J E S S Y
Marami akong ka close na artista dahil sa pagiging dancer ko. Nagtatrabaho ako sa isang dance firm kung saan kami ang mga gumagawa ng mga choreography para sa mga events at binabayaran kami. Usually, kami ng parter ko ang naatasang maging head dancer sa grupo.
Halimbawa sa mga JS prom na kailangan ng mga studyante ng sayaw, pipili sila ng kanta at gagawan namin ng dance routines. Pagkatapos no'n, ipe-perform namin ito sa harap nila at iyon na ang magsisilbing sayaw nila na ituturo naman namin hanggang sa matuto sila.
Nagiging client ko minsan ang mga sikat na artista na tinuturuan ko ng mga steps para sa mga ganap nilang mall tours, guestings at iba pa. Sanay na rin akong makakita ng mga gwapo at magaganda... ugh. Pero si Jasmine ay bukod tangi. Ibang-iba ang dating ng kagandahan niya sa 'kin nang makita ko sa personal. Siya ang tipong may ganda na kahit isang buong araw mong titigan ay hindi ka magsasawa. Bukod diyan, meron ding something sa kanya na gusto kong alamin pero hindi ko lang marurok kung ano. It's like her beauty... no, her being is such a mystery that I wanted to unveil!
"Would you mind if I tag along? I wanna see your studio too." Sabi ng babaeng na nasa aking isipan.
Tumingin ako sa kanya at nakitang seryoso siya sa sinasabi. Hindi ko naman siya pwedeng iwan nang ganito ang kalagayan kaya um-oo na lang ako. "Sure, you can. But I just hope you won't get bored for a couple hour or more of our dance practice."
Tiningnan niya ako at ngumiti. "No, I won't. I just want a place to hang around at the moment. I still don't wanna go home. I'll behave, I promise." Taas-kamay pa niyang sabi sa 'kin na parang namamanata.
"Okay then. Let's go to my studio!"
Sumunod siya sa akin sa paglalakad pero napansin kong tinititigan niya ako nang pumasok kami sa elevator. Medyo na-conscious ako kaya yumuko na lang ako.
"You're nice."
Napatingala agad ako nang marinig ko ang sinabi niya. My left brow arched. I smirked at her. "You can't just tell that a person is nice when you've only met her an hour ago."
"Well, I can!" Sagot niya as she giggled. "You are."
Pinang-initan sa biglang compliment na 'yun ang magkabilang pisngi ko. Magsasalita pa sana ako pero tyempong bumukas ang elevator sa floor na tutunguhan namin.
Napalunok na lang ako at umiling. "T-this way," I said as I motioned my hand to the room with a loud music.
Pagkapasok namin sa loob ay kasalukuyan nang nagsasayaw ang mga kasamahan ko. They're doing freestyle. Nakagawian na namin ito bago magsimula sa trabaho. They'd formed a circle and there's one at the center. Nang makita nila ako ay kanya-kanya silang tawag sa 'kin para samahan sila. I waved my hand, signalling them to give me a minute.
"Jas, are you gonna be okay here? There's food and drinks there if you want." Itinuro ko kung saan niya pwedeng kumuha. Pinapwesto ko siya sa tapat ng malaking salamin ng sinasayawan namin.
Tinitigan niya ako at saka tumayo palapit sa akin. We're so close that I can smell her breath. For a second there, akala ko ay hahalikan niya ako pero niyakap niya lang pala ako.
"Lang" kasi medyo may halong disappointment.
"Thank you, Jes." Sabi niya sabay rub niya sa likod ko. Naka-jacket ako pero naramdaman ko pa rin ang init ng mga palad niya. Bumilis ang tibok ng puso ko sa ginawa niya. Hindi ko ini-expect ang ginawa niya, considering na kakakilala lang namin.
I felt an electricity run through my body. Nakiliti ako, na overwhelm ako, at nakampante na parang ang tagal-tagal na niya akong hinahawakan. Halu-halong emosyon ang naramdaman ko sa gesture niya. I closed my eyes for seconds at dinamdam ang moment. Pero nang tinawag na ako ulit ng mga kasamahan ko ay nagitla ako at kumalas na ng yakap.
BINABASA MO ANG
Loving The Famous
RomanceBeing a reserved bisexual, Jesiah couldn't help but to hide her sexuality in the public especially to her family. She was contented to remain covert for life, but not until she met the famous Jasmine Gray. The model-actress seemed to be her exact op...