6

8.6K 273 6
                                    

J E S S Y

Nagising akong masakit ang ulo at sinulyapan ang orasan. Ala-siete na. Oh god. May meeting pa pala ako ng eight. Kahit mabigat pa ang katawan ay dali-dali na akong naglakad patungong bathroom, naligo at nagbihis. Quarter to eight nang mag-ready na ako, e sakto namang pagtunog ng door bell, si Mang Kardo.

"Good morning, maam?" Bungad ng manong sa akin. "Ready na po kayo?"

"Good morning, manong. Opo, ready na ako. Sa office na lang din ako kakain kasi late na tayo." Sagot kong abot ng laptop at ng ibang mga gamit sa kanya.

Tahimik lang ang byahe pero maya-maya lang ang mura ko sa isip dahil sa sakit ng ulo ko. Kasumpa-sumpa talaga yang mga alak na yan e!

"Okay lang kayo, ma'am?" tanong sa akin ni Mang kardo na halatang hindi ako kumportable.

"Okay lang, manong. Gutom lang 'to."

"Gusto niyo pong dumaan muna ng pagbilhan ng pagkain niyo?"

"Hindi na, manong. Magpapabili na lang ako kay Jenny mamaya. Salamat." Sabi kong pilit ngumiti.

Pagdating namin sa office, maraming bumabati sa akin. At kahit masakit ang ulo ko ay pinilit ko pa ring ngumiti at sumagot sa kanila.

"Good Morning, Ma'am Jesiah. Ang eight am meeting po ha?" Paalala sa akin ng assistant ko.

Gutom at sakit ng ulo ang titiisin ko neto.

"Good morning, Jenny. Pa-order na lang ako ng coffee at pakidala sa board room. Thank you."

"Pain killer, ma'am, baka kailangan mo rin?"

"Yes, please. You're the best, Jen." Kumindat pa ako sa kanya bago pumasok sa office ko.

**

Pagkatapos ng ilang taon ay natapos din ang meeting. Ang daming kailangang gawin at tapusin kaya kahit masakit ang ulo at antok na antok ako ay dumiretso pa rin ako sa office ko at itutuloy ang trabaho.

Maya-maya ay tumunog ang cellphone ko at nakitang si Selena ang tumatawag.

"Hello?"

Dinig ko sa kabilang linya ang bestfriend ko. "Hey, gorgeous! How are you?"

"Babe, I'm busy." Pagbara ko agad. "Inaantok ako, gutom ako, at masakit ang ulo ko. Mamaya na tayo mag-usap, okay?" Dire-diretso kong sabi. Alam ko kasing dadaldalan lang ako neto ng mga nangyari kagabi.

"Ito naman wala man lang good morning, or I miss you man lang diyan?"

"Anong I miss you ka riyan? Magkasama lang tayo kagabi ha. Tigilan mo ako."

"Magkwento ka naman ng nangyari sa inyo nung artista kagabi? Ikaw ha, kilala mo pala 'yun. Hindi mo man lang naikwento sa akin. May gusto ka ba do'n?"

"Ang dami mong tanong, Sel. Di ba sabi ko sayo masakit ang ulo ko ngayon?"

"Eh di ikuwento mo sa akin mamaya, hm?"

"Oo na, oo na! Mamaya na lang. Bye." Sabay patay ko ng phone.

Kahit kailan talaga ang bababeng iyon napaka-tsismosa.

Damn. Pumasok tuloy sa isip ko sa Jasmine. Ang pagkikita namin sa bar. Ang pagpapaalis niya sa babaeng kasama ko. Ang paghatid niya sa akin sa bahay. Lahat nag-flashback sa akin. Tapos ang dinner din pala na napag-usapan namin mamaya!

"Oh, shit..." Niyaya ko siya ng dinner! My god. Anong iniisip ko at niyaya ko siya na mag-dinner?

Alam ko na. Kasalanan iyon ng alak! Kasi kapag walang sistema ko ang proof nito hindi ko magagawa 'yon.

Loving The FamousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon