14

7.7K 226 1
                                    

J A S S Y

Days have passed and still no contact from Jesiah. This is making me sadder. Mula noong gumising ako ng gabing may nangyari sa amin ay hindi ko na siya nakita at hindi na rin siya nagpakita sa akin. I tried calling her but she's not answering the phone. I went to her office pero hinarang lang ako ng assistant niya at sinabing busy siya. I went to her studio pero hindi ko na rin siya naabutan at lumipas na naman ang isang buong araw na hindi ko pa siya nakikita.

A lot of things are running in my mind. That night was so magical, I still remember every part of it. Jesiah's body. Her moans, her whimpers. They're all so perfect to me and I'm looking forward to do that again with her. Siguradong-sigurado na rin ako sa nararamdaman ko. Yet, maybe she realized it's wrong kaya siya nawala? Pero naayos naman na ang lahat. I already broke up with Tommy the morning after all.

That morning, nagulat na lang ako nang nag-door bell si Tommy. I was worried and mad that Jesiah wasn't beside me when I opened my eyes Yet, isinantabi ko iyon dahil kinailangan kong harapin at maging totoo kay Tommy. After what happened to me and Jesiah, it just proved that my feelings with her is real, at wala ng reason pa para ituloy ko ang sa amin ni Tom.

Tommy have listened to me when I told him that it doesn't work well for us anymore. To my surprise he accepted it calmly. Ang inaasahan ko ay hihingi siya ng maraming explanations, or violent reactions but nothing. He's calm as fuck. Pero hindi niya tinanggap ang pakikipaghiwalay ko. He told me that he's just going to give me space at babalikan niya ako pagkatapos niyang magbakasyonsa italy dahil baka raw nabibigla lang ako. I still insisted him that I am sure, that it's already decided pero mapilit talaga siya. Wala na rin akong nagawa pero mas mabuti na 'yun kaysa nasasakal ako sa kanya.

Okay na sana ang lahat pero si Jesiah naman ngayon ang problema ko. How dare her shut me like this after what happened? Kung wala lang talaga akong commitments ngayon, pupuntahan ko siya sa apartment niya at hindi aalis hangga't hindi ko siya nakakausap.

"Jas, are you okay?" Tanong sa akin ni Hennie nang mapansin niyang tahimik ako at malalim ang iniisip.

Kasalukuyan kasi kami ngayong nasa dressing room at dapat nagbabasa ako ng script para sa taping namin maya-maya.

"Nag-away ba kayo ni Tommy?" Pag-uusisa pa ni Hennie.

I looked at her. If only she only knows that we had broke up.

Nagpasya na lang akong huwag na muna sabihin sa kanya ang tungkol sa breakup. Kinausap ko na rin si Tom regarding dito, na baka pwedeng huwag muna namin ito ilalabas sa media dahil baka pagkaguluhan lang ito ng mga diyaryo, ng social media at iba pa. Pumayag naman siya at sinabing babalik muna siya sa italy. Mabuti na lang at naka-break kami ngayon sa teleseryeng pinagbibidahan namin kaya walang masyadong conflict sa bakasyon niyang baka matatagalan daw.

"He called me yesterday telling me that he's having his vacation in italy without you." Usal ni Hennie. "Eh hindi ka nga no'n maiwanan nang matagal tapos magbabakasyon siyang wala ka?" dagdag pa ni Hennie.

"Tom and I are okay," I told her. "We just needed some time alone."

My manager just looked at me at alam kong hindi siya naniniwala sa sinabi ko. Saka ko na lang siguro sasabihin ang lahat sa kanya kapag natapos na namin ang teleserye na ginagawa namin. Hindi bale, may anim na buwan na lang naman at matatapos na lahat-lahat ng teleserye namin ni Tom.

"How about the new project with you and Tom? Nakapag-decide ka na ba?" Tanong na naman ni Hennie tungkol sa matured movie ino-offer sa akin. Dati ay pinag-iisipan ko pa kung tatanggapin ko pa ito pero ngayon ay desidido na akong hindi ito tanggapin.

Loving The FamousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon