaki si mama.

"Alexis is just four years old, Felix and 5 years ago, alam mong minahal mo ako."

"Enough Alessandra! Baka marinig ka ng mga anak ko."

"Pero anak mo din si Alexis, Felix!"

Nakarinig ako ng yabag na palapit sa pinto at marahas na bumukas iyon. Napalingon ako at nakita ko kung panu binato ng matandang lalaki ang mama ko.

Napatakbo ako palapit kay mama na sapo ang dibdib habang nakasandal sa dingding.

"Mama!!"

While holding my mom's arm ay nilingon ko ang matanda. "Wag mong saktan ang mommy ko!"

His Brown eyes met mine. Tinapangan ko ang mukha at tingin ko sa kanya so I can protect my mom at matakot siya sakin.

Mula sa galit na mukha ay umamo iyon na parang maluluha ang matandang lalaki. Wala na ang kamao niyang halos manginig sa pang gigigil.

Lumuhod siya sa harapan ko and opened his arm "Come here, Alexis.." he whispered.

Napatingin ako kay mommy na umiiyak habang hawak pa din ang sariling dibdib. She stared at me and nod.

Tumingin ulit ako sa matandang lalaki and he's crying also."Come to papa, Alexis.." he whispered.

How to live with Mr. Arrogant 101 [COMPLETED!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon