28

7.2K 266 22
                                    

J A S S Y

"Care to explain that, Jesiah?"

Hindi makapagsalita ang tinanong ko nang kaming dalawa na lang ang naiwan dito sa loob ng office niya. Lumabas na 'yung lalaking lumalandi sa kanya at bwisit! Kita ko pa ang smirk ng lalaking 'yun bago lumabas.

"What?" I raised a brow at her. "I've been calling and texting you. And here, gan'to pa madadatnan ko?"

I cancelled all my appointments to get here. Ni hindi ako makapag-concentrate sa photoshoots at trabaho ko kanina because of her. At dahil hindi niya sinasagot ang mga tawag ko pumunta na nga ako rito tapos ito ang maaabutan ko! Nakakainis. Kasama niya pa talaga si David na nakaakbay sa kanya.

"Answer, Jesiah."

"I left my phone here." She said sternly. "I'm sorry."

Her sorry didn't sound sincere.

"Where have you been with David?" Pinipigilan ko talagang magalit dahil unang-una, pumunta ako dito para makipag-ayos at hindi na naman makipag-away.

"We ate. Look, Jasmine, kung pumunta ka lang dito para makipag-away, umalis ka na. Wala ako sa mood."

See that? So unreasonable!

"Jesiah..." I tried to reach her pero lumayo na siya sa akin. In the end, balewala kung anuman ang 'yung nakita ko dahil hindi pa rin siya okay sa akin! "Oh, god. I'm sorry, okay?"

"Nagso-sorry ka ba dahil ayaw mong mag-away tayo o nagso-sorry ka dahil naiintindihan mo na ako?"

The question caught me off guard. I'm saying sorry because I don't want us to fight and not the other one.

Mahal na mahal ko si Jesiah at natatakot talaga akong mawala o maagaw siya sa akin kaya ako nagkakaganito. She's so stubborn for not listening to me and not following me. Our situation frustrates me to the highest level. Kung pwede lang ibulsa ko na lang siya para palagi ko siyang kasama at mabantayan ay gagawin ko. But she's not seeing my point. I'm just scared. Ngayon nahanap ko na ang taong katapat at mamahalin ko habang buhay ay takot lang akong mawala ito.

Kanina ay sinabi ko na kay Mamy Hen ang balak ko na ipaalam sa media ang hiwalayan namin ni Tommy. I've decided already kaya kahit tumutol siya wala siyang nagawa, sinabihan ko na rin sina Mom and Dad kanina na ikinatuwa nila at supurtado pa nila ako. Bukas ay may schedule akong one on one interview sa isang sikat na vlogger sa bansa at doon ko sasabihin ang lahat. Ngayon, ang gusto ko lang magka ayos kami ni Jesiah pero mas mailap pa ito sa tigre ngayon.

"Jasmine, I'm leaving." Tumingin ako sa kanya at nagulat akong nakapag ayos na siya at ready na umalis, ni hindi ko siya namalayan.

"Let's go.."

"Jas..."

"What?"

"I need some time alone."

"What?" Pag uulit ako. No. No. This is what I fear. No.

"What do you mean?" Natutuyuan na ako ng lalamunan. This is not what I am expecting to happen.

"Just this night, Jas. I wanted this night alone."

"No!" Pagkatapos ay ano? Isang gabi? Tapos magiging dalawa, tatlo at...

"I needed to think, I needed to regain myself."

"You can do that in my place! Jesiah, please, just come here." Sinubukan ko siyang lapitan pero lumayo lang siya sa akin. "Dammit, Jes! Don't do this!"

"I'm not asking you anything but just this night."

"What happened? Tell me what happened?"

"You're everywhere! I can see you two everywhere and it's making me crazy!"

Loving The FamousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon