CHAPTER 30
Parang nanginginig ang kalamnan ko sa takot ng itigil ni Alexis ang sasakyan sa harap mismo ng tarangkahan ng bahay namin. Tinignan ko ang oras sa cellphone ko, 4:45AM Pinagsalikop ko ang mga kamay ko para lang mabawasan ung lamig at tensyon na nararamdaman ko.
“You’ll be fine.” Bulong sakin ni Lea na hinawakan ako sa balikat.
“I know. Thanks.” Sabi ko na hinawakan din ang kamay niya na nakapatong sa balikat ko.
Panu ko haharapin ang mga magulang ko? Ang buong angkan namin matapos ang ginawa ko? Natatakot ako sa magiging reaksyon nila.
“Relax.” Anas ni Alexis “Let’s go.” Maya-maya sabi nito at saka bumaba na ng sasakyan. Nilingon ko si Lea na nginitian ako at saka bumaba na din ng sasakyan. Kasunod si Joey na sumunod kay Alexis para ibaba na ang mga maleta mula sa trunk.
Huminga muna ako ng malalim saka dahan dahang binuksan ang pinto ng side ng kotse saka marahang umibis mula doon.
Nilibot ko ang tingin ko sa paligid. Walang nagbago bukod sa pathway na sementado na na puro buhangin noon. May ilang puno din na nawala tulad ng tatlong puno ng kasoy sa tarangkahan namin na dati’y gawa sa kawayan pero ngayon ay gawa na sa bakal. Wala na din ang puno ng suha at binawasan ng kaunti ang mayabong na punong mangga sa tabi ng bahay namin na nagiging dahilan ng malamig na hangin sa tanghali.
“Ang ganda ng lugar niyo, Charm. Kung ako’y gusto kong tumira sa ganitong lugar. Except kung may wifi lang.” sabi ni Lea na tumabi sakin habang hinihintay namin na maalis nila Alexis ang mga maleta.
Kapag dinire-diretso ay tatagos na kami sa malawak na bukirin at mga bundok kaya gustong gusto ko noon na maglaro ng mga dayami doon sa bukid. Tuyo na din ang mga taniman ng palay kaya doon pinapastol ang mga kambing at baka dahil tinutubuan iyon ng mga damo.
“Ate Ine!”
Napalingon ako sa boses na mula sa likuran ng sasakyan. Isang batang lalaki nakasakay sa mountain bike at may mga dyaryo sa basket sa unahan ang tumawag sa nickname ko . Ine. Matigas sa ‘Ne’.
“Kaloy?” gulat kong sabi.
“Ate ine! Ikaw nga!” sigaw ng bata na halos talunin paalis ang bike niya at tumakbo palapit sakin. “Ang ganda ganda mo.” Niyakap niya ako at hinaplos ang buhok ko.
“Malandi ka pa din.” Tuwang sabi ko. Pinalo niya ako sa braso habang nakatikwas ang mga kamay saka humiwalay. “Ang laki laki mo na.”
“hindi ako forever na bata nu.” Malanding sabi nito na kinangiti ko. Inakbayan ko siya at iniharap kila Lea at kila Alexis na tapos na pa lang mag-alis ng mga gamit.
“Kaloy, mga kaibigan ko, si Lea, Alexis at Joey.” Pinakilala ko sila sa isa’t isat. Parang kumislap naman ang mata ng bakla ng kamayan siya nila Alexis at Joey.
BINABASA MO ANG
How to live with Mr. Arrogant 101 [COMPLETED!]
Teen FictionGugustuhin mo bang tumira sa iisang bahay kasama ang isang gwapong arogante? A story that will teach you on HOW TO LIVE WITH MR ARROGANT!