J A S S Y
Pagdating namin sa condo ni Jesiah ay tumuloy na ako sa kusina at hindi na muli pang nagsalita. I checked her fridge to see a steak, salmon and brocolli. Now I know what to cook. Inilabas ko ang lahat ng kailangan at nag-ayos ng sarili. I poured a glass of wine, tied my hair in a bun and wore an apron.
Minutes past, I'm almost done with my cooking. Sakto namang nakita kong lumabas si Jesiah mula sa kwarto niya at napatigil ako. I checked her out. Nakapambahay na siya, bagong ligo at ang bango. She's in her short shorts and sando na medyo maluwang sa kanya. Kita ko rin mula sa kintatayuan ko na wala siyang suot na brassiere dahil pansin ang side part ng boobs niya. That sight, damn. Seeing her in different set of clothes always amazes me.
Wow.
Noong una ko siyang nakita ay nakapang-sayaw siya at iba ang impressions ko noon ng pananamit niya. She was stunning there already and when I saw her earlier in the office wearing a formal skirt and eyeglasses while focusing on her work? I felt something. That feels like all the angels sang to me. She's sexy in many ways. Muntik ko na ngang hindi napigilan ang sarili ko kanina na halikan siya. She's so tempting! Sa kanya lang ako na-attract nang ganito to think na may boyfriend ako at sa babae ko pa ito naramdaman. Ang gulo. Minsan ang hirap aminin pero... Siguro nga, attracted nga yata talaga ako sa kanya. Mahirap aminin, pero totoo.
Lumapit si Jesiah sa akin na napangiti nang maamoy itong niluluto ko. Sa totoo niyan kaya ko siya niyaya dito na lang mag-dinner kasi gusto ko siyang ma-solo. Kahit saan kasi kami magpunta ay may nagkkagusto sa kanya. David for example.
Unang tingin ko pa lang noon kagaya kay George ay mapapansin talagang may gusto sila sa kanya. The way David looks at her earlier made me irritated. Ewan pero parang hindi ko gusto. Selfish na kung selfish pero gusto kong ifigure out kung ano ba talaga itong nararamdaman ko kay Jesiah.
"Wow, it smells good in here!" Sambit niya nang dumaan sa gilid ko para kumuha ng tubig sa ref.
You smell good too. Ang gusto kong isagot sa kanya.
"I didn't know you can cook," dagdag ni Jessy habang umupo sa may counter.
"It's my favorite thing to do." Sagot ko namang nakangiti. It's true. Isa sa pinaka paborito kong gawin ay ang ipagluto ang mga mahal ko sa buhay.
Oh, wait. Mahal ko sa buhay... siya?
"Talented ka nga!" Pagpuri ni Jesiah sa akin na ikinapula ng pisngi ko. I blushed nang mag-iwas ng tingin sa kanya.
Maya-maya ay nag-ring na ang hawak niyang phone at sinagot niya ito.
"Selena, I forgot to tell you nakauwi na ako." Sabi niya sa kabilang linya at tumango. "Mm. Hindi na ako dumaan ng studio."
So that's her bestfriend calling her?
"Yes, I know. Usap na lang tayo bukas, okay? Mm-hmm. Bye. Love you too."
Nang maibaba niya ang phone niya ay sakto naman na pag-bell ng microwave.
"Great!" Sambit kong nagpatay-malisya. "Let's eat?"
Niyaya ko na siyang kumain at tinulungan niya naman akong mag-prepare sa dining. Minuto lang ang nakalipas nang kumain na kami.
"Wow, Jassy. This is really good!" She exclaimed. Nginunguya niya ang steak nang sumimsim naman ako ng wine. Pinagmasdan ko siyang kumain. Ganadong-ganado kasi at um, nakakadala siya. Or nakakatakam?
"Ugh!"
"Are you okay, Jas?"
Damn. Nasamid ako ng wine na iniinom dahil sa naiisip ko!
BINABASA MO ANG
Loving The Famous
RomanceBeing a reserved bisexual, Jesiah couldn't help but to hide her sexuality in the public especially to her family. She was contented to remain covert for life, but not until she met the famous Jasmine Gray. The model-actress seemed to be her exact op...